Chapter 30: Sinong pipiliin ko?

1.3K 62 7
                                    

Dumaan ang isang linggo, wala namang pinagbago. Maganda parin ako, gwapo't hot parin ang Kai ko. Etchos lang. Ang totoo niyan, may nagbago naman. Medyo bumabalik na sa brown black ang blonde kong buhok. Hindi lang 'yon, nagiging busy na rin si Kai sa comeback nila.

Speaking of yeobo, nabawasan na ang kasungitan niya. Nakikipagbiruan na rin siya sakin. Pero pagtinopak, bigla niya parin akong iirapan. Kaya ayun, kinukurot ko siya. Inaasar nga kami nila Luhan na bagay daw kami. Syempre ako? Pangiti-ngiti lang at pabebeng sasabihin ang mga katagang.. 'uy, nakakahiya naman.' Si Kai? Iirapan lang sila saka magpapractice mag-isa. Ang cool niya noh? Kaya nga mahal na mahal ko 'yan eh!

Dahil P.A. nga ako, sobrang haggard ako. Kaliwa't-kanang t.v. guesting, Comeback performances and reality shows. Though I'm kinda glad dahil may privilege akong makasama sila at mapanood ng live. Paminsan-minsan pa nga, nakikipagtitigan sakin si Kai while nagsho-shooting sila eh. Syempre! Kilig to the bones naman ako.

But, kumuha ako ng vacation leave. Diba nga kasi, pumayag ako kay Gerald na sumama sa Tagaytay. Buti nga pinayagan ako ni Manager-nim kahit na ito yung mga panahong kailangan na kailangan ako. Nakakahiya nga eh, pero para sa #0 friend ko, kinapalan ko ang mukha ko.

"Allysa, tara! Glee Mart tayo. Bili na tayo ng babaunin natin bukas!" Sabi ni Gerald habang niyuyugyog ang kama ko.

"Oy Gerald, wag ka ngang magulo! Natutulog pa yung tao!!"

Dahil likas na pangasar siya, tinigilan niya nga yung pagyugyog sa kama but instead, kiniliti niya ako!

"Pfft!! Ahahah-Gerald! Hahaha-tama na-hahaha!!!"

Mauubusan na ako ng hininga sa kakakiliti niya. Ayaw niya parin akong tigilan!

"Ouch!" Nahulog kaming dalawa sa kama ko. Ang sakit ng pwet ko!

Nagtawanan kami nang marealize ko yung pwesto naming dalawa. Nakahiga ako sa sahig and he's on top of me. Pero maya-maya tumigil siya sa pagtawa.

Tinignan ko siya and then I noticed, he's looking on my lips!

"I can just stare at you all day, all night, forever.." Dinig kong bulong niya. Oh my gosh! Ano bang pinagsasasabi niya?

Nanlaki ang mga mata ko nung unti-onting lumalapit yung mukha niya sakin! Shet! Hahalikan niya ba ako?! Oh no no no! Hindi pupwede! I'm reserving my first kiss to Kai! 

So with all force, tinulak ko siya. Napahiga siya sa sahig at napatulala. Tumayo agad ako. Mukhang hindi ata siya makapaniwala sa nangyari kaya lumuhod ako at tinapik ko yung braso niya.

The Adventures Of A Lucky Fangirl [EXO KAI FANFIC]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ