Chapter 38: Thunder

601 39 4
                                    

AUTHOR'S NOTE

Long time no updated huhuhu. Nakakaiyak. Namiss ko kayo. Sana namiss niyo rin ang kwento ko. Love you guys. Unting tiis nalang matatapos na rin naman 'to. Sana mahintay niyo at subaybayan parin. 

Thank you sa mga reads and followers ko. Sa mga walang sawang naglilike every chapters. Magustuhan niyo sana 'to. Have fun reading. Saranghae ♥

*********************************


"Kai? Hello?"


*beep*beep*beep*


Napatingin ako sa phone ni Rina. Bakit ganoon? In-end call niya agad?


For the nth time, napabuntong-hininga nalang ako.


Kanina ko pa tinatawagan sa phone ko si Kai. Pero laging cannot be reached o kaya ay busy. Naiintindihan ko naman na hectic ang schedule niya dahil isa siyang idol, diba. Pero kasi, may nararamdaman akong something. Ang nakakapagtaka rin, nung ginamit ko yung phone ni Rina, sinagot niya. Tas nung nagsalita na ako, in-end call niya naman. Ano bang nangyayari?


"Oh ano? Anong sabi niya?"


Napangiwi ako at ibinalik kay Rina yung phone niya.


"Bakit? Ano bang meron?" Nagtatakang tanong niya sakin.


Hindi ko nga rin alam kung anong nangyayari ngayon. Bakit nagkakaganito si Kai. Bakit kung kailan napagdesisyunan kong hindi muna ako sasama kay mama papuntang Korea at dito nalang ituloy yung pagaaral ko para makasama ko rin si Kai.


Nung nakaraang linggo pa siya ganito. Nung nakaraan niya pa ako binabalewala pagkatapos ng dinner date namin.


Nung una naman, masaya kami. He was so happy, telling what he had done this past few days. At syempre, dahil supportive fan and girlfriend, cheer lang ng cheer.


Hanggang sa napunta na yung usapan namin tungkol sa pag-alis ko.


***


"Ano nga pala yung sasabihin mo sa akin baby?" Tanong niya sakin saka sinimulang kainin yung strawberry ice cream niya.


"About dun sa pagpunta ko sa Korea..." Unti-unti akong napangiti dahil sa magandang balita.


Pero siya, unti-unting nagbago ang aura. Nawala yung saya sa mga mata niya. I could feel the cold in his stare. But I just shrugged the thought. Baka sumaya ulit siya pagnalaman niyang 'di ako tutuloy sa Korea.


"Baby, hindi ako sasama kay mama magmigrate sa Korea!" Masaya kong sabi habang siya, napatigil sa pagkain.


"Why? Hindi ka ba natuwa sa sinabi ko?" Tinignan niya lang ako. At kahit anong pilit kong basahin ang iniisip niya ngayon ay hindi ko kaya.

The Adventures Of A Lucky Fangirl [EXO KAI FANFIC]Where stories live. Discover now