Chapter 1

50.5K 1.1K 435
                                    

CHAPTER 1


"Ams!" Maingay na sigaw ni Sav.


Halos lahat ng tao sa mall ay napa lingon sa amin dahil sa lakas ng boses nito.


"Ingay mo gago!" Saad ni Amarah nang makalapit sa amin.


"Tara na dali. Hanap tayo ng magandang dress para mamaya. Tsaka maghahanap pa tayo ng maskara. Tangina kasi ni logan e." Reklamo ni Sai.


"Kasalanan mo yan. May pagsabi ka pa kasi ng madaming pogi ayan tuloy bawal magpakita ng mukha." Saad ko.


"Eh kasi maman hindi naman para sakin. Para sa inyong dalwa yon. May tatlong kaibigan si logan lahat gwapo. Kain lahat walang tapon. Kaso may bf na 'tong si amarah."


"Weh? Daming pogi dun ha? Sure ka. Pag yan wala magdadabog ako." Sabi ni Sav.


"Oo nga ang dami promise. Ano pustahan tayo mamaya." Maangas na sabi ni Sai.


"Tiba-tiba tara na manlalaki." Saad naman ni Sav.


"Tara na nga baka gabihin pa tayo e. Hahanap tayo papi mamaya." Sabi ko.


Nagtawanan lang kaming apat at dumiretso na sa isang boutique.


Nagkanya kanya kaming pili ng susuotin para mamaya. Pinili ko ang isang nude fitted dress na malaki ang slit.


Sinukat ko ito at saktong sakto naman sakin. Expose na expose ang mapuputi kong hita. Labas din ng konti ang cleavage ko rito.


Nang makapili na kaming apat ay dumiretso naman kami sa salon para ipaayos ang buhok namin. Nagpa manicure at pedicure din kami.


Buti nalang talaga malaki magpasahod boss namin kaya eto naglalaspag ng pera. Pero worth it naman kung gaganda ba kami e.


Inabot na kami ng 5 ng hapon. Nakailang libot pa kasi kami sa loob. Sumakay kami sa kotse na dala ni Sai.


Pinahatid nya muna si Ams bago kaming dalwa ni Sav.


"Bye! Kita nalang tayo mamaya!" Kumaway ito sa amin bago umalis.


As usual may bulaklak at tsokolate nanaman sa harap ng pintuan namin. Pumasok na kami sa loob. Dumiretso ako sa kwarto para humiga saglit.


Dinampot ko ang aking cellphone dahil may nag text rito.


'You look tired, love.'


Hindi ko nalang pinansin ang text na iyon. Alam kong nakasunod sya sa amin or should I say sa akin. Ramdam ko iyon habang nagshoshopping kami.


Nagpahinga muna ako saglit bago nagpasya na maligo.


Nagbihis na rin ako ng binili namin kanina. Hindi na rin ako masyadong nag make up dahil matatakpan lang din naman kasi may maskara.


Nag lipstick nalang ako ng pula. Kinapalan ko para kabog diba baka mading fafa ron isang halik palang humaling na agad.


Sinuot ko na ang maskara na natatakpan ang kalahati ng mukha ko. Mula kilay hanggang ilong ko ito. Itinali ko ito.


Bumaba ako at nakita ko rin si Sav. Hapit na hapit sa kanya ang suot nito. Di maipagkakailang napakaganda nito. Well wala namang pangit sa aming apat.


"Ang ganda mo." Sabi nito sa akin.


"Anong maganda? Eh halos may takip na mga mukha natin."


"Hahanap ako ng sugar daddy don. O kaya matandang mayaman keri na." Pagbibiro nito.


Nag taxi kaming dalwa papunta sa hotel kung saan gaganapin ang party. Hinanapan kami ng invitation at ipinakita naman namin ito.


Nang makapasok kami ay halos malula kami sa dami ng tao. Grabe amoy expensive.


Bumulong sa akin si Sav.


"Beh, kapag di ako nakauwi mamaya sa bahay. Wag mo na akong hanapin ha."


Natawa naman ako sa sinabi nito.


Nakita namin si Ams at Sai. Lumapit kami sa dalwa.


"Mygosh ang gaganda natin. Buti nalang pinayagan ako ng boyfriend ko." Ani Ams.


"May pangit ba satin?" Sabi ko naman.


Kanya-kanya silang tango.


Maya-maya pa ay nagsimula na ang party. Napaka daming tao. Hindi ko na namalayan na wala na sa tabi ko si Sav at Ams.


"Hayy.. mukhang may kaibigan nanaman akong aahon sa hirap." Sabi ko sa sarili.


"Hi." Nabigla ako nang may magsalita sa likuran ko.


"Mind if I join you?" Sabi nito. Hindi ko maaninag ang mukha nya dahil sa maskara na suot.


"Ah. Hindi sige lang." Sabi ko at nilagok ang alak na sinerve nung waiter.


"Mag-isa ka lang ba?" Tanong nya.


Shit! Bakit ganon yung boses nya parang napaka hot naman. Hindi ko alam kung dahil ba sa alak na ininom ko kaya nag-iinit ako ng ganito.


"Hindi. May mga kaibigan ako hindi ko nga lang alam kung nasan na sila."


Tumango naman ito. Uminom ulit ako ng panibagong alak na bigay sakin. Shuta nakakarami na ata ako ah.


Naramdaman kong nakatitig ito sa akin kaya tiningnan ko sya. Ang mga mata nito ay nakatingin sa mga labi ko.


Bakla ba 'to? Naiinggit ba sya sa lipstick ko?


"You have a nice lips."


I smirked at him.


"Hmmnn.. You said that I have a nice lip so do you want to see it on your tip?"


Walang prenong sabi ko. Hala gago! Napatigil ako nang marealize kung anong sinabi ko.


"Sure."


Aba't pumayag pa nga. Inilahad nito ang kamay sa akin na tinanggap ko naman.


Pokpok mode on ako ngayon mga sis.



SAJIYANG

Deception Series: Priam Carrius AckerWhere stories live. Discover now