Chapter 24: The Gift

1.5K 70 19
                                    

Matagal kaming nakayakap sa isa't-isa. Hindi ko nga alam pero pakiramdam ko ay tumigil ang oras. Tinignan niya ako sa'king mga mata.

Parang may kakaibang pwersa ang nagtutulak sakin para halikan ang kanyang mapupulang labi. Kinakabahan ako.

Tinignan ko siya.

"Kai..." Nginitian niya ako at biglang nagwala ang mga laman loob ko na tila ba'y nanalo ako sa lotto.

Unti-unting naglapit ang aming mga mukha. Hanggang sa...

*

"BESPRENNNNNNNNNNNN!"

Nahulog ako sa kama ng wala sa oras.

Aray ko po! Ang sakit ng pwet ko! Walangya naman kasi makasigaw si Gerald! Alam namang natutulog pa yung tao! Nakakainis! Panira ng panaginip! Ayun na yun eh! Mahahalikan ko na si Kai eh! Nakakaiyak talaga!!

Kinusot-kusot ko yung mga mata ko. Ang aga-aga, nambubulabog na naman si Gerald! Simula nung nagbakasyon, tuwing umaga, siya na ang naging alarm clock ko. Pasalamat nga siya at hindi ko pa siya nasusuntok. Napipigil ko pa naman yung mga kamay ko. Hindi kasi worth it ang paglanding ng aking precious knuckles to his face.  

"HAPPY~ HAPPY~ HAPPY~ BIRTHDAY!" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Seriously? Birthday?" Tanong ko.

"Ano Allysa? Nakalimutan mo na?" Sarcastic mode on na si Gerald.

Kinuha niya yung calendar sa table na katabi ng kama ko saka inilapit-lapit sa mukha ko at tinuro-turo yung April 2.

"April 2 na bespren!!" Tinakpan ko yung tenga ko. Ang lakas ng sigaw ni Gerald! Mukhang siya pa ang mas excited kaysa sakin.

Bakit nga pala hindi ako excited na birthday ko today? 

Unang-una, hindi naman kami naghahanda. Pangalawa, nabawasan na naman ng isang taon ang life span ko. Oh gosh. Tumatanda na ako! I'm already 17 guys! At pangatlo, there's nothing special with my birthday. Parang normal day lang. Summer kasi ang birthday ko hindi tulad nung iba kong mga kaklase na may pasok ang birthday. Buong klase, kinakantahan sila ng Birthday Song. Samantalang ako, binabati ng napaka-hot na si Mr. Sun.

The Adventures Of A Lucky Fangirl [EXO KAI FANFIC]Where stories live. Discover now