Chapter 14: Beginning of New Possibilities

2.1K 92 42
                                    

HE KISSED ME.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng narinig ko ang pagbusina sakin ng kotseng nasa harapan ko ngayon.

Nagulat ako sa pagbusina ulit nito. Lalo na sa paglabas ni Kai sa kotse. Nabato ako sa kinatatayuan ko.

"Miss, sorry kung muntik na kitang mabunggo. Pero pwede bang tumabi ka muna dahil may concert pa akong pupuntahan?"

Napatingin ako sa wrist watch ko. [January 16 | 7:53 pm.] (A/N: Eto yung araw na concert ng EXO na nasa Chapter 1)

Imagination lang pala ang lahat?

Tinignan ko si Kai na nakatingin din sa akin. Paanong imahinasyon ko lang ang lahat? Pakiramdam ko talaga ay totoo iyon. Pero bakit nung kiss-an ako ni Kai, nakaramdam ako ng napakalakas na pwersang parang naggising sakin. At sa pagdilat ko, nakatayo na ako sa harapan nitong kotse na 'to. Bumalik sa araw ng concert ng Exo kung saan nagsimula ang lahat.

"Excuse me Miss? Bingi ka ba?" Tanong niya sakin.

No, hindi 'to pwede. Hindi pwedeng imagination ko nalang yun. Kailangan kong gawin ang imahinasyong 'yon na totoo. Sabi nga, kung kaya mong isipin, kaya mong gawin!

"A-aray!" Sigaw ko saka umaktong matutumba. Sinalo niya ako kaya napayakap ako sa kanya.

Totoo na 'to ha? Shett! Ang bango niya!! Ay nako! Huwag kang madidistract! Kaya mo yan Allysa! Do things according to what have you imagined.

"Ok ka lang?" Nagkunwari akong nawalan ng malay. Wala siyang nagawa kundi buhatin ako papasok sa kotse niya. Saka Ini-upo sa passenger seat.

"Aish. San naman kaya ang malapit na ospital dito?" Sumilip ako. Nakita kong pinipindot niya yung parang screen na mapa sa gitna ng kotse niya. Astig. Hi-tech!

Wag mo muna yang intindihin Allysa. Focus. Kailangang magkatotoo yung imagination ko! Kung hindi, magpapakamatay ako! Joke lang. Pero kasi diba? Akala ko talaga toyoo na yun! Siya pa nga ang first kiss ko diba? Nakakadisappoint.

"Ah, Medical Center." Seriously?! Dadalhin niya talaga ako sa ospital imbes na sa hotel?! Nooo!!

"Huwag!" Napasigaw ako kaya naman nagulat siya.

The Adventures Of A Lucky Fangirl [EXO KAI FANFIC]Where stories live. Discover now