Chapter 3: Ms. President and The New Kids (Part 2)

108K 2.7K 153
                                    

“Geez. That creepy guy! What does he think he is doing?” bulong ko sa sarili ko habang nakayuko. Buti nalang wala nang masyadong student dito sa dorm. Nag-si-alisan na sila dahil umpisa na ng klase. Lagot ako kay Master A kapag nakarating sa kanyang may nakapasok na lalaki sa isa sa mga kwarto sa ladies’ dorm! At ako pa ang dahilan. Pero magkapatid naman sila diba? Geez. Miski na, Zy! He’s still a guy!

And then I realized something. Kaya pala pinagtitinginan kami kanina ng mga students na nakakasalubong namin sa corridor ng ladies’ dorm! Kasi may kasama akong lalaki at pumasok pa sa dorm namin.

Gosh Zy! Why are you so stupid?

“Tatayo ka nalang ba dyan?”

“AY STUPID!” napasigaw ako sa sobrang gulat ko nang dahil sa nagsalita.

Tumingala ako at bumungad sa’kin ang mukha ng taong kinatatakutan ko. Hindi siya ganoon kalapit sa’kin pero ramdam na ramdam ko pa rin ang panginginig ng buong katawan ko nang dahil sa nakakamatay sa lamig niyang tingin.

Nakakakilabot sa sobrang lamig ang boses niya pati na rin ang mga titig nya. What’s happening to me? Hindi naman ako matatakutin ah. Gosh.

Nang mapansin kong nakatingin pa rin ako sa kanya ay mabilis pa sa alas kwatrong iniwas ko ang tingin ko. Ayoko talagang tumingin sa mga mata niya. That pair of brown orbs. They’re hypnotizing.

Natatakot ako sa mga matang iyon pero kapag nakatingin ako sa kanya, parang hindi ko na magawang iiwas ang mga tingin ko.

I sighed. I’m just over-thinking, right?

Baka epekto lang ito ng pagiging kulang ko sa tulog.

“Get lost.” I heard that cold voice again pero hindi ko siya tinignan. Ako ba ang tinutukoy niya? And what? He wants me to get lost? How come na sa unang pagmi-meet palang namin, he already wants to get rid of me? This is impossible. Everybody in this school loves me. This is the first time na may nagsabi sa’kin ng ganito.

Napansin kong naglakad na siya palayo pagkatapos niyang sabihin iyon. Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Siguro, sa dorm nila. This guy's really is unpredictable! Paano niya nasabi ang mga salitang iyon sa isang babae? Pagkatapos tatalikuran niya lang? 

Pero kung nagulat ako sa sinabi niya ay mas nagulat ako nang biglang kusang gumalaw ang buong katawan ko at namalayan ko nalang ang sarili kong sinusundan siya.

Tumakbo na ako para maabutan siya. Bakit ang bilis niya maglakad?

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon