Chapter 3: The who?

3K 111 11
                                    

Natapos ang weekend ko ng wala man lang ginagawa kundi humiga sa kama at magmuni-muni. Hindi talaga kasi ako makapaniwalang panaginip lang yun. Feel ko kasi, totoo yung mga nangyari nung gabing yun! Pero kahit anong isipin ko, sa huling huli, lumalabas parin na panaginip lang yun dahil sa reaction ng nanay ko. Hindi niya kasi ako pinapagalitan. Kung totoong nangyari yun, aba, baka naloka na ang maganda kong ina dahil tumakas ako.

"Girl! Nakakainis ka! Pinagalala mo ako ng bonggang-bongga!" Pambungad sakin ni Rina.

Hindi ko masyadong inintindi si Rina. Hanggang ngayon kasi may hangover parin ako sa super-epic-na-parang-totoo kong panaginip. Ang daming katanungan sa utak ko like, 'Paano ako nakarating sa bahay namin kung nasa MOA ako?' Diba? Why so gulo? -.-

"Alam mo bang pagtapos nung concert, halos maglumpasay na ako dun sa MOA! Nagulat ako nawala ka nalang bigla! Tapos tinatawagan kita pero out of coverage! Laking pasasalamat ko nung sinagot mo na yung tawag ko! Pero boses ng lalaki naman yung sumagot!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Rina.

"OH TAPOS?!!"

Lahat ng estudyanteng nasa ground napatingin sakin. Masyado sigurong napalakas yung sigaw ko! Ahihi :3

"Ay teh, makasigaw wagas!"

"Anong susunod Rina???"

"Atat? Ayun, may sumagot na lalaki tas sabi niya Ok ka lang daw at inassure niya akong safe ka kaya hindi na ako kinabahan ng bonggang-bongga."

Sheeeeettt! This is it!! Ang kasagutan sa lahat ng aking katanungan!!! I knew it! Hindi lang imagination ang nangyari! Totoong totoo talaga yun!

"Then tinanong ko kung sino siya. Ang pagkakarinig ko 'Kyle' tas in-end call na niya. Oy ikaw! Sino si kyle?!"

Putek. Umiral na naman ang pagkabingi ni Rina. 'Kyle' daw yun kahit talaga 'Kai' -.- Hayz.

"Hahaha! Epic mo prend! Syempre secret ko na yun."

"Andaya! Sige, magtataguan na pala tayo ng secret ha! Ganyanan! Pero nga pala, Alam mo bang sa concert ng Exo, wala si Kai!" Syempre kasama ko siya! Bwahaha XD

"Bakit daw?"

"Eh may nangyari daw sa Yeobo mo! I hope he's fine na."

The Adventures Of A Lucky Fangirl [EXO KAI FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon