Chapter 19

30.8K 642 313
                                    

CHAPTER 19


"Crizsaina!!" Napabangon ako mula sa pagkakahiga ko sa sahig nang marinig ang malakas na tawag na iyon.


Nilingon ko ang tatlo na kagigising lang din yata.


"Ano ba yan! Ang ingay-ingay natutulog pa yung tao eh. Ah shit sakit ng ulo ko." Sambit ni Sai.


Silang tatlo at nakahawak sa kanilang ulo. Nang balingan ko kung san nang galing ang boses na yon ay nakita ko sila Logan, Red, Vlad at Priam.


"Ginagawa mo dito?" Inis na saad ni sai.


Matalim na tiningnan ni Redmus si Sav.


"Patay." Ngiwing sabi ni sav.


Ang mga bote at balat ng chichirya ay naka kalat pa sa sahig.


"Sakit ng ulo ko shems." Ani sai.


"Mag-inom ka pa." Malamig na saad ni logan.


"Oo talaga. Sa susunod isang case tutunggain ko sa harap mo." Sagot nito kay logan.


"Arri." Tawag ni Redmus kay sav.


"Oh."


"Ni hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka. Naka off din ang cellphone mo tapos nag-iinom ka lang pala." Pagsesermon nito.


"Ano ka tatay ko para magpaalam pa sayo?" Inis na wika ni sav. Siguro ay nakulangan sa tulog kaya nagagalit.


"Si AA din hindi nagpaalam sakin." Naka labing sabi ni vlad.


"Nagpaalam ako sa boyfriend ko, kuya." Diniinan pa nito ang pagsabi ng kuya.


Nag ngitngit naman ang mga ngipin ni vlad sa sinabi ni ams sa kanya.


Si priam naman ay masama lang ang tingin sa akin.


"Ano bang ginagawa nyo dito? Mga istorbo." Wika ni sai.


"Asawa mo lang naman ako crizsaina." Matigas na aika ni logan.


"Wala akong asawang manloloko, sino ka ba?" Bumaling naman si sai sa amin bagi nagsalitang muli.


"Kilala nyo yan? Ams bakit may nakapasok rito na hindi natin kilala. Dapat magpatawag ka na nang baranggay pano kung mga masasamang loob yan." Sarkastikong sabi ni sai.


Napatingin naman kaming lahat nang may pumasok sa pintuan. Si Vraxx.


Dumiretso ito papunta kay ams at inalalayang makatayo.


"Okay ka lang? Masakit pa ulo mo?" Pag-aalala ni vraxx.


"Okay lang medjo masakit lang. Ano palang ginagawa mo dito?"


"Tumawag sakin si tito sabi nya asikasuhin muna daw kita dahil maaga ang pasok nya." Tumango naman ito.


Pare-pareho kaming nagulat nang ibinagsak pasara ni Vlad ang pinto ng bahay bago ipinaharurot ang sasakyan nya.


Tumayo na kaming tatlo nila sav at sai.


Lumapit si logan kay sai at hinawakan ito.


"San ka pupunta?"


"Mang lalalaki, sama ka?" Inirapan ito ni sai.


Umigting naman ang panga ni logan at hinila palabas si sai.


Si redmus ay inalalayan din si sav.


"Bibitaw ka o tatadyakan kita?" Binitawan sya ni redmus. Nilingon ako ni sav.


"Sa apartment ako uuwi mamaya jia. Dun na ulit ako titira kukunin ko lang mga gamit ko." Umalis ito kasama si redmus.


Maging kami ni priam ay lumabas na rin ng bahay.


"Priam..." Tawag ko sa kanya pero hindi ako nito pinapansin.


"Love." Tawag ko muli. Naramdaman ko ang pagkatigil nya. Sige pa konting lambing pa jia.


"Love, pansinin mo na ako." Tiningnan ako nito.


"Tangina wala na di na ako galit." Natawa naman ako sa sinabi nya.


"Wag ka nang magalit. Hindi naman ako nag-inom sila lang."


"Pero hindi ka nagpaalam sakin."


"Eh kasi nga biglaan lang din nagyaya si sai tsaka syempre dinamayan din namin. Naka off yung cellphone namin. Bakit ka pala nandito diba may meeting ka ngayon?"


"Wala akong pakielam sa meeting, alam mo ba kung gaano ako nag-alala nang hindi ka pumasok kanina. Pinuntahan kita pero wala ka. Ganon din sila logan hinahanap si sai kaya magkakasama kaming apat maghanap. Hanggang makarating kami dito sa bahay nila ams naabutan namin yung papa nya at sinabing tumba kayong apat."


Ngiwi lang ang tanging isinagot ko sa kanya.


Nang makasakay kami sa kotse nya ay nagpahatid ako sa apartment ko. Umabsent muna ako para maglinis ng bahay dahil uuwi si sav.


Si priam naman ay ipina attend ko na sa meeting nya aba't gusto pa akong bantayan magdamag.


Nang matapos kong linisan ang bahay. Katatapos ko lang mag mop kaya madulas pa ang sahig. Naglampaso ako mula sa taas pababa dito.


Kinuha ko ang cellphone ko at mag scroll sa facebook.


May na recieve akong text mula dun sa no. ng stalker ko. Naka save kasi ang no. Nya sakin na may pangalang Stalker. Nagtaka naman ako dahil ngayon nalang muli itong nagpadala ng text.


Binuksan ko iyon at sa sobrang pagkabigla ko ay nabitawan ko ang cellphone ko.


Napatulala ako dahil doon. Kahit nanginginig ang kamay ko ang pinulot ko ang cellphone ko na nahulog sa sahig.


Muli kong tiningnan kung anong laman ng message na iyon.


Litrato ko iyon habang natutulog. Gabi iyon. Marahil ay naka night vision ang camera kaya kahit lampshade lang ang magsisilbing ilaw ko sa kwarto ay malinaw ko itong nakikita. Meron ding video na sinend doon hbang natutulog din ako.


Nanlalambot ang tuhod ko sa takot.... tumakbo ay paakyat sa kwarto ko.


Luminga-linga ako para hanapin kung may nakatagong camera ba sa kwarto ko.


Hinalungkat ko bawat gilid ng kwarto hanggang mapadako ang tingin ko sa stuffed toys na binigay ni Cloud....



Hindi kaya.....




SAJIYANG

Deception Series: Priam Carrius AckerWhere stories live. Discover now