Chapter 17

32.7K 637 446
                                    

CHAPTER 17


Nang dumating ang pinadeliver nyang pagkain para sa aming dalwa ay sabay kaming kumain bago sya umalis.


Ang sabi nya pa ay wag muna akong pumasok bukas dahil magpahingan nalang daw ako. Ako naman ay tumanggi dahil nakakahiya.


Magdamag din itong nag send ng mga text message sakin sa sobrang dami ay hindi ko na nareplyan ang iba.


May pa free vacation na nga for 2 weeks tapos aabsent pa ako, aba parang ang abusado ko naman.


Pagpasok ko ng opisina ni Priam nakita ko syang nakasandal sa may table nya.


May hawak-hawak itong red roses. Bumalandra naman ang ngiti nito nang makita akong pumasok sa pintuan ng opisina nya.


Sinalubong ako nito at ibinigay sa akin ang red roses.


"Goodmorning love" Saad nito at iniyakap ang braso nya sa bewang ko. Hinapit ako nito upang magkalapit kami.


Tiningnan ko naman ito na puno nang pagtataka.


"Para saan 'to?" Tanong ko.


"I told you na manliligaw ako diba." Proud na sabi nya.


Napangiti naman ako dahil don. Hinalikan ko ito sa pisngi bago magpasalamat.


"Thankyou."


"Parang kailangan ko na sigurong bumili ng flower shop para araw-araw akong may kiss."


Lumipas ang isang linggo mula nang makabalik kami sa manila. Mas lalong pursigido si Priam na manligaw feeling ko tuloy ang ganda ko duh isang PRIAM CARRIUS ACKER yun noh.


From Cloud:
Hi Jia! Free ka ba ngayon?


To Cloud:
Oo, bakit?


From Cloud:
Yayain sana kita, kain tayo sa labas. Treat ko.


To Cloud:
Okii, send mo nalang address don tayo magkita.


Pumayag ako sa paanyaya nya. Magkaibigan naman kami walang masama roon.


From Cloud:
Sunduin nalang kita sa apartment mo para sabay na tayong pumunta.


Um-oo na lamang ako sa sinabi nya.


Nang oras na ng uwian ay nagpaalam na ako kay Priam. As usual hinatid nya muna ako sa bahay bago sya umuwi.


Nagbihis naman ako dahil baka dumating si cloud. Nagsuot lang ako ng croptop at skirt. Yan ok na.


Saktong pagbaba ko ay may nagdoorbell. Binuksan ko ito at tumambad sakin si Cloud.


Inalalayan ako nitong makasakay sa kotse nya. May kaya naman sa buhay sila Cloud pero katamtaman lang kaya kailangan nya din magtrabaho. Kinuwento nya sakin yon nung isang beses.


Dinala nya ako sa isang restaurant. Tinanomg nya ako kung anong gusto ko ang sabi ko naman ay sya na ang bahala.


Habang kumakain kami ay nagkukwentuhan din kami tungkol sa bagay-bagay.


"May dumi ka sa pisngi mo, love." Wika nya.


Natigilan naman ako sa sinabi nya. Tiningnan ko ito.


"Ah sorry, nasanay lang ako yun kasi yung tawagan namin ng ex ko e." Nahihiyang sambit nito.


Ipinagkibit balikat ko nalang ito at pinunasan ang pisngi ko. Kung si priam yon siguro ay may ginawa na yong kalokohan.


Deception Series: Priam Carrius AckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon