Chapter 16: Annoying Neighbor

1.8K 80 11
                                    

"Sehun, keri na dito. Pwede mo na akong ibaba.." Sabi ko pagdating namin sa tapat ng bahay. Pero parang di niya naman narinig. Nagdoorbell pa siya.

Nakakahiya naman 'to! Kanina ko pa talaga iniisip yung timbang ko. 48 Kilograms ako mga pre! Imagine, may 48 kilograms sayong nakapasan. Ilang kilo pa nga lang ng bigas hirap na hirap na 'kong buhatin eh. Ganun pa kaya?

Binuksan ni Mama yung gate at mukhang nagulat naman siya sa nakita niya. Siguro, nagwapuhan 'to kay Sehun. Nakatingin lang siya dito eh. Hahaha, namesmerize ang mother ko!

"Ma." Nalipat naman yung tingin ni mama sakin. At ayun, mukhang natauhan rin siya. Ang gwapo kasi ng kasama ko eh! And fyi, hindi na 'to imagination noh!

"Ay, pasok kayo."

Pumasok kami sa bahay. Binaba ako ni Sehun sa sofa. Si Mama naman nagpunta ng kusina para kumuha ng pagkain.

Napatingin ako kay Sehun na nakatayo pa rin. Wala ba 'tong balak umupo? O baka naman pinagmamayabang niya yung height niya? Edi ikaw na matangkad. Dati nung bagong labas pala ng Exo, mas matangkad pa si Kai nun kay Sehun. Pero habang tumatagal, aba. Still growing parin ang lola! Natangkaran niya na kaya si Chanyeol na 6'0 ang height.

Aish. Ano ba naman 'to. Sumasakit na naman yung pwet ko. Feeling ko sumali ako sa isang fraternity eh. Langya. Parang pinadle ako!

"Iho, maupo ka.." Lumabas na si mama galing kusina na may dalang pagkain.

"Sige po." Umupo si Sehun sa tabi ko. Wow. Ang galang naman nito. Kaya pala di pa siya umuupo dahil hinihintay niyang may magsabi sa kanyang umupo. Nakakaflatter naman! Nasaan na yung evil maknae na nababasa ko sa net? (A/N: Evil Maknae ang bansag kay Sehun. Maknae means pinakabata/bunso.)

"Kain ka." Inabot ni mama yung monay. Kumuha naman 'to saka kumagat.

Grabe. Ang gwapo naman nitong kumain! Napaka-perfect ng mukha. Makinis, matangos ang ilong, ganda ng mata pati rin yung labi niya! pulang-pula na nakakatempt halikan. Aish Allysa. Kalandiang taglay! Walangya. Bias wrecker ka Sehun! (A/N: Bias wrecker, Yun yung taong maglilito sayo kung sino ba talaga sa isang group ang gusto mo. Bakit? Dahil ito yung mga taong pagnakita mo, mapapatanong ka ng... 'Sinong nanay mo? Bat ganyan ka kaperpekto?' Gets? Hahaha.)

"Bakit mo nga pala buhat-buhat si Allysa?" Tanong ni Mama.

"Nabunggo po kasi siya nung mga tao dun sa shop. Hindi na po siya makatayo kaya binuhat ko nalang siya." Sagot ni Sehun saka kumuha ulit ng isa pang monay. Aba. Nagutom ata. Well duh? ikaw ba naman magbuhat ng tao ng pagkahaba-haba. Sinong hindi magugutom?

The Adventures Of A Lucky Fangirl [EXO KAI FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon