Chapter 28: Overnight

1.3K 62 9
                                    

Gustung-gusto ko ngayong kumanta sa gitna ng ulanan... sa gitna nilang dalawa...

"Torn between two lovers, feeling like a fool, loving both of you is breaking all the rule~"

Nangingiti ako sa loob-loob ko. Ang totoo nga niyan, feeling ko, ako na ang pinakadyosa sa lahat ng nilalang na mas maganda pa sa Dyosa. Ang ganda-ganda ko to the moon and back! Wooo!

"Allysa, halika na." Sabi ni Gerald pagkalapit na pagkalapit niya sakin. Pinayungan niya ako.

"Jei, I'll send you home." Sabi naman ni Kai na bumaba sa kotse niya at lumapit sakin para bigyan ng jacket.

Di ko talaga gets. Anong ginagawa dito ni Kai? At bakit niya sakin ibinibigay yung jacket niya? Edi siya naman ang mababasa?

Ibinalabal niya sakin yung jacket niya at ayun. Basa na nga siya. Ano ba kasing nakain nito?

"Sorry pre pero ako nang bahala sa kanya." Sagot ni Gerald.

"Sorry not sorry, She's my maid so she's my responsibility." Sagot naman ni Kai. Syempre, nagulat dun si Gerald. Isama niyo na ako, di ako ready sa sinabi niya ha?

"Ano? Maid ka?" Nagpeace sign lang ako kay Gerald.

"Ganyan ka na ba ka-obsessed diyan sa intsik na 'yan to the point na magpapaalila ka?" Medyo naiiritang sabi niya sakin.

Aba. Naiirita din ako ha! How dare he talk to me like that? At sa harapan pa ni Kai ha?! Nakakahiya, my gosh!

"Excuse me. Correction Gerald. Kai is not intsik. Korean siya. And second, hindi niya ako alila. Personal Assistant ako! P.A.! Gets?!"

"Ah basta! Halika na! Umuwi na tayo! Isusumbong kita kay Tita!" Kinuha niya yung left arm ko. At nung tipong lalakad na siya, Kai grabbed my right arm.

"Pre, bitawan mo siya." Sabi ni Gerald pero nagsmirk lang si Kai.

Oh my gosh! He's so hot!!! Nakakakilig peste! Pinagaagawan ako! Bwahaha!

"No, I will not do that. Gusto mo, sumabay ka nalang." Bago pa makasagot si Gerald eh nahatak na ako ni Kai papunta dun sa kotse niya.

The Adventures Of A Lucky Fangirl [EXO KAI FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon