Chapter 25: Tadhana

1.4K 63 11
                                    

"Seriously?" Tanong ni Kai dun sa lalaki.

"Why?" Napailing si Kai with matching 'tsk-tsk' pa.

"Oh by the way, She's Allysa." Tinignan niya akong maigi. Grabe. Nakakatunaw ang mga tingin niya! Heaven ang feeling kahit tinitignan niya lang ako! Paano kaya paghinawakan niya na ako? Etchos lang.

"Iwan ko muna kayo." Lumubas ulit yung koreanong lalaki at naiwan kaming dalawa ni Kai.

Tinititigan niya parin ako. Walangya. Sana nagkaroon nalang ako ng power na mabasa ang mga iniisip ng tao tulad nung nasa I hear your voice. Aba. Baka kasi mamaya eh hinuhubaran na pala ako ni Kai sa isip niya? Baka kailangan niya ng tulong. Etchos ulit! Nakakabyuntae talaga 'tong yeobo ko! Hahaha!

"Alam mo ba yung salitang tadhana?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Siguro tayong dalawa ang itinadhana noh?" Pagpapatuloy ko.

Nagsmirk siya na lalong nagpahulog sakin sa kanya. Nako. Sana naman sa dulo nito, sasaluhin niya ako. Yes naman Allysa! Gumaganyan na tayo!

"Tadhana? Sinadya mo lang ata ang lahat eh." Nasimangot ako sa sagot niya. Langya. Hindi man lang ako sinakyan di tulad ni Sehun. Kapag inaasar ko, nakikiride.

"Nagpapacute ka ba?" Tanong niya. Huh? Ako? Nagpapacute? Psh. Hindi na kailangan. Cute na talaga ako. Inborn yan noh.

"Hindi." Inirapan niya ako saka lumabas.

OH MY GOSH! KAI ROLLED HIS EYES?! Hindi kaya bakla siya? Oh no. Baka totoo talaga ang mga nababasa ko sa fb! Ok lang yeobo. Handa akong magpaka'carla abellana' ng 'my husbands lover' kung yan ang gusto mo.

~

"Here, ikaw ang maghahandle ng mga personal things niya at ikaw rin ang lagi niyang makakasama. Hindi ikaw ang may hawak ng schedule niya dahil ako parin naman ang manager niya at P.A. ka. Pero dapat alam mo parin ang lahat ng schedule niya. Mapa-solo man o kasama ang exo. But remember, never give information to anyone about his or exo's  schedule. Ok?"

Napatango ako kay manager-nim. Oh my gosh! Achievement 'to guys! I am now, officially Exo's Kai Personal Assistant! In layman's term, taga-punas ng pawis! Sa wakas! My dream job! Nako! Bawat panyong ipampupunas ko dito, iuuwi ko! bwahaha!

The Adventures Of A Lucky Fangirl [EXO KAI FANFIC]Where stories live. Discover now