Chapter 17: Leaders

73.4K 2K 48
                                    

 Chapter 17: Leaders

 

 

Hindi ako makatingin ng diretso sa mata ng nilalang na nasa harap ko kaya medyo iniyuko ko nalang ang mukha ko. Oh my. If only his cold looks could freeze a thing, malamang nagyeyelo na ako dito. Mas cold pa siyang tumingin kesa kay Viex. Kaya siguro siya naging leader ng wolves. I can feel that I should stay away from him.

“Heiress, huh?” rinig kong sabi ng isang baritonong boses. I looked up to meet his eyes. He’s still looking at me. Siya ba yung nagsalita? Sino’ng kausap niya?

“Aahh!” nagulat ako nang biglang may humawak ng mahigpit sa dalawang kamay ko mula sa likod.

“Wren! Stop it!” and before I knew it, nasa likod ko na siya. Bigla nalang  tumakbo si Yana papunta sa taong nasa likod ko. But Wren did not let go of my hands. Instead, hinila niya pa ako papalapit sa kanya. I can feel his breathe on my neck. What is he going to do?

Nagpapanic na ang utak ko dahil sa kaba pero hindi ko pinapakita sa kanya. Pansin ko rin na medyo nakakapukaw na kami ng atensyon dito. This is no good. Sheez.

He’s too fast. Ni hindi ko naramdaman na nakapunta na siya sa likod ko. Para siyang si Viex. Does it mean na isa sa kanila si Viex? Bakit ba parang galit na galit sa’kin ang race nila. Una, si Viex ang nagtangka sa buhay ko. Ngayon naman, itong Wren na ‘to, may balak pa atang gawing masama sa’kin.

Bumuntong hininga ako para mabawasan yung kabang nararamdaman ko pero wala pa ring nangyari. I tried to compose myself, again and again, until I finally said, “Let go of me.” to him.

“Bakit hindi mo patunayan sa bawat nilalang dito na kailangan ka nila?” he muttered. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Ano bang punto niya?

“I don’t know what you’re talking about. Just—just let go of me, will you?” iritableng sagot ko sa kanya. Seriously, anong problema ng isang ‘to?

“Leader! Ano’ng ginagawa mo?” napatingin ako sa isang lalaking nasa harap namin. Naka-leather jacket siya na black na bukas lahat ng buttons at black pants sa ibaba. He’s wearing a black shoes, too. Kung hindi siguro siya taga-rito sa other world, malamang napagkamalan ko na siyang normal na tao. Typical handsome guy like those guys outside this world. Naka-all black siya gaya ng nilalang na nasa likod ko. Kaya alam kong isa siya sa mga werewolves na nakaupo lang kanina. Napatingin ako sa likod niya at nakita yung ibang kalahi nila, looking all worried. Lahat sila naka-black.

 

 

“Let go of her, leader.” The other wolf said almost pleading. Hindi ako binitawan ni Wren kahit pinapakiusapan na siya ng iba pang mga wolf. Pati nga si Yana, Yumi at Yuki, nakikiawat pero hindi niya pa rin ako binibitawan.

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon