Chapter 22: Haji's Party Pt. 2

11.3K 460 164
                                    

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Bumangon ako ng kama pero nakaramdam ako ng hilo. What happened last night? Alam ko nasa bar kami. Pano ako nabalik sa hotel?

Pinilit kong tumayo para magpunta ng banyo. Naghilamos ako para mahimasmasan. Nakailang hilamos ako bago bumalik sa wisyo. Lumabas na ko ng banyo pero masakit parin ang ulo ko.

Hinanap ko si Liah pero wala sya. Umupo na muna ako sa sofa kasi nahihilo pa talaga ako. Inalala ko yung mga nangyari kagabi. I remembered seeing Liah and Luke kissing at the bar. And then i panicked and drank water.

Tama bang laklakin ang isang baso ng tequila?!

Shit. Water my ass. Tequila pala yung nainom ko kagabi. I suddenly remembered what happened last night. Inaway ko si Liah. My gosh!

No wonder wala sya dito ngayon sa kwarto. I checked my phone kung may text sya or chat pero wala. I looked at the time and it's 2pm in the afternoon. Sobrang haba naman yata ng tinulog ko.

Sunday na ngayon at ngayong araw yung birthday ni Haji. Baka andun na sila sa party. Alam siguro nila na nalasing ako kagabi kaya hinayaan na muna ako. Putek. Nakakahiya.

Hinanap ko yung susi ng kabilang kwarto. Buti nalang nasa gilid lang ng table yun dito sa kama. Nagpunta muna ako sa kabilang room para maligo. Kailangan kong tuluyan na mahimasmasan.

Habang nasa banyo ako ay di ko maiwasan na isipin yung mga nangyari kagabi. Galit ako kay Liah dahil sa nakita ko. Pero bakit nga ba ako nagagalit? Ano ang karapatan kong magalit? Nagpadalos dalos ako kagabi. Hindi ko man lang muna inisip yung magiging resulta.

Napaka tanga ko talaga kahit kelan. Kung nasasaktan man ako ay kasalanan ko yun. Bakit dinadamay ko si Liah sa katangahan ko?

Natapos na ako maligo at nakapagpalit na rin. Di ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Di ko alam kung pano sya haharapin. Silang lahat. Wala na akong mukhang ihaharap sa kanila dahil sa kahihiyan. Napaka tanga mo talaga Nica. Bakit kasi nagpadala ako sa emosyon ko. Gusto kong umiyak. Gusto ko nalang umalis dito.

Inayos ko na yung mga gamit ko. Siguro naman kahit galit si Liah di nya ako iiwan mag isa dito. Aantayin ko nalang sila hanggang matapos yung party ngayong araw.

Sa sobrang bigat ng pakiramdam ko ay di ako nakakaramdam ng gutom. Gusto ko lang magmukmok dito sa kwarto. Umupo ako sa sofa at niyuko yung ulo ko sa katapat na mesa. Sobrang bigat. Gusto kong umiyak. Nasasaktan parin ako sa nangyari. Wala naman akong karapatan pero masakit kasi talaga eh. Sobrang hirap nyang mahalin. Masakit. Magulo.

Kung pwede lang sana utusan yung puso na tumigil na eh dati ko pa ginawa. Bakit kasi sa lahat ng tao sya pa? Tanga tanga ko talaga. Dun pa ako nagmahal sa taong di ko makuha kuha.

Napa angat ako ng ulo dahil sa biglaan na pagbukas ng pinto. Nakita ko si Liah na pumasok at naglakad papalapit sakin. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang makarating na sya sa harap ko. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

"Are you back on your senses now?" Bungad na tanong nya sakin. Kung titingnan mukhang di naman sya galit. Parang nag aalala pa nga sya

"Y-yes. Sorry sa mga nasabi ko kagabi" i said but not looking at her. Di ko kaya makipagtitigan.

"Do you still hate me?"

Nagulat ako sa tanong nya. I told her i hate her last night. Bakit iniisip nya pa yun.

"No. I would never hate you. It's just.. it's because of the alcohol. That's why.. i said that"

Mas lalong di ako makatingin sa kanya ngayon. Di ko alam kong ano yung expression ng mukha nya. Kung galit ba sya o ano. Pero base sa tono ng boses nya ay hindi naman. Sana nga.

Salmonte Series Book #1 | She Is Maid For MeWhere stories live. Discover now