Chapter 11: No Girlfriend Contract

2.3K 99 14
                                    

Dedicated to: Mheriann Jimenez

Neomu gomawo sa cover ha? I really appreciate it. ^^

Dahil sa kanya kaya may maganda tayong cover! Yeheyyyy!!! Nasa side yung pic. Ganda ano?

***************************************

Natapos ang February. March na! Meaning? Graduation month na.

Atsaka, ilang week narin akong hindi nag-i-spazz. Kasalanan 'to ni Kai! Naiinis parin ako sa kanya! Pare-pareho talaga ang mga lalaki! Mga PAASA! Mapa-idol o kahit sino man, paasa sila!!

Yan tuloy, tuwing naka-Spazz mode on si Rina, hindi ko siya nasasakyan -.- Mukha tuloy baliw yung kaibigan ko! Huhuhu, naaawa ako sa kanya!! Lalo na't nababalitang magco-comeback na ang Exo?! Nakooo! Halos mamatay na si Rina! Hindi ko naman siya madamayan! Walangya kasi si Kai! -.-

Tas Yung XOXO Album na pinasign ko sa kanila? Ayun, hindi ko dinapuan ng tingin kahit kailanman at pagkauwing-pagkauwi ko sa bahay? tinapon ko na sa basurahan! Nakakaloka diba? Ilang months ko yung pinagipunan tas itatapon ko lang?! Kasalanan lahat 'to ni Kai! Hmmmpppp!!

Dumating rin nga sa point na gusto ko ng sumuko sa pagiging Fangirl eh! Pero dahil sa help ni Rina, hindi ko itinuloy. Napagisip-isip kong ibahin nalang yung ultimate bias ko, from Kai to Chanyeol. Pero hindi ko talaga kaya! Napamahal na sakin si Kai :3 Dalawang taon na nga kami diba? Sobrang nasaktan lang talaga ako sa ginawa niya! Kaya nag-lay low muna ako as Fangirl. Sabi nga, "Time heals all wounds." Wow! Gumaganon Allysa! XD

"Miss Simon!" Ini-angat ko yung ulo.

"Ok ka lang ba? Namumutla ka!" Sabi ni Ma'am Sarami, teacher ko sa Filipino.

"Ma'am! May lagnat po si Allysa ngayon!" Sagot ni Rina. Katabi ko na ulit siya ngayon, nagpalit na sila ni Gerald, kaya nga medyo disappointed din ako ngayon eh :3

"Dalhin mo si Allysa ngayon sa Clinic. Dun muna kayo." Sabi samin ni Ma'am Sarami kaya tumayo kami saka lumabas ng classroom.

"Rina, parang baliw. -.- Ok lang naman ako eh." Actually, wala naman talaga akong lagnat ngayon! Ewan ko lang kay Rina kung bakit niya sinabi yun.

"Utut mu! Anong Ok lang? Namumutla ka kaya fre! Masyado mo kasing iniisip si Kai eh -.-" Pagdating namin sa Clinic ni Rina, pinahiga na ako dun sa kama. Sabi ni Ma'am Fabillar, nurse namin sa clinic, magpahinga daw muna ako dahil kulang daw ako sa tulog.

"Alam mo Girl, siguro naman may dahilan si Kai kung bakit niya ginawa yun no!" Napaisip ako. Ano namang dahilan yun? Bakit niya tatanungin yung pangalan ko na parang ngayon lang kami nagkita? Ang sama niya naman!

The Adventures Of A Lucky Fangirl [EXO KAI FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon