Chapter 25

31.3K 609 121
                                    

CHAPTER 25


Nagmumukmok ako ngayon sa gilid ng kama namin dahil naiinis ako kay Priam. Kanina kasi habang nag go-grocery kami may kausap syang babae.


Tapos yung babae naman halos umabot na sa tenga yung ngiti nakakainis talaga! Dapat pala di nalang ako sumipot sa kasal namin 7 months ago.


Kinasal kaming dalwa at ang bestman nya ay si Red. Buti nalang talaga di umiyak yong damuhong yon.


Sinabihan ko talaga sya na wag na wag syang iiyak pag kinasal kami kasi tatakbo talaga ako palabas. Duh uso kaya yon ngayon yung umiiyak yung groom pero sa huli magloloko.


"Love." Tawag nito sakin nang makapasok sa pintuan.


Hindi ko ito pinansin. Umupo naman ito sa tabi ko pero dedma lang ako.


"Huy misis ko." Sabi nito habang pinipindot ang pisngi ko.


Hinampas ko naman ang kamay nito.


"Ano ba priam! Isa!"


"Ah sus, baby ang mommy mo nagtatampo." Pagkausap nito sya tyan ko.


"Siguro gusto ni mommy mag make love kami, pero bawal na kasi 8 months na ikaw." Pagpapatuloy nito.


"Para kang gago." Asik ko.


"Ah sus, nagtatampo ang misis ko. Anong gusto mong gawin ko love para di ka na magalit?" Tanong nya.


"Tss.. Dun ka na sa babae mo!" Inis na sabi ko.


"Nandito na nga ako." Sagot nya.


"Hindi ako, yung babae don sa grocery may pangiti ngiti pa nakakainis talaga." Inirapan ko ito sya naman ay tumawa lamang.


"Love, classmate ko yun nung college, matagal na yon. Aksidenteng nagkita lang kami don atsaka sinabi kong kasal na ako pinakilala pa kita diba? Wag ka nang magtampo."


Well totoo naman yon proud na ipinakilala nya ako dun sa babae pero nakakainis parin grabe sya makangiti sa asawa ko, halur nandito ako uy.


"Wala akong paki kung matagal na yan kahit kapanahunan pa yan ni magellan. Basta galit ako sayo. Umalis ka dito wag mo akong guluhin."


"Love naman... sige na nga kakain na nga lang ako ng vanilla icecream, magpapaka busy nalang ako kumain para di kita magulo."


Ha? Ano daw? Vanilla ice cream. Mukang masarap yun ah. Napalunok naman ako sa sinabi nya.


Peke naman itong bumuntong hininga. Ayst kakainis naman alam kong sinasadya nyang iparinig sa akin yon para matakam ako. Yan ang palagi nyang ginagawa pag galit ako, lagi syang nagpaparinig na kakain sya kaya ayun tuloy lagi nalang akong bumibigay, syempre ibang usapan na kapag pagkain.


"L-love." Tawag ko rito.


Lumingon naman ito sa akin.


"May vanilla ice cream ba talaga? Ano daw... sabi nila masarap daw yun eh no?" Tanong ko.


"Yes love, masarap ang vanilla."


"Hingi ako..." Pagpapacute ko sa kanya. Nag puppy eye na rin ako para gumana.


Ngumuso ako sa kanya.


"Bibigyan mo naman ako diba love?"


Humagalpak naman ito ng tawa habang hawak ang tyan nya.


Nagsalubong naman ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.


"Bakit ka tumatawa dan?!" Naiinis nanaman ako bakit ba kasi sya tumatawa.


Umiling naman ito.


"Cute mo." Sabi nya sakin.


Lumapit ito sa akin at inalalayan akong tumayo.


"Lika na mahal ko kakain na tayo ng ice cream." Parang batang sabi nya.


Kumain kaming dalwa ng ice cream. Sunod sunod ang subo ko ng ice cream wala akong pakielam kung mangilo ang ngipin ko.


Biglang may nagpahid sa labi ko. Tiningnan ko si priam at sumenyas ito.


"Mahal kita." Sabi nya habang ang mga mata nya ay nakatuon sa akin na para bang ako ang pinaka magandang bagay sa buong mundo. He stared me with so much adoration.


"I love you too." Sagot ko at ipinagpatuloy ang pagkain.


"Where's my kiss?"


Ngumuso naman ako atsaka nya ako hinalikan.


"Ganda mo talaga."


Si Priam ang buhay ko. Makasama ko lang sya ay sobra-sobra na yon para sakin.


Ano bang ginawa kong mabuti sa past life ko para bigyan ako ng isang lalaking tulad nya.




SAJIYANG

Deception Series: Priam Carrius AckerWhere stories live. Discover now