Chapter 1: That Night

4.6K 119 21
                                    

Author's Note:

ATTENTION! Punong puno ho ito ng KPop. Bwahaha, dito ko ilalabas ang lahat ng aking kaek-ekan at kabaliwan. Atsaka kunwari, Tagalog ang Language ng mga Korean dito. Pero may onting korean words din. Haha, pagbigyan niyo na! Fiction naman 'to eh.

Sana may magbasa. Sakyan ang imahinasyon ko at pagtiyagaan. Joke!

PS. Happy Birthday Kai'my loves! (January 14)

*******************************************

"MAMAAAA!!!!!!!!"

"ANO BA ALLYSA?!" Pasigaw na sagot ni mama na nasa kusina.

"NASAN BA ANG MAHIWAGANG SCOTCH TAPE NATIN?!" Pag-uulit ko.

Nasa kwarto ako ngayon na located sa second floor ng bahay namin. Ganda ng convo naming magnanay no? Sigawan.

"AT ANO NAMANG GAGAWIN MO?"

"MAMA NAMAN EH! DAMI PANG TANONG! NASAN BA KASI???"

"NASA GILID NG TV NATIN YUNG SCOTCH TAPE"

Dali-dali akong tumakbo pababa para kuhain yung scotch tape saka bumalik sa kwarto. Idinikit ko ang nahulog na poster ni yeobo sa dingding.

"Yeobo, ok ka lang ba???" Tanong ko sa kanya matapos kong maidikit. (A/N: 'Yeobo' means 'Honey' in Korean)

"Siguro nga ay ok ka lang dahil tignan mo, naka-ngiti ka parin and handsome as ever!" I can't help not to smile as I look at him. Bakit ba sobrang gwapo nito? Siguro nung nagpasabog ng kagwapuhan si Lord, gising ng gising siya't naghahakot sa labas.

Kung may nakakakita lang siguro sakin ngayon, baliw ako. Sariling tanong ko eh sinagot ko. At kinakausap ko pa talaga 'tong poster as if namang sasagutin ako nito.

Well, kung sa normal people, 'di 'to normal. Pero kung sa mga KPop Lover, ay nako, above normal pa 'to.

Bago magkalimutan, Allysa Jei Simon nga pala. Kahit anong trip ng mga taong itawag sakin pwede. Pero wag lang ang Yeobo dahil si Yeobo lang ang pwedeng tumawag sakin nun.

Obviously, Kpop lover ako. At hindi mawawala sa bawat KPopper ang may Ultimate Bias. Sa akin, si Yeobo. Real name, Kim Jong In. Pero mas kilala siya sa stage name niyang Kai. Magdadalawang taon na kami at sa 16 na nga ang 2nd anniversary namin!

♪♫ XOXO XOXO XOXO yeah

Salmyeosi immatchun xneun kiss

Donggeurake aneun oneun hug

Hoksi beolsseo algo isseulkka oh ♪♫

"One Text Message Received"

Isang text galing kay Rina na kapwa KPop Lover at bestfriend ko rin.

"Gull! Guess what?
Magkakaroon ng solo concert ang EXO!!!
with matching fansigning pa!"

Ok...

Why don't I make laslas and bigti na dahil alam kong di naman ako papayagan ng minamahal kong ina? Eww, conyo.

But at the second thought, dahil may magandang future pang naghihintay sakin, hindi ko gagawin ang mga bagay na makakasira sakin.

Nagreply ako...

"Kelan daw?"

"Yung concert, sa 16!
Nasaktong 2nd anniversary
niyo ni Kai your yeobo!
Yung fansigning unknown
pa yung date" -Rina

The Adventures Of A Lucky Fangirl [EXO KAI FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon