Chapter 24

35K 618 70
                                    

CHAPTER 24


Pagkatapos kong maglinis ng katawan sa cr ay nagbihis na ako.


Nakita kong nandon na rin si Priam at nakaayos na rin.


Lumapit naman ito sa akin at hinila ako paupo sa hita nya.


"Now, let's talk love." He said.


"Sorry priam, sorry if I blamed you. Hindi mo kasalanan yung nangyari sa anak natin. Alam natin pareho yon. Doctor na mismo ang nagsabi sa atin." Paninimula ko. Hindi ko mapigialang maluha.


"Shhh...  Tahan na love, kasalanan ko. Sorry sa lahat lahat ng ginawa ko."


"Hindi... hindi priam.. hindi natin kasalanan." Sagot ko.


"Fuck! Na miss kita ng sobra." Usal nya.


"Na miss e hindi ka nga nagoakita sakin ng dalwang linggo."


"Ginawa ko yon kasi gusto kitang makapag-isip. Nagtiis akong hindi magpakita sayo tapos makikita lang kitang may kayakap na iba kanina."


"Kaibigan ko si Cloud, Priam. Nagpasalamat lang ako sa kanya at sya pa nga ang naghatid sa akin dito."


"Pwede ka namang magpasalamat ng hindi yumayakap ah?" Tinaasan pa ako nito ng kilay.


"Tss.. wag ka nang magselos dyan."


"Okay. Hindi na ako magseselos basta sa isang kundisyon."


"Huh?" Tanong ko


Tumayo ito at iniwan akong nakaupo sa couch. May kinuha ito sa drawer ng lamesa nya bago lumapit muli sakin.


Napasinghap ako nang lumuhod sya sa harap ko. May inilbas ito ng maliit na box. Binuksan nya ito sa harap ko. May laman iyong singsing.


"You will marry me." Sabi nya.


"Wow desisyon yan?" Panunudyo ko.


"Ay shit mali pala! Ano sorry kinakabahan kasi ako." Kamot ulong sabi nya.


Tumawa naman ako at inilahad ang kamay ko sa kanya. Ngumuso naman ako.


"Yes, suot mo na dali." Excited kong sabi.


Lumiwanag naman ang ekspresyon nya at dali-daling isinuot sa akin iyon. Muntik pa ngang mahulog yung singsing dahil nanginginig sya sa kaba.


"Mahal na mahal kita sobra." Saad nya.


"Mahal na mahal din kita." Sagot ko naman.


Niyakap ako nito at hinalikan sa labi.


God, I really love this man.


Pagkatapos non ay umuwi kami sa bahay nya. Ipinalipat nya rin lahat ng gamit ko dahil don na raw ako titira. Aba mas nauna pa ang pagsasama kesa sa kasal.


Binuksan ko ang cellphone ko at pinicturan ang singsing na nakasuot sa daliri ko.


Sinend ko yon sa gc naming apat.


Sajiax Preal
Sent a photo.
I'm already engaged, Priam and I will get married next month. Sav, Sai where are you guys? :((


Yes, next month na ang kasal naming dalwa. Nagmamadali kasi si Priam dahil baka daw magbago ang isip ko. Nakakalungkot lang dahil wala si sav at sai sana naman magpakita na sila bago ang kasal ko.


Amarah Alexynne
Congrats Jia!! I'm so happy for you, kahit ikaw lang ang masaya ang lovelife sa ating apat.


Sajiax Preal
It feels so illegal to be happy knowing na wala si sav at sai and you ams, I hope someday you'll be okay❤❤❤


Amarah Alexynne
You deserve to be happy jia!! We love you. Maybe sav and sai needs more time to think just like me, I need more time to heal.


Pinatay ko nalang ang cellphone ko dahil malulungkot lang ako. Hindi namin alam kung saan pumunta si sav lalo na si sai.


Naramdaman kong may yumakap sa akin.


"I love you Mrs. Acker." Ani Priam.


Napangiti naman ako sa sinabi nito.


"I love you too mister ko."





Note: Short update. Hi nicx_x_x


SAJIYANG

Deception Series: Priam Carrius AckerWhere stories live. Discover now