Special Chapter 1

577 25 7
                                    

"Buti nalang talaga nandito si Chanyeol para saluhin ako." Nakangiting sabi ni Rina.

I looked at the couple in front of me.

Mukhang masaya na nga talaga siya sa piling ni Chanyeol. Parang dati lang, iyak ito nang iyak habang magka-skype kami noong nasa Korea pa ako. Hindi niya kasi matanggap na umurong si Johnrey sa arranged marriage nila. Sa totoo kasi niyan, iyon talaga ang first love ni Rina.

Luckily, nahulog naman sa kanya si Chanyeol. How great life is, huh? Kung hindi mo nakuha ang gusto mo, trust me. Something better is coming. Maghintay ka lang at magtiwala kay God.

"No. Ako ang nahulog sayo kaya buti nalang, sinalo mo ako." Chanyeol said and pinched Rina's nose.

"Oo nga pala. Natatandaan ko pa nga nung mga panahong umiiyak ako, bigla ka nalang naghubad ng shirt saka sumayaw sa ha----" Hindi natapos ni Rina ang sasabihin dahil biglang tinakpan ni Chanyeol ang bibig nito.

Napailing nalang ako sa sweetness ng dalawa. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Kanina pa ako nagmumukhang third wheel sa kanila. Bakit kasi kung kailan kailangan ko si Kai, saka ito nawawala.

"Nga pala Rina, engaged na raw kayo ni Kai. Nakwento niya sakin nung nakaraan." Pag-iiba ng topic ni Chanyeol.

"Engaged? Eh bakit wala ka namang suot na sing-sing?" Nagtatakang tanong ni Rina.

"Not totally engaged. Hindi pa pormal. Pero you know, mutual naman ang desisyon naming magpapakasal kami."

"Ah akala ko naman totoo. Magtatampo talaga ako sayo kasi hindi mo man lang sakin nakwento tas hindi mo rin ako sinama sa engagement party niyo."

"Don't worry Rina. Pag nagpropose sakin si Kai, ikaw ang unang makakaalam." I smiled.

Maya-maya, nakatanggap ako ng tawag mula sa pansamantalang secretary ko habang nandito ako sa Pilipinas.

"Excuse me lang." Pagpapaalam ko kila Rina.

Lumabas muna ako ng shop bago sagutin yung tawag.

"What is it?" Pambungad ko.

"Good day Ms. Jung, Mr. Fredrez is available tomorrow between 2:00 pm to 4:00 pm. Is it okay that we reschedule the meeting tomorrow?"

"Okay sure. Go ahead."

"Noted Ma'am. Thank you and have a nice day."

"You too." I ended the call and went back inside.

"Iba na talaga si Engr. Allysa. Di ka na namin mareach!" Biro ni Rina.

Napairap nalang ako at tinapos yung sliced cake na inorder ko.

***

Dumaan ang ilang araw nang hindi man lang kami nagkikita ni Kai. Busy kasi ako sa trabaho. Habang siya, hindi ko alam kung anong ginagawa niya.

Kapag kasi tinatanong ko kung nasaan siya, or anong meron, iniiba niya yung topic. Kaya ayun, may maliit na misunderstanding kami ngayon. Nakakainis eh. Wala ba akong karapatang magtanong kung nasaan siya or what? Hindi naman ako clingy but atleast let me know yung mga kaganapan sa buhay niya.

Natigil ako sa binabasa ko nang may pumasok sa isip ko.

Girlfriend niya ako, diba?

Sabi niya kasi akin lang siya at sa kanya ako. Edi ibig sabihin, kami na talaga. Kahit na hindi niya tanungin ng tanong na yon, automatic na 'yon kasi we're feeling the same way.

The Adventures Of A Lucky Fangirl [EXO KAI FANFIC]Where stories live. Discover now