Chapter 31: Right choice

1.2K 66 9
                                    

"Thanks Allysa.." Tinanguan ko siya saka tumingin ulit sa labas.

Napapabuntong-hiningi nalang ako. Nakakainis. Hindi ako mapakali. Parang sinasabi ng puso kong ang tanga-tanga ko.

Did I make the right choice? Napa-iling ako and for the nth time, I sighed. Bakit kasi kailangan pang mamili? Para akong pinapili between ice cream at chocolate na pareho kong paborito. Pero atleast 'yon, kaya kong bilhin dalawa. Kung pwede lang mahati yung katawan ko edi sana lahat masaya diba? Walang masasaktan.

Maaliwalas at walang fog ngayon yung dinadaanan namin. Nakita ko na nga yung sign na 'Welcome to Tagaytay' eh. Ang ganda pala dito noh? Parang pinagsisigawan ng view na tamang pinili ko si Gerald. At least nakapunta na rin ako dito.

Pero hindi ko rin maiwasang manghinayang. Maganda rin kaya doon sa pupuntahan sana namin ni Kai? Masaya kaya ako ngayon?

Maya-maya ay huminto kami sa isang 2-storey-house. Ito na siguro yung rest house nila Gerald.

"Nandito na tayo!" Sabi ni tita.

Lumabas kami at naramdaman ko ang malakas na hangin. Nakakarefresh naman dito!

Nagpunta ako sa likuran para kunin yung gamit ko pero biglang inagaw sakin yun ni Gerald.

"Ako na." Nginitian niya ako saka pumasok sa bahay nila. Napangiti na rin ako. Hindi ko naman ata pagsisisihang siya ang pinili ko.

Ginising ko si Princess na tulog parin sa Van.

"Princess, wake up na. Nandito na tayo." Sabi ko habang kiniliti siya.

"Ateee!!! Stop!! Para kang si Kuya!" Tinigilan ko siya.

"No I'm not. Kasi nung sinabi ko sa kuya mong stop, hindi parin siya tumigil. He's too persistent." Napakunot yung noo niya sa sinabi ko.

"May ibang meaning ba 'yan ate?" Tanong niya sakin. Naalala ko tuloy yung nangyari kanina.

~

"Allysa, choose. Kanino mo ba gusto sumama?" Tanong sakin ni Kai. I looked at him and then to Gerald.

Ito na ata ang pinakamahirap na tanong sa buong buhay ko. Sinong pipiliin ko?

"I don't know..." Mahina kong sagot.

Lumapit sa amin si Gerald. Kukuhain sana niya yung gamit ko pero hinawakan ni Kai ito ng mahigpit.

"Halika na, Allysa." Sabi sakin ni Gerald.

"Hey, let her choose." Inirapan niya si Kai kaya napa-ismid ito.

"Allysa, um-oo ka na sakin diba? Magkaibigan tayo. Kaya sana wala namang iwanan sa ere." Grabe. Ang lakas mangonsensya ni Gerald.

Pero kasi, buo na ang desisyon ko. Si Kai ang sasamahan ko. Matagal kong pinangarap 'to eh. Napapanaginipan ko pa nga. Kaya why would you let this chance slip away?

Pero sa sinabi ni Gerald? Nasaktan ako. Hindi naman ako ganoong kaibigan. Tama kasi siya. Um-oo na ako sa kanya tas iiwanan ko siya?

"Hey. Doesn't mean she choose me over you, it's the end of your friendship." Sabat ni Kai. And for the second time, inirapan ulit siya ni Gerald.

"Allysa. Learn to accept the reality. Kahit na sumama ka sa chingchong na 'to, walang magbabago. Magkaiba parin ang mundo niyo." Sabi ni Gerald.

The Adventures Of A Lucky Fangirl [EXO KAI FANFIC]Onde histórias criam vida. Descubra agora