Chapter 23: Bangs

1.7K 73 17
                                    

"4th honorable mention, Prince Carlo Gerald Ken June Samora Dizen."

"5th honorable mention, Allysa Jei Simon"

"Ayieee~"

Rinig ang hiyawan ng buong section namin. Nako. Ang lakas makashowbiz ng mga kaklase ko.

Magkasunod kaming sinabitan ng medal, nakipagkamay sa mga nakatataas, onting pose dahil sa mga kumukuha ng picture saka bumalik sa pwesto kung saan kami nakaupo.

Simula kagabi, naging magulo ang buhay ko. Well, magulo na talaga siya. Nagpalala lang yung kahapong nangyari.

Puno ulit ng notifications ang FB ko. Lahat nangiintiriga. Ano daw ba ang real score saming dalawa ni Gerald. Like duh? Yuck naman. #0 Friend ko kaya yung tao.

Dumami ang nagfriend request sakin. Grabe lang diba? Peymus si Gerald eh. May mga nagmemessage nga sakin na nagsasabing ang panget ko naman daw, bakit daw ako hinalikan ni Gerald. Buti daw eh hindi ako naging palaka nung kinissan niya ako sa pisngi. Diba't pauso mga tao ngayon?

Nakakainis lang. Hindi pa nga ako artista, ang dami ko nang haters!

Hindi ako nagalit sa ginawa ni Gerald. Hindi naman kasi big deal yun. Talagang malisyoso lang yung mga kaschoolmate namin. He kissed me. Yup, pero sa cheeks lang 'yon. Baka natadyakan ko siya sa gitna niya kung sa lips niya ako ikiniss. Binatukan ko lang naman siya. Kahit ako rin kasi, na-shock sa ginawa niya noh! And not to mention, sa harap pa ng mga teachers namin. Pero alam niyo ba? Hindi kami sinita nung mga 'yon. Nagcongrats pa samin! Tamang hinala rin sila Ma'am Yapuda. Nakakaloka.

"Congratulations Batch 2013-2014! Happy graduation!" Lahat kami ay nagsitayuan saka nagpalakpakan.

Napatingin ako sa mga kapwa estudyante kong nagiiyakan. Nung hindi pa ako KPop lover, Ine-expect ko na iiyak rin ako kapag graduation na pero ngayon, hindi ako maiyak! Well duh? Bakasyon na kaya! More time to spazz, more time to bias! Bwahahaha!

Nagsi-alisan na yung mga estudyante sa pwesto nila. Ayun, pictorial time na.

"AJejejejejeje!" Pambungad sakin ni Rina.

"Shoo. Di kita kilala!" Nakakainis. Baka akalain ng iba, Jejemon ako eh. Hilig akong tawagin ng 'jeje'.

"Walangya ka! Sabi ko na nga ba pinagpalit mo na ako eh!" Hinampas-hampas niya pa ako sa braso.

The Adventures Of A Lucky Fangirl [EXO KAI FANFIC]Where stories live. Discover now