Chapter 7: Valentines Day

2.6K 93 18
                                    

Dedicated to: thenumberonereader_

****************************************

Allysa Jei's POV

Nagising ako ng may ngiti sa aking mga labi. Well duh~ Yesterday was the time of my life! Oh diba? Ume-english na rin ako! Ang saya ni Life! Kapag naaalala ko yung mga nangyari kahapon, di ko parin mapigilang kiligin! Sobrang imposibleng mangyari pero tignan niyo, nangyari. Ipinapakita lang talaga na 'nothing is impossible'. Teka, ilang beses ko na bang sinabi yang qoute na yan? haha, paulet-ulet eh.

"Allysa! Wala ka pa bang balak bumangon diyan?! Papasok ka pa!" Sigaw ng aking magandang ina.

Sheettt! May pasok nga pala ako!! Anong oras na ba? 6:55?!! OH MY GOSH! 7:00 ang start ng klase namin!!! HUWAAAAAA!!!!

Nagmamadali akong pumasok ng banyo! Pagkatapos kong maligo, kinuha ko na yung bag ko at dumiretso sa kusina para kumuha ng pagkain.

"Oh Allysa." Ini-abot sakin ni mama yung tupperware. Inayos ko na yung baon ko at kumiripas papalabas ng bahay.

Buti nalang at ilang kanto lang ang layo simula bahay namin hanggang school. Pagdating ko, sinasara na ni Kuya Ernie, guard ng school namin, yung gate.

"Kuya Ernie! Wait a minute! Ako pa!!" Sigaw ko. Kyaaaa! Hindi ako pwendeng umabsent ngayon! May quiz kami sa Geometry!!!

"Oh Allysa? Bat ngayon ka lang?" Hinintay ako ni Kuya Ernie na makapasok ng school bago niya tuluyang isara yung gate.

"Napasarap kasi yung tulog ko eh~ Thanks Kuya Ernie! Ciao!" Tumakbo ako papunta classroom namin.

Pero habang papunta ako ng classroom, may malaking harang sa dadaanan ko.

Bat ang daming tao?Sumingit ako para makita kung ano ba yung pinalilubutan nila. At syempre, nagulat ako sa aking nakita.

Si Gerald at si.... si Patricia.

Ay oo nga pala! Valentine's Day ngayon! Mukhang magcoconfess si Patricia kay Gerald. Alam naming lahat na patay na patay namin si Patricia dito sa mokong na 'to. Grabe kaya yan kung kiligin! Madapuan lang siya ng tingin ni Gerald, aba hahambalusin niya ang katabi niya. Kahit sino walang takas!

"Gerald.. para sayo oh.." Ini-abot ni Patricia ang isang box. (A/N: Nasa side yung itsura nung cake na nasa box.)

The Adventures Of A Lucky Fangirl [EXO KAI FANFIC]Where stories live. Discover now