Chapter 10: Out of Finelry High

87.3K 2.1K 107
                                    

Chapter 10: Out of Finelry High

Naglalakad kami nila Syn at Mish papunta sa sakayan ng taxi. Ayaw raw kasi nilang magbus pauwi dahil gabi na at punuan ang bus ngayon. I’m carrying two paper bags and a plastic bag habang si Syn naman, dalawang plastic bags ang dala. I looked at Mish while she’s walking and smiling like an idiot.

“How can you smile like that despite of carrying those heavy paper bags?” I asked Mishie. Tinignan ko ang mga paper bags na dala niya. Hindi lang yata sampu ang mga iyon. Sanay naman kami sa kanya pero everytime na pupunta kami sa mall para magshopping, at makikita ko ang mga bags na dala niya. Ghad. It all seems new to me.

“Para namang hindi ka pa sanay dyan, Zy.” Singit ni Syn at saka huminto para pumara ng taxi. Napailing nalang ako. Ano pa nga bang aasahan ko kay Mishie pagdating sa pagsho-shopping? Ni hindi ko na nga alam minsan kung saan siya kumukuha ng pera para lang may maipambili ng dresses. Though I know that they’re rich.

“Ang dami kasing magagandang dresses kanina. I just can’t help myself from buying them. They’re like babies to me and all I can do is to adopt them!” she said dramatically. “And these are not heavy, Zy. Don’t worry. I can manage.” Sabi niya pa habang ngiting ngiti.

“She’s insane.” Syn commented. Napatingin sa kanya si Mishie at umirap. Biglang may humintong taxi sa harap namin kaya sumakay na agad kami.

Napatingin ako sa wrist watch ko para i-check ang oras.

7:16pm. I looked at the window beside me. Nasa passenger seat ako samantalang nasa back seat naman yung dalawa. Tahimik lang si Syn. I bet, nakapikit yon dahil sa pagod. Samantalang si Mishie naman, chinicheck yung mga pinamili niya. We’re always like this everytime na lalabas kami ng Finelry High nang walang pahintulot. At ako pa ang pasimuno. What a good president I am. I smiled at that thought.

“Saan ho tayo, Ma’am?” the taxi driver asked.

“Sa Finelry High po.” I simply said while still looking outside. Nakatingin lang ako sa mga buildings na nadaanan namin. Sa iba’t ibang klase ng tao. Sa mga puno at kung anu-ano pa. Outside Finelry High is not as peaceful as it seems. Ang totoo, wala namang safe na lugar sa mundo. Nasa taong mga kasama o nasa paligid mo naman kasi malalaman ang salitang peacefulness. It really depends upon the person and the people around him.

“Wait. Saan tayo papasok? Sa likod ba ulit ng dorm?” basag na tanong ni Mishie sa katahimikan.

Napatingin ako sa kanilang dalawa sa rear view mirron ng taxi. Nakatingin si Mishie kay Syn na nakapikit lang habang nakasandal. Miski naman ako, kay Syn lang naghihintay ng sagot.

“Do you want to get caught? Dumaan ka sa main gate.” Syn answered, sarcastically. Uso nga naman ang common sense. Pero, masyado nang gabi at delikado kung doon kami dadaan?

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now