Chapter 28: Jealousy

14.2K 475 272
                                    

Nagising ako ng wala sa tabi si Liah. I checked the time and it's 7pm. Nakatulog pala ako. Im covered with a blanket. Naked. Seriously, iniwan nya ako dito sa condo nya ng nakahubad. After she asked for it? Aalis sya ng walang paalam.

Inis akong bumangon ng kama at nagpunta ng banyo para maligo. Di ko mapigilan na mag isip na naman. Di ko ine'expect na mauulit pa yung ano.. alam mo na. Ewan ko ba para akong lasing na sumunod lang din sa gusto nya. Para akong may sapi pag kasama si Liah sa kama. Ang hirap magpigil.

hmm..nica

"Jesus Nica get a grip of yourself!" nasampal ko ang sarili ko dahil biglang pumasok sa isip ko yung pag ungol ni Liah. Kailangan ko na yatang magsimba. Mahaba habang dasal ang kailangan ko.

Mabilis lang akong naligo para makauwi na rin ako. Kumuha ako ng damit dito sa drawer nya. Madami naman syang spare clothes dito na bago. Nagbihis na ako agad at inayos na yung mga gamit ko. Grabe talaga nagkalat yung mga damit namin dito pero di nya man lang nagawang ayusin bago umalis. Tingin nya sakin katulong parin nya. Inayos ko parin yun at nilagay sa labahan nya. Bahala syang maglaba ng mga damit nya.

Chineck ko muna yung phone ko bago ako umalis. Umupo muna ako saglit sa sofa nya dito sa sala kasi andaming texts sakin. Meron kay Hannah, kay Troy, may text din si stacey. Wait si Liah may text din. Inuna kong buksan yung message ni Liah.

From: Maam Liah

Something came up so i had to leave. I'll come back.

Alam kong may lakad sila ni Luke ngayon. Ayaw pa akong diretsuhin. Bahala kayo.

Si Hannah and Troy nangamusta lang. Gusto pa ng chika ni Hannah kung ano nangyari nung pag alis namin ni Liah. Alam ko utak ng babaeng yun kaya di ko na pinatulan. Huling message na binasa ko ay kay Stacey.

From: Stacey

Can i take you out for a dinner? You cant say no. You owe me something.

Pano pa nga ba tatanggi? 10 minutes ago yung text nyang yun. So pwede pa.

To: Stacey

Okay. Tell me the place. I'll be there in like 30 minutes

Tumayo na ako at agad na lumabas ng condo ni Liah. Sinigurado ko muna na naka lock yun. Mahirap na. Wala pa yatang 2 minutes eh nag reply na agad si Stacey.

From: Stacey

No. I'll pick you up at your Apartment. Hannah told me where.

Napakagaling talaga ng bestfriend ko. Lahat na yata sinabi nun. Hindi na ako nagreply at dali dali na naglakad palabas ng building. Mabuti nalang at madaming taxi na nakaparada dito. Kailangan ko pa kasing mag ayos. Naka shorts at tshirt lang ako ngayon tas may dala dala pa akong bag.

Almost 20mins din yata bago ako makauwi. Malas kasi inabutan pa ako ng traffic. Mabilis na akong nagpalit agad. White croptop and shorts tapos pinatungan ko ng pink na blazzer. White shoes nalang din para makakilos ako ng maayos. Inayos ko na din yung buhok ko. Mejo curl lang sa bandang baba. Naglagay na din ako ng konting foundation and liptint. Yung manipis lang naman.

Napatigil ako saglit at napatitig sa sarili ko sa salamin. Bakit ba ako ng aayos ng ganito? Dinner lang naman yun diba? Bakit parang gusto kong magmukhang maayos sa harap ni Stacey?

Salmonte Series Book #1 | She Is Maid For MeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant