Chapter 41: Slayer

56K 1.1K 122
                                    

Chapter 41: Slayer


Pabalik balik lang ako ng lakad dito sa kwarto ko dito sa pinakapalasyo ng Mystic Palace habang iniisip 'yung mga sinabi ni Master Hans kanina. Bakit ganun? Bakit ganun si Viex? Hindi ko siya ma-gets!

Naputol ang pag-iisip ko nang maramdaman kong may nakatingin sa'kin. Napaharap ako sa pintuan at nakita ko dun si Wren na nakatayo habang naka-smirk sa'kin. Nakahinga naman ako nang maluwag na nandito na siya.

"Pinapatawag mo raw ako, mahal na prinsesa." He said, mockingly. mockingly

I rolled my eyes at him."Pwede ba, Wren? Hindi ako nakikipaglokohan sa'yo." Seryosong sabi ko.

Bigla mamang kumunot ang noo niya. Siguro dahil sa pagtataka. Wala naman kasi talaga akong balak makipag-asaran sa kanya. I need to ask him something important. Sa ngayon kasi, siya lang ang kaya kong pagkatiwalaan sa bagay na 'to. Dahil siya lang rin naman ang nakakaalam ng totoong mga nangyayari samin ni Viex. "May problema ba, Zeira?" Tanong niya at saka isinara ang pintuan. Lumapit siya sa'kin.

Naalala ko tuloy bigla yung mga napag-usapan namin kanina ni Master Hans.

"Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin, mahal na prinsesa?" Takhang tanong niya. Isinara ko agad ang pinto nitong Meeting Room at sinabihan ang mga kawal sa labas na wag magpapapasok.

"About Viex, Master." Seryoso kong sabi sa kanya. "Alam ko na ang lahat, Master. Alam ko na yung tungkol sa panloloko niya sa'kin. Yung tungkol sa kanila ni Roanna." Just a mere thought of it makes me want to cry. Nasasaktan pa rin ako kahit mabanggit lang ang pangalan nilang dalawa. "Pero... totoo ba talaga, Master? Totoo bang hindi niya ako minahal? Kahit konti? Kasi-- kasi iba po 'yung nararamdaman ko, Master. Iba sa sinasabi niya." Gusto kong malaman 'yung totoo. Pero alam ko namang hindi niya sasabihin sa'kin.

"Ang totoo niyan, mahal na prinsesa, hindi ko alam kung ano'ng mga balak niya. Hindi ko alam ang buong detalye ng nangyari sa inyong dalawa. O kahit ang tungkol sa kanilang dalawa ni Roanna. Mabait na bata si Viex. Nasubaybayan ko ang paglaki niya. Kahit wala siyang mga magulang, hindi siya nagtanim ng galit sa mga ito." Umpisa niya. Inantay ko lang siyang magsalita ulit. "Kaya't hindi ako makapaniwala nang malaman ko sa isa sa mga leaders na siya ang traydor. Pero kung siya nga, isa lang ang sinisigurado ko. May rason siya sa lahat ng ginawa niya."

"Pero, sila po ba talaga ni Roanna?"

Tumango siya. It broke my heart. So, all this time. Hindi niya talaga ako mahal? Napayuko ako. "Pero dati ikaw ang mahal niya."

Napatingin ako sa seryosong mukha ni Master Hans. "A-ano po?"

"Nung hindi pa nangyayari ang pagsalakay ng mga kalaban sa Lairhart Kingdom, lagi ka niyang pinagmamasdan. Alam niya ang lahat tungkol sa'yo. Pero hindi mo siya napapansin. Hanggang kaibigan lamang ang tingin mo sa kanya dahil may mahal ka na raw iba. Pero kahit kailan, hindi ka niya tinuring na kaibigan lang. Hanggang isang araw, nagbalak siyang magtapat sa'yo. Pero 'yon din ang araw na sumalakay ang mga kalaban." Napaupo ako sa kaninang inuupuan ko dito sa loob kaya umupo rin si Master Hans habang nagkukwento. "Nahiwalay ka sa kanya. Naipadaala ka sa Mortal World habang nakuha naman siya ng mga kalaban."

"P-po? Bakit siya kinuha ng mga vampires?"

"Dahil alam ng pinuno nila ang tungkol sa pagkatao niya."

Napakunot ang noo ko. "Sa pagkatao niya?"

Huminga siya ng malalim. Parang mine-measure niya pa kung sasabihin ba niya sa'kin ang totoo o hindi. "Master, please." I pleaded. I don't want to hear any lies.

"He's a Slayer, Heiress." Nagtakha ako sa sinabi niya.

"Slayer? May ganoon po bang race dito sa otherworld?"

Tumango siya. "Slayers are extinct. Karamihan sa kanila, mga taksil sa sarili nitong race na gustong maiba ang kinalalagyan at mga mortal na piniling mamuhay sa Otherworld. Lahat sila, sumailalim sa isang ritwal na naging dahilan ng pagiging isang race nila. Ang iba sa kanila, gustong maging vampire, ang iba naman ay sorceress, werewolf at iba pa. Nakayanan ng ibang taksil ang transition pero ang ibang mga mortal, hindi kinakaya ito kinaya kaya nawawala sa sarili ang mga ito. At dahil na rin labag sa batas ng kalikasan ang ginagawa nila, naparusahan sila. Pero madami rin namang nakakaligtas." Paliwanag niya.

"Pero paano naman po 'yung mga anak nila? Mortal pa rin po ba ang mga nagiging anak nila?" Tanong ko. Umiling siya.


"Hindi magiging mortal ang mga anak nila. Dahil markado ang mga magulang niya, markado na rin siya."

"Paano pong nawawala sila sa sarili? Nababaliw?" Hindi ko kasi alam kung paano nawawala sa sarili ang ibang mga race dito.

Umiling na naman si Master. "Nagiging mas masama sila. Mas masama pa sa vampires." Kinilabutan ako nang dahil sa sinabi niya.

"Pero once naman po na nakaligtas ka sa transition, safe ka na?"

Tumango siya at saka ipinagpatuloy ang pagkukwento. "Nang mamatay silang lahat, ay sanggol ka palang. Kaya hindi mo alam ang tungkol sa kanila ngayon. Mas malakas sila sa kahit na ano'ng race dito sa otherworld at kinokonsidera silang threath sa'tin. Bukod kasi sa mga kumalat na balita nun na mga wala sila sa sarili dahil sa pagt-turn sa kanila, may mga nakita rin sa labas ng Lairhart Kingdom na mga katawan ng mga spell-casters na walang buhay. Wala silang kahit na anong bahid ng kagat ng isang bampira kaya naisip naming sila ang may kagagawan. Kaya naisipan ng King Arcanus na magpadala ng pinakamalalakas sa spell-casters clan para patayin sila. At kasama ako dun. Nang gabing sinalakay namin sila, natuklasan naming hindi sila lahat ay masama. Ang mga nawala sa sarili noon ay mga namatay na at nasa ilalim ng compulsion ang iba sa kanila gawa ng mga bampira. Kaya ito pumatay ng mga kalahi natin. Pinag-aaway nila ang mga Slayers at ang nasasakupan ng Lairhart. Hindi na sana namin sila susugurin nang biglang nagsidatingan ang mga vampires. Sila ang pumatay sa mga kalahi ni Viex. Pati na rin ang ibang mga kalahi natin. Kakaunti lang kaming mga nakaligtas."

Nakikinig lang ako sa kwento niya. So kaya pala hindi siya Vampire o Werewolf? Isa pala siyang Slayer.

"Nang lisanin ng mga vampires ang kuta ng mga Slayers, naiwan kami. Malubha rin ang mga lagay ng mga kasamahan kong nakaligtas nun gaya ko pero nagawa rin naming gamutin ang isa't isa. Dahil sa takot na balikan pa kami ng vampires, nauna na silang umalis habang naghahanap ako ng pwede pang tulungan na Welsh. Pero wala akong nakita. Lahat sila, patay na. Hanggang sa makarinig ako ng iyak ng isang bata. Si Viex. Siya lang ang kaisa-isang slayer na nakaligtas. Pati na rin ang Witch na nagte-turn sa kanila, namatay." Napailing siya. "Naawa ako sa kanya kaya kinuha ko siya at dinala sa bahay namin ng asawa ko."

Ngayon ko lang nalaman na may asawa na pala si Master Hans.

"Kinupkop namin si Viex at pinalaki ng maayos. Wala siyang natatandaan sa mga nangyari nang gabing 'yon dahil dalawang taon palang siya no'n. Hindi rin namin binabanggit sa ibang Welshes na isang Slayer si Viex. Maski na siya, ay hindi alam. Tanging sina King Arcanus at Queen Hermione ang pinagsabihan namin ng asawa ko. Sinabi rin namin sa lahat na patay na ang lahat ng Slayers at ang mga Vampires ang pumatay sa kanila, pati na rin sa iba nating kalahi. Dahil iyon ang kagustuhan ng iyong ama. Ayaw na niyang madamay pa ang nasasakupan niya sa mga problema. Hanggang sa nakuha nga ni Leo Arunafeltz si Viex. Sinabi nila ang totoo kay Viex. Tungkol sa pagiging Slayer niya. Pinaniwala niya rin ito na mga magulang mo ang nagpapatay sa mga kalahi niya." Nanlaki ang mga mata ko nang dahil don. "Pinahanap ka niya kay Roanna Arunafeltz na anak niya at kay Viex para patayin. Pero iba ang ginawa ni Viex. Ibinalik ka niya dito sa Otherworld. After 16 years, nung gabing iyon lang siya nagpakita ulit sakin. At kasama ka pa. Sinabi niya rin sakin lahat ng sinabi sa kanya ni Leo. Pero wala siyang nabanggit sa mga plano niya." He said.

Imbis na patayin ako ni Viex, binalik niya ako dito. Ano bang dapat kong isipin? Ako ang mahal niya dati. Pero sa loob ng 16 years, pwede 'yong magbago. Lalo na't si Roanna ang kasama niya sa 16 years na nawala ako.

"Alam mo na pala na Slayer siya." Wren stated pagkatapos kong ikwento sa kanya lahat ng napag-usapan namin ni Master Hans. Napatango ako at tumingin ng seryoso sa kanya.

"Alam mo rin?" Takang tanong ko.

"Oo."

"Kailan pa?"

"Matagal na."

Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. "And you didn't even bother to tell me?" Naiinis na sigaw ko sa kanya.

"Zeira, I love you." Natigilan ako nang dahil sa sinabi niya. "Pero wala ako sa posisyon para sabihin ang bagay na 'yun sayo. Hangga't maaari, ayokong maki-alam sa inyong dalawa."

I sighed. "So hindi talaga siya ang traydor?" Tanong ko sa kanya.

He shrugged. "Malay ko."

Pinalo ko siya sa balikat. "Ano ba! Sumagot ka nga ng maayos."

"Aray ko naman! Pwedeng wag kang mamalo?" Naiinis na sabi niya at saka hinimas yung balikat niya.

"Sumagot ka kasi ng maayos." Naiinis rin na sabi ko.

"Ewan ko nga. Ano ba kasing pumasok sa isip mo at sinabi mo sa kanilang siya ang traydor? Malay mo naman, ako pala." Seryosong sabi niya kaya nagulat ako. Natawa naman siya bigla. "Naniwala ka naman? Napaka-utu-uto mo naman." He said. Bakit ganun? Parang may iba siyang ibig sabihin sa sinabi niya. Hindi ko nalang pinansin. Masama lang talaga ugali nito.

"Pero sino naman kaya ang traydor?" Napapaisip talaga ako kung sino siya. Kung bakit niya 'to ginagawa and such.

"'Yun ang dapat mong alamin." He said seriously. "Ngayong alam na ng traydor na 'yun na itinuturing mo na si Viex ang traydor, mas madali mo na siyang mahahanap."

Napatango ako. He's right. Dahil don, magiging kampante na siyang gumawa ng mga susunod niyang plano kaya mas magiging madali na siyang i-trace. Mas okay na rin palang si Viex ang ikinonsider kong traydor. Sigurado kong, iisipin niyang hindi ako magiging threat sa kanya dahil magmumukha akong tanga para sa kanya.

"Wala ka ba talagang alam sa mga plano ni Viex?"

Umiling siya. "Masikreto ang Slayer na 'yun. Hindi ko rin alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya."

"Kahit konti--"

"Wala nga, Zeira. And honestly? Stop thinking about him. Kaya niya ang sarili niya. At kung totoo ngang sila na ni Roanna, malamang, hindi ka na talaga niya mahal. Wag ka nalang umasa ng umasa, prinsesa. Tanggapin mo nalang 'yung naging desisyon niya. Tanggapin mo nalang na hindi ikaw ang pinili niya." Prangkang sabi niya.

Napatingin lang ako sa kanya. Ang sakit kasi. Masama na bang umasa ngayon?

"May itatanong ka pa ba? Babalik na ako sa headquarters namin."

Umiling ako kaya tumayo na siya at saka naglakad paalis. Pero bago pa man siya makaalis ng tuluyan, tinawag ko muna siya.

"Ano?" He asked.

Nakayuko ako pero ramdam ko ang tingin niya sa'kin. Bakit ba tama siya? Bakit pakiramdam ko, ang tanga-tanga ko nalang talaga? At bakit ba ang tigas ng ulo ko? "I hate you." I just said.

Natawa naman siya bigla. "I know." Then he left.

Thank you, Wren.

--

Nagising ako nang wala sa sarili kinabukasan. Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi kakaisip. Gusto ko na ngang tanggalin ang utak ko para lang hindi na magprocess. Kaso hindi naman pwede yun.

Nagpunta agad ako sa falls ko. Meron namang paliguan sa kwarto ko pero hindi ko pa tinitignan kung ano'ng itsura. Gusto ko kasing mag-isip muna kaya hindi rin muna ako nagsama ng kahit na sino. Mag-uumpisa na rin kasi ang training ko mamaya kaya kailangan kong tanggalin lahat ng iniisip ko ngayon.

Nagbabad lang ako sa tubig at pinakiramdaman ang paligid. Ang payapa ng lugar na 'to at masasabi kong kahit ilang araw palang ako dito, I've learned to love the place already. Pero nami-miss ko pa rin sila Mimi at Didi. Kamusta na kaya sila? Inaalagaan ba silang mabuti ni Cyrus? Si Daddy kaya? Nami-miss ko na rin ang Finelry High.

Napabuntong hininga ako. Sa mga ganitong panahon at mag-isa ako, mas lalo ko silang nami-miss. Mas lalo kong naaalala lahat ng masasayang moments namin. Pati ang mga luto ni Mimi. Ang pang-aasar sa kanya ni Didi. Lahat.

Tumingala ako para pigilan ang luhang nagbabadyang kumawala sa mata ko. Ayoko nang umiyak. Sawang-sawa na ako.

"Ah, shit!"

Napakunot ang noo ko nang may marinig akong boses mula sa baba kasabay ng isang mahinang tunog. Agad akong umahon sa tubig at saka nagbihis. May dala kasi akong damit na para sa training ko mamaya. Nakita ko lang ito sa kwarto ko kanina. Dala raw nila Yumi at Yuki sabi nung mga kawal.

"Sino 'yan?" Sigaw ko nang matapos ako sa pagbibihis.

"Mahal na prinsesa?" Nagulat ako nang makita ko si Zero na nakatingin sakin habang bumababa ako dun sa hagdan na ginawa ko kanina.

"Zero? Ano'ng ginagawa mo dito?" I asked him. Mukha siyang problemado. Ang gulo pa ng ayos ng buhok niya.

Umiling siya bilang sagot. "Wala po, mahal na prinsesa." He bowed, then. "Patawarin niyo po ako. Mauuna na po ako." He said.

"Teka!" Napatigil siya at tumingin sa'kin. Naiinis ako kapag tinitignan nila ako na parang gusto na nilang umalis dahil natatakot silang magkamali sa harap ko. "May problema ba?" Concerned na tanong ko.

He smiled. Kahit parang hindi naman siya masaya. "Wala po, princess. Pero salamat po sa pagtatanong."

Tumango ako. Siguro, hindi lang talaga siya sanay magsabi ng problema sa hindi niya pa lubusang kilala. "No problem. Pero pwede bang tanggalin mo na 'yung po? Magkasing edad lang naman ata tayo." Natatawa kong sabi. "Saka kahit Heiress nalang ang itawag mo sa'kin. Mas sanay kasi ako dun."

Natawa rin siya. "Sige, Heiress." At saka siya naglakad paalis. Pero hindi pa siya nakakailang hakbang ay tumingin ulit siya sa'kin.

"Bakit?"

"Goodluck sa training, Heiress." He said. And as if on cue, bigla kong naalalang may training pa nga pala ako. Ang sabi ko kasi sa mga kawal, sandali lang akong maliligo pero ilang oras na yata ako rito!

Napasampal ako sa noo ko. "Oo nga pala! Sige, mauuna na ako." Sabi ko at nagmamadaling tumakbo habang hawak yung damit na ginamit ko kanina. Hindi ko na nga hinintay pang makasagot si Zero. Baka kasi mapagalitan ako ng magsisilbing mga professors ko kapag late ako!

Nagmamadali akong hinanap ang training room dito sa Mystic Palace at buti nalang, hindi ako naligaw. Tinuro na kasi sa'kin nila Yumi ang direksyon papunta dito.

Pagkarating ko dun, si Yana agad ang bumungad sa'kin.

"Uh, sorry. Late na ba ako?" Tanong ko agad sa kanya. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Mukha lang itong stadium. Pero walang mga upuan. And it looks enchanted. Like everything can happen in this room kahit sa isang pitik lang ng kamay.

Umiling si Yana at ngumiti. "Just right on time, Heiress." She said. Napakunot ang noo ko nang makaramdam ako ng kakaiba sa kilos niya at agad na napatingin sa likod ko. Napaiwas ako agad nang makakita ng mga arrow na mabilis na papalapit sa'kin. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makaiwas ako dun at sahig 'yun tumama.

"Madaya, Yana! Hindi pa ako ready!" Sigaw ko sa kanya. Pero natawa lang siya.

"Pasensya na, Heiress. Pero hindi ka hihintayin ng kalaban para maging ready." Natatawa-tawa niyang sabi. Nagulat ako nang ilabas niya ang rose niya at magcast ng spell. "Attatimus nona!" She said at kusang kumawala yung arrow sa pagkakatusok nito sa sahig. Hindi lang pala iyon isa. Kung hindi lima!

Agad ako nitong inatake kaya tumakbo nalang ako. Ano bang dapat kong gawin?! "Are you planning to kill me?" Sigaw ko sa kanya habang patuloy pa rin sa pagtakbo. Think, Zeira!

Natawa lang si Yana. Bahala na! Tumigil ako sa pagtakbo dahil kahit naman yata takbuhin ko ang buong training room na 'to, hindi ako titigilan ng mga arrow ni Yana.

Tinitigan kong maigi ang arrow na papalapit sa'kin nang may mapansin ako. 'Yung arrow, hindi lang siya basta isang arrow. Mukha siyang tubig na inipon dahil sa kinang nito. May mga alon pang gumagalaw sa bawat pagkilos nito.

Huminga ako ng malalim at itinapat dito ang kamay ko. Kaya bago pa man ito makalapit sa'kin, naging isang matulis na yelo na ito. Sa ginawa kong 'yon, nawala ang kontrol ni Yana sa water arrow na ginawa niya.

Nang tumigil 'yon sa ere, ay kinuha ko iyon at saka malakas na binato sa direksyon ni Yana. Pero bago pa man iyon makalapit sa kanya, nagawa na niya itong i-dissolve.

Ngumiti siya sa'kin. "Welcome to your Sorcery Class, Heiress." She said. "In this field, I will be your teacher."

I gulped, hard. Mukhang kahit ako ang prinsesa, hindi mangingimi si Yana na pahirapan ako. Mukhang kailangan ko talagang mag-aral ng mabuti.

*****

A/N:

I just added the chapters back.

Add me for updates! :)

FB: AleexJin Stories
Twitter: @aleexjin
FB Page: The Heiress

Love,
Jin

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon