Chapter 44: One Step

10.1K 406 24
                                    

"Hey, that's enough nakakadami ka na!"

Nandito kami ngayon sa favorite bar namin para uminom. Kanina pa sinasaway ni Stacey si Hazel dahil andami na nitong nainom at sunod sunod pa ang shot.

"Hayaan mo nga ko damn it!" galit na sagot ni Hazel sabay hawi ng kamay ni stacey na kukunin sana yung hawak nya na baso

Lately lang namin nalaman na may problema pala sa company nila Hazel. Bigla daw bumaba ang sales nila at nagbabanta pa na mag pull out yung mga major investors. Kaya sya busy dahil dun. Matagal nang alam ni Keira dahil boyfriend nya ang kapatid ni Hazel pero sinabihan daw sya na wag nang ipa alam samin.

Ngayon ko lang nakita na ganito ka problemado si Hazel to the point na gabi gabi nalang sya naming sinusundo dito sa bar kasi lagi syang naglalasing. Nahihirapan na si Stacey kasi ayaw nya talagang sumunod kaya minsan kahit sobrang busy ko sa trabaho napapa out ako ng maaga para lang pilitin syang umuwi.

"Oh god! Nic, help me please. Di ko na alam ano gagawin sa kanya" nanlulumong sambit ni Stacey at napasapo nalang sa mukha nya dahil di na nya talaga mapigilan si Hazel

Kaya din ako lagi nandito kasi at some point sumusunod sakin si Hazel. Minsan nagpupumilit pa sya pero sa huli napapasunod ko parin sya kaya napapauwi namin ng maaga.

"Hazel please, tama na yan. Alam mong walang maitutulong sayo to" hinawakan ko yung baso na hawak nya at pilit na kinukuha yun "Please?" dagdag ko pa at naramdaman ko yung unti unti na pagbitaw nya dun

Sabay sabay kaming nakahinga ng maluwag nang kumalma na si Hazel. Nakayuko lang sya ngayon at alam kong lasing na. Sinenyasan ko si Stacey na itayo na si Hazel para makauwi na kaming lahat. Tumango naman sya at hinawakan sa balikat yung girlfriend nya para maalalayan patayo.

"Annica" mahinang sabi nito kaya napatigil si stacey sa pagtayo sa kanya

Nag angat ng mukha si hazel at nagulat kami lahat ng may mga luha na dumadaloy sa mga mata nya. Di ko alam na umiiyak pala sya.

"Hazel w-what's wrong--"

"Please stay away from her parents" she weakly utter

She's crying but she's not making any sound. Im so confused.

"Yes i will. Let's go home--"

"I promised Ali to protect you at all cost. I had my chance to.. my chance to.." her shoulders are starting to move. She's sobbing.

"Im sorry i want to be selfish for once" she's sobbing and burry her face on her hands. Di ko naiintindihan ang mga sinasabi nya

"That's enough halikana" hinila na sya patayo ni Stacey kaya napatayo na din kaming lahat "Thank you guys for coming" nakangiting sabi pa ni stacey pero halata naman na pilit na pilit lang

Nauna na silang lumabas ng bar kasama si Troy na tumulong para alalayan si Hazel. Lumabas na din si Hannah at Ace kasi kanina pa di mapakali ang dalawa at gustong masigurado na okay lang si Hazel. Kaming dalawa nalang ni Keira ang naiwan dito sa loob at kanina ko pa sya napapansin na napapabuntong hininga ito. Para din syang problemado at may mabigat na dinadala.

Di ko alam kung ano ang mga nangyayari sa mga kaibigan ko. Siguro dahil na din sa problema ngayon ng company nila Hazel. Boyfriend nya si Haji kaya siguro nalulungkot din sya about dun.

"Keira, are you okay?" tanong ko sa kanya nung palabas na kami ng bar

Ngumiti sya ng pilit at tinanguhan ako. Gusto ko sana syang tanungin kung may problema ba sya pero nag aalangan ako.

Pagkalabas namin ay sila Hannah and Ace nalang yung nadatnan namin. Umalis na din daw si Troy kasi may pupuntahan pa. Nagpa alam na din si Hannah kasi mejo late na at may trabaho pa bukas.

Salmonte Series Book #1 | She Is Maid For MeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz