Chapter 11: Illusions

79.5K 1.9K 60
                                    

 Chapter 11: Illusions

 

Nagising ako na wala si Viex. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi. Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng bahay na ito pero wala miski anino niya. Baka pumasok siya. Buti naman. Ayoko siyang makita. Naiinis ako sa kanya dahil ayaw niya akong pakawalan. If he's not going to kill me then why keep me?

Unti-unti niya ba akong pahihirapan hanggang sa ako na ang magmakaawang patayin niya? Hindi ako yung tipo ng taong sobrang judgmental o paranoid sa paligid niya. Pero hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ako pagdating sa magkapatid na Zaffre. Sapat na siguro ang ilang beses nilang pananakit at pagtatangka sa buhay ko para maging paranoid ako pag nasa paligid sila.

I looked at my wrist watch and it says 9:35 in the morning. Ang dami ko pang gagawin sa school para sa papalapit na Sem-Ender party next next week kaya kailangan kong makalabas dito. Pero jeez! Everytime na tatangkain kong lumabas, parang yung mismong pinto na ang lumalayo sa'kin. It's weird, yeah. Pero unti-unti na ata akong nasasanay. Hindi ordinaryong bahay 'to.

Now that I think about it. Malakas ang kutob kong vampire ang magkapatid na 'yon. Masakit man sa ulo at hindi kapani-paniwala na may ganoong klase pala ng nilalang na nabubuhay sa mundo, naniniwala pa rin ako because I witnessed it myself. They have powers and they used that power on me.

Gusto akong patayin ni Roanna kaya nung gabing nakikipag-usap ako kay Mimi, inutusan niya si Viex. O talagang planado na nila yon, bago pa man sila pumasok sa Finelry? I should know. Kailangan kong malaman ang intensyon nila. Why me? At sino yung hinahanap nila na nakakasagabal ako? Naalala ko na naman yung mga sinabi ni Roanna nang makita ko siya sa isip ko. 

She wants me to be executed because I'm blocking their way. In what sense? Paano ko sila pinipigilan? At anong kinalaman non sa pagiging top student ko?

Sumasakit na ang ulo ko kakaisip. Umiling-iling ako para mawala lahat ng nasa isip ko. Kailangan ko munang magfocus sa pagtakas dito. Kailangan kong makaalis dito bago pa man bumalik si Viex. Paano kung kasama niya na si Roanna pagbalik niya? Anong laban ko sa kanila? I'm just a normal individual and they're extraordinary. How will I fight them?

Tumayo ako sa kamang inuupuan ko at naglakad palapit sa pinto. Hindi ko alam kung kwarto ba itong pinagdalhan sa'kin ni Viex o bahay na talaga. Hindi ko naman kasi alam kung anong nasa labas nito.

Unti-unti akong lumapit sa pinto at gaya kagabi, parang bulang naglaho ito sa paningin ko. Napapaisip rin ako kung nababaliw na ba ako o totoo talaga ang nangyayaring ito.

I tried to concentrate on the door. Ano'ng meron sa labas ng pintong yan?

Tinignan ko lang ang kabuuan ng pinto na animo'y sinusukat lahat ng aspetong meron ang pintong iyon. I tried to imagine how heavy it is. How rough or smooth it's texture and all. Even how it tastes. I don't know what I am thinking. Kung makakatulong ba ang pag-iisip ng mga ganoong bagay para makakaalis ako dito. But I can't help it. It's like it's the best way for me to escape this house. Parang inuudyukan ng isip ko ang buong sistema ko para gawin yon.

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon