Chapter 34: XOXO

1.5K 59 16
                                    

Hindi ko alam bakit lahat ng makakasalubong ko ay nililingon ako. Kung nagagandahan ba o napapangitan sila sa akin? O talagang agaw-pansin lang yung t-shirt kong may mga sulat sa likuran?

Naghihintay ako ng jeep na masasakyan papauwi. Hindi ko kasama sila Rina dahil umalis na ako kaagad. Ayoko nang magtagal pa roon dahil sobrang sakit na. Sa sobrang sakit, hindi ko na mapigilang mapaluha.

Yung taong gustong-gusto mo, binabalewala ka lang. Yung wala lang siyang pakialam. Pero ang hindi ko talaga kinaya, yung lahat sila ay na-miss ako, siya? Kinalimutan na ako. Bakit? Bakit ganoon siya? Parang hindi niya ako kilala. Ang sakit-sakit.

Sa totoo niyan, pasalamat na rin ako dahil kahit papaano nakasama ko siya kahit sandali. Swerte talaga akong fangirl kung tutuusin. Yung iba nga diyan, hanggang sa screen lang nakatingin. Ang mali ko lang, nag-assume ako. Akala ko kasi, may gusto na rin siya sa akin. Masyado akong nasobrahan sa panonood ng mga pelikula. Hindi ko naalalang, isa siyang Idol, fangirl lang ako.

Ang shunga-shunga ko kasi! Ilang beses ko bang kailangang ulit-ulitin sa utak ko ang mga katagang "Don't assume unless it's stated"

♪♫ XOXO XOXO XOXO yeah

Salmyeosi immatchun xneun kiss

Donggeurake aneun oneun hug

Hoksi beolsseo algo isseulkka oh ♪♫

"Rina Calling..."

Pinatay ko yung phone ko. Wala ako ngayon sa wisyong makipagusap. Gusto ko munang mapag-isa. 

~

"Ano bang nakasulat??" Dinig kong sabi nung babaeng nasa tabi ko sa jeep.

"Wait lang ha. Di ko makita eh.." Sagot naman nung kasama niya.

Ako ba yung pinaguusapan nila?

"Pirma nila Xiumin!" Ah ako nga.

"Alam ko! Yung nasa gitna kasi..." 

"Ally..... I'm very...." Pahina nang pahina yung pagbasa niya hanggang sa wala na akong marinig.

Ano ba 'yan oh? Nakakacurious naman. Sana binasa niya nalang ng malakas para nalaman ko diba? Titignan ko talaga yung nakasulat dito pag-uwi ko.

The Adventures Of A Lucky Fangirl [EXO KAI FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon