Chapter 6: Weird things

97.6K 2.4K 174
                                    

I could say that death is the end of everything for a person, but the thing about death is, you'll never know when it is going to take what you have--your life in particular. You'll never know when or where it is going to take place. So all you can do is to wait until it comes and ruin that 'everything'. 

And for my case, will I be really going to meet my end? My death? With this guy in front of me whom I barely know?

I’m feeling cold not because of the wind that touches my skin but because of his stares--his cold stares, I mean, while he's holding a dagger pointing on my neck. Ilang beses ko na bang tinanong sa sarili ko ang tanong na yon ngayong mga oras na 'to.

He really hates me that it pushes him to kill me?

I stare at him, blankly as he also did the same. Sa mga oras na 'to, nawala na ang kabang bumabalot sa akin kani-kanina lang.

He has a reason to hate me and if he'd kill me, I will be having a reason to throw him the same feelings--he has for me-- too. Ang pinagkaiba nga lang, sa kabilang buhay ko nalang dadalhin ang galit na yon kung papatayin nya ako ngayon. Still, useless.

"What do you need? Why are you doing this?" I asked. Hindi ko alam kung bakit nawala na yung takot ko. Jeez, Zy. Buhay mo ang nakataya dito! Hindi ko alam kung paano ako lalaban sa taong ito. He's way way stronger than me. 

Hindi siya sumagot sa tanong ko. He just stared at me, silently.

"Aren't you go--" I am about to ask him again pero natigilan ako nang mas lalo pa niyang ilapit ang mukha at katawan niya sa akin at mas lalo niya pang idinikit ang kutsilyo sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang pagtusok ng patalim niyon sa balat ko. Hindi iyon ganoon kalalim para ikamatay ko pero alam kong sapat na ang pagkakatusok niyon sa leeg ko para lumabas ang dugo mula doon.

Nanlaki ang mata ko dahil sa kaunting hapding naramdaman ko. Is he really serious?

"Talk and I'll make you shut up forever." he said with a bored tone. Nanginginig ko namang ikinuyom ang kamao ko. My ghad. Bumalik na naman ang kabang nararamdaman ko. It feels like anytime, lalabas na ang puso ko mula sa bibig ko.

Nagtataka ako kung paano at saan niya nakuha ang patalim niya. Pero nagtataka rin ako kung bakit hanggang ngayon, hindi niya pa ako pinapatay. Ano pa bang hinihintay niya?

"If you're going to kill me, then do it immediately. Ano pa bang hinihintay mo? An--" bago ko pa maituloy ang mga sasabihin ko ay nakaramdam ako ng kaluskos mula sa kanan ko hanggang sa maramdaman kong may nakatingin sa amin--sa'kin. Sobrang hinang paggalaw lang iyon mula sa isa sa mga puno pero alam kong may nagtatago mula sa likod ng punong iyon. Gustuhin ko mang lumingon pero hindi ko pwedeng gawin iyon. Pero sigurado ako. Hindi lang  kaming dalawa ni Viex ang tao rito.

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon