Chapter 33: Déjà vu

1.3K 54 11
                                    

Dumaan ang isang buwan, bumalik ang dati sa lahat. Si Gerald na lagi kong alarm clock tuwing seven ng umaga. Si Rina na lagi kong kasama at si Kai na sa screen ko lang nakikita.

Si Sehun? Hindi na siya nagtetext sakin kung kailan kami ulit magkikita sa bubble tea shop sa harapan ng subdivision namin. Bakit kaya?

Nakakalungkot man isipin, wala na ako sa sistema nila. Parang pinaramdam lang sakin kung gaano kasaya sa piling ng Exo at pagkatapos nun ay hinatak na ulit ako pabalik sa mundo ko.

Ano pa bang magagawa ko? Edi back to a normal fangirl na. Yung walang sawang pinapatugtog ang mga kanta ng bias na grupo nila. Yung palaging nanonood ng mga tv shows at guesting ni bias. At yung halos mamatay na kakaspazz sa kanila. 

Dati, masaya na ako sa ganito. Pero simula noong nangyari sa akin ang mga bagay na pinapangarap ko lang noon? hinahanap-hanap ko na yung Exo na nakikita in person hindi lang sa monitor.  Hindi na ako masyadong natutuwa sa kung paano ako magspazz ngayon. Sa totoo niyan, feeling ko, parang unti-unti na akong lumalabas sa KPop world. Hindi na ako masyadong updated sa mga nangyayari lalo na sa Exo. 

Napatingin ako sa phone kong biglang nagvibrate.

*One Text Message Received*

Clinick ko iyon, at lumabas ang isang message galing sa isang unknown number.

From: 09*********
Uy :)

Sino naman kaya 'to?

To: 09*********
?

From: 09*********
Sungit :(

Alangan. Ni hindi ko nga siya kilala eh. Anong gusto niya? Maging friendly ako?

To: 09*********
Who u?

From: 09*********
Guess. Kilala mo kaya ako ;)

Psh. Parang baliw naman 'tong taong 'to. Hindi nalang magpakilala eh. Manghuhula pa ako. 

Hindi ko na siya nireplyan. Hindi ako nakikipagtext sa strangers. Maliligo na ako dahil may lakad pa kami nila Rina.

The Adventures Of A Lucky Fangirl [EXO KAI FANFIC]Where stories live. Discover now