Chapter 38: Letting Go

47.3K 1.2K 107
                                    

Chapter 38: Letting Go


Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakasalampak dito sa sahig. Ni hindi ko alam kung kailan ako tumigil sa pag-iyak. Am I really that stupid? What have I done to myself? I sighed. Siguro nga, ganoon ako katanga kaya sinamamtala nila 'yon para saktan ako. I let myself fall for him but he betrayed me. Why does it have to end when it hasn't even started?

Kaya pala... Kaya pala galit na galit si Roanna kapag magkasama kami ni Viex. She has all the reason to get mad. Sa kanya si Viex e. E ako? Wala. Ni hindi nga niya kinonfirm na gusto niya ako. He just kissed me. Great. He just kissed me! Then I assumed that he likes me. Bakit ganito kasakit? Ganito rin ba ang nararamdaman ni Wren? Paano siya nagsusurvive sa ganitong klase ng pain?

Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon. Gusto ko nang umuwi pero hindi naman ako makatayo. Nanghihina ang buong katawan ko. Bakit kasi ganito? When you finally get to know what will make you happy, saka pa iyon mawawala sa'yo. Why life? Ano'ng ginawa ko sayo?

Pinigilan kong tumulo na naman ang luha ko pero useless rin dahil tumulo rin iyon. Pasaway kang mata ka. Bakit ba ngayon mo ako trinaydor?

Kahit paulit ulit kong inaalis sa isip ko yung mga sinabi niya, paulit-ulit rin iyong bumabalik. He's not a vampire nor a werewolf. Then what is he? Bakit niya ako kailangang saktan ng ganito? Ano'ng nag-udyok sa kanyang pumayag sa gusto ni Roanna? Sino ka ba talaga Viex Zaffre?

"Zeira?" A familiar voice called. Nag-angat ako ng tingin para makita siya. Wren... bakit niya pa ako hinanap? Babalikan ko naman sila dun ah.

I smiled at him, bitterly at saka ulit yumuko. Alam kong nagulat siya sa nadatnan niya. Tatawanan ba niya ako? I deserve this right? I deserve this.

Bigla siyang lumuhod sa harap ko kaya napatingin ako sa kanya nang nagtataka pero nagulat nalang ako nang bigla niya akong yakapin. No, Wren. Don't do this to me. Ayoko nang umiyak. But it didn't really help. Namalayan ko nalang na iyak na ako ng iyak habang yakap niya ako. Traydor talaga 'tong mata ko. Ayoko sabing umiyak e.

"Pasaway ka talaga. Kung alam ko lang na iiyak ka ng ganito, edi sana nagdala ako ng maramig panyo." Biro niya. Pero alam kong malungkot siya para sa'kin. Paano niya nagagawang umakto ng ganito sa harap ko? Nasaktan siya dahil sa'kin pero mas lalo niya lang sinasaktan ang sarili niya ngayon.

Natawa ako ng marahan nang dahil sa sinabi niya at saka siya niyakap pabalik. "I-I'm sorry. Hindi ko rin kasi alam." I said in between my sobs. He just hugged me tightly.

"Ayos lang. May damit naman ako. Kahit punasan mo pa ng sipon, ayos lang." He joked again. Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya.

Wren... sana, bumalik nalang 'yung feelings ko sa'yo. Sana.

We just stayed there for almost an hour. Hinintay niya lang na matapos akong umiyak at saka kami bumalik sa parking lot. Hindi na ako nag-ayos ng itsura ko dahil kahit ano namang gawin ko, namamaga pa rin ang mata ko.

Naabutan namin si Cyrus na nakasandal sa kotse ni Wren habang hawak na naman 'yung phone niya. Nagulat pa nga siya nang makita niya ako pero hindi na siya nagtanong dahil hindi naman rin ako sasagot. Dire-diretso lang akong pumasok sa back seat at naghintay na paandarin ni Wren ang kotse.

Walang nagsasalita sa buong byahe namin. Nakatingin lang ako sa mga nadadaanan namin habang umaandar ang sasakyan. Nakaramdam ako ng kaba nang malapit na kami sa bahay. Parang ayokong umuwi. Baka kasi kapag mag-isa nalang ako sa kwarto ko, maalala ko lahat. Natatakot akong umiyak na naman. Sa isang buwan na 'yon, nagbago agad ang buhay ko. Binago ni Viex lahat. Lahat lahat, pero ngayon, binabawi niya rin lahat.

I've suffered a lot of pain pero yung sakit na nararamdaman ko ngayon, ibang-iba sa mga naramdaman kong sugat nung mga nakaraan. Ngayon kasi, wala naman akong sugat. Sa loob ko na mismo nanggagaling yung sakit. And I don't even know kung paano 'yun gagamutin.

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon