Chapter 36: Call Me Baby

973 56 8
                                    

AUTHOR'S NOTE:


Ipopromote ko lang yung bagong one shot story ko. Hahaha, pagbigyan! PETERPAN ang title at isa siyang Kai fanfic. Isang fan ang nagpagawa sakin niyan. Punta lang kayo sa profile ko then click 'works'. Hanapin niyo nalang dun. Hahaha. Yun lang. Have fun reading guys. Vote and comment? Libre lang 'yan. Wag nang mahiya.


Ps. Sorry sa sobrang bagal na update. Huhuhu :(


Pps. Malapit na 'tong matapos guys. Mga 5 chap. nalang, sana mahintay niyo. :)


************************************


"Anong gusto mo?" Tanong sakin ni Kai.


Tinignan ko ng mabuti ang mga nakalatag sa harapan ko. Hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga.


Hay, ang hirap namang pumili. Nakakahiya rin kasi kay Kai. Baka maturn off siya kung pipiliin ko yung hindi niya gusto. At isiping choosy ako kapag hindi ko naman nagustuhan yung pinili niya, diba?


"Ikaw nalang yung mamili. Ikaw naman yung bibili eh." Sagot ko.


"Eh bakit? Ako ba yung gagamit?"


Napanguso nalang ako sa sagot niya.


Siguro ay nagtataka kayo kung ano ba ang mayroon. At kung bakit nasa mall kami ngayon. Naisipan kasi ni Kai na bilhan ako ng cellphone. Nahihirapan daw kasi siyang sa telephone kami nagkakausap kapag hindi kami nagkikita. Hindi niya rin daw ako matext kaya ayun.


Tinanong niya nga sakin kung bakit wala akong cellphone. Kinuwento ko kung ano yung nangyari at tawa naman siya ng tawa. Sabi niya pa na kasalanan niya raw kaya kailangang siya talaga dapat ang bumili ng cellphone ko.


At dahil nasa mall din kami, ibig sabihin maraming tao. Kaya si Kai, naka-nerd eyeglasses, naka-simpleng damit at ipinaiba niya muna yung ayos ng buhok niya para hindi siya masyadong mamukhaan. Pero kahit na ganoon, ewan ko ba, ang gwapo-gwapo parin niya sa paningin ko.


"Ma'am, ito po yung latest model namin." Ini-abot nung saleslady yung samsung na cellphone sakin.


"Samsung Galaxy S6 edge po iyan."


Oh my gosh! Ito yung nababasa ko sa internet na bagong labas ng Samsung. Ang ganda pala talaga sa personal. Napakasophisticated tignan. Bet ko 'to!


"Magkano po?" Tanong ko.


"31,190 pesos po."


Nanlaki ang mga mata ko. Ganun talaga kamahal 'yan? Nako! Nakakaloka naman! 'Wag nalang. Mas mahal pa ata 'yan sa sahod ko bilang P.A.! Hindi ko kaya 'yan!


Ibinalik ko yung phone sa saleslady.


The Adventures Of A Lucky Fangirl [EXO KAI FANFIC]Where stories live. Discover now