Chapter 22

31.2K 578 225
                                    

CHAPTER 22


Nilibang ko ang sarili ko sa pag-iisip kung ano ang sasabihin ko kay priam kapag nagkita kami.


Mali ako. Mali akong sinisi ko sya. Hindi ko man lang inisip yung mararamdaman nya. Alam kong masakit rin para sa kanya ang pagkawala ng magiging baby namin.


Masyado akong nagpadala sa emosyon. Nagkulang din ako ni hindi ko alam na buntis pala ako edi sana mas inalagaan ko ang sarili ko.


Natigil ako sa pag-iisip nang may mag doorbell. Tumayo naman ako upang tingnan kung sino iyon.


Si Priam. Maga rin ang mga mata nito. Ang gulo ng buhok nya kanina ko lang sya iniwan ah. Naamoy ko rin na amoy alak ito.


"L-love... may dala akong pagkain. Kain ka na baka magutom ka." Pinilit nitong ngumiti sa akin.


"Lasing ka na Priam."


"Kaya ko pa naman. Kain ka na." Dumiretso itong pumasok sa loob.


"Halika na love, M-mahamog na pasok ka na."


Ako naman ay pumasok na rin at isinara ang pinto.


Dumiretso sya sa kusina at kumuha ng plato. Pinaghainan ako nito.


"Sige na love kain ka na... p-pgkatapos mo uuwi na rin  ako." Malumanay nyang sabi.


Umupo ako sa upuan na katapat nya at nagsimulang kumain.


"T-teka kukuha lang ako ng tubig." Nauutal na sabi nya.


Sa sobrang kaba nya ay umapaw pa ang tubig na kinuha nito.


"Shit! Sorry love.. ano pupunasan ko nalang." Sabay abot sa akin ng tubig.


Kumuha ito ng basahan at pinunasan ang basang sahig.


Muli itong umupo sa tapat ko. Ramdam ko ang titig nya sa akin. Namutawi ang katahimikan sa aming dalwa.


Binasag nya iyon nang bigla syang nagsalita.


"S-siguro galit sakin ngayon ang angel natin love... Nang dahil sakin nawala sya... Nang dahil sakin nasasaktan ang mommy nya." Bigo ang boses nya.


"Tama ka love... napaka makasarili ko."


Ang mga luha ko ay nagsibagsakan na rin.


Lumapit ito sa akin at pinunasan ang mga luha ko.


"Wag kang umiyak please... nasasaktan ako jia."


"Kasalanan ko... kung hindi ko lang sana ginawa yon..."


Tumayo ako mula sa pagkakaupo.


"Sa susunod nalang tayo mag-usap kapag hindi ka na lasing." Blangkong tiningnan ko ito.


"Umuwi ka na." Bigong tiningnan ako ni Priam.


Wala na itong nagawa kundi umalis. Saka ko nalang sya kakausapin kapag nahimasmasan na sya.


Lumipas ang dalwang linggo walang priam ang nagpakita sa akin.


Araw-araw kong hinihintay ang pagdating nya. Umaasa akong isang araw nasa labas sya ng pintuan ko, pero wala.


Natatakot akong puntahan sya sa company nya. Paano kung ayaw nya na sakin? Pano kung tuluyan na syang sumuko?


Deception Series: Priam Carrius AckerWhere stories live. Discover now