Chapter 3

40K 974 166
                                    

CHAPTER 3


Pagka gising ko ay naligo na ako at nagbihis para sa pagpasok sa company na pinagtatrabuhan namin.


Bumungad sakin si Sav na nag aalmusal sa mesa. Tumingin ito sakin.


"Anyare sayo teh? Mukha kang sabog." Bungad nya sakin.


"Di ako masyadong nakatulog eh. Anong oras ka pala umuwi?"


"Ah.. eh.. ano gabi na din ano mga 11 ata."


Nagpatuloy nalang kami sa pagkain ng almusal. Pagkatapos non ay pumasok na kaming dalwa.


Tiningnan ko ang cellphone ko nang may nag message sakin roon.


'Goodmorning love.'


Yun lamang ang text nito. Hindi na ako nanibago dahil bukod sa pagsunod at pagdadala ng kung ano ano sa akin ay nag tetext rin ito.


Ilang beses ko nang tinanong kung sino ba sya pero hindi nito sinasabi. Ilang beses ko na ring binlock ang number nito pero nagagawa parin nya akong i text. Halos ubusin nya na ata ang sim card sa pilipinas.


Ilang beses na rin akong nagpalit ng number pero palagi rin nitong nalalaman. Hindi ko alam kung pano. Kaya nasanay na ako di na ako nagpapalit ng number. Duh sayang pera sa simcard.


Nang makapasok kami sa opisina na pinagtatrabahuhan namin ay agad narin akong umupo at humarap sa computer ko.


Kaming tatlo na lamang ang nagtatrabaho dahil si Sai ay pinatigil na ng asawa nito.


Kung sabagay kahit di na sya nagtrabaho yamado na sya ang yaman kaya ni boss logan. Mukha nga lang laging seryoso.


Nagsimula na akong mag tipa sa keyboard ng computer ko. Ilang oras akong nakaharap sa computer dahil ganon nga ang trabaho namin dito.


Nang mag breaktime ay pumunta muna ako para bumili sa cafeteria sa baba.


Habamg hinihintay ang inorder ko kape ay may tumawag sakin.


"Jia." Agad naman akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon.


"Ulap." Tawag ko rin sa kanya.


He chucked. I call him ulap kasi tagalog ng pangalan nya. Cloud.


Dito rin sya nagtatrabaho pero sa ibang department. Nagkakilala kami six months ago. Natapon nya kasi yung inorder kong kape tapos pinaltan nya. Simula non naging close na kami.


"Musta trabaho?"


"Okay naman, malaki naman sahod kaya worth it yung pagod."


Nang dumating na ang order ko ay nagpaalam na ako sa kanya na babalik na ako sa trabaho.


"Sandali." Tugon ni Cloude habang hawak ang kabilang braso ko.


Nilingon ko naman ito at itinaas ang dalwang kilay ko na para bang nagtatanong kung bakit.


"Ah sige. Okay na pala." Ngumiti ito sa akin.


Lakas ng amatz ni ulap ah. Dumiretso na ako sa paglalakad pabalik sa department namin.


"Kakapagod!!" Buntong hininga ni Ams.


"Sa true." Pag sang-ayon naman ni Sav.


Sabay-sabay na kaming nag lunch tatlo. Nang matapos kami roon ay balak na naming bumalik pero nakasalubong namin si Sai.


"Mga babes." Tawag nito sa aming tatlo.


Nagbatian pa kaming apat. Napagpasyahan naming magkwentuhan muna dahil di oa naman tapos ang lunch break namin.


"So ano? Nakahanap ba kayo ng fafa?" Tanong ni Sai.


Oo. Daddy pa nga tawag ko eh.


Agad naman akong nag-iwas ng tingin dahil sa tanong nya.


Yawa! Naaalala ko nanaman ang kagagahang ginawa ko kagabi.


Jusko naman kasi Jia anong klaseng espiritu ba ang sumanib sayo kagabi.


Espiritu ng kalandian.


Maging ako ay napailing nalang sa mga naiisip ko.


"Hoy Jia!" Napitlag ako nang tawagin ni Sav ang pangalan ko.


"Ha? Bakit?" Tanong ko.


"Gago Jia naka drugs ka ba? Kanina ka pa. Tinatanong namin kung san ka pumunta kagabi kasi bigla kang nawala."


"Hala kayo nga yung nawala bigla e. A-ano umuwi na ako kasi akala ko nakausi na kayo... wala naman akong kakilala don." Utal na sabi ko.


Tumango naman sila at di na muling nagtanong. Nagpatuloy muna kami sa pag-uusap bago magpasya na bumalik na.


Si Sai naman ay dumiretso sa office ni sir Logan.


"Jia." Tawag ni Mrs. Guttierez sa akin.


"Bakit po?"


"Pwede bang paki hatid mo ito sa opisina ni boss? Puputok na kasi pantog ko e kailangan na yan ngayon kasi nandon yung ibang kaibigan na ka sosyo nya sa negosyo."


"Ah sige po. Ako na po ang bahala."


Kinuha ko ang mga dokumento sa kanya at dumiretso sa opisina ni boss.


Kampante ako dahil siguro ay nandon pa si Sai. Nakakahiya sa ibang bisita ni Sir.


Kumatok muna ako bago pumasok. Pagpasok ko palang ay mabigat na agad ang aura sa paligid.


Shit. Kinakabahan ako. Sa sobrang kaba ko dire-diretso lang ang tingin ko papunta sa boss namin.


Nakita ko naman si sai na nakaupo sa couch at nakangiti sakin.


"Ah sir, pinapabigay po ni Mrs. Guttierez." Inabot ko sa kanya ang mga dokumento.


"Thanks." Tipid na sabi nito.


Lalo pa akong kinabahan ng may tumkhim. Tangina anyare bakit ambigat ng atmosphere dito.


Nang lingunin ko kung sino yon ay tumambad sa akin ang tatlong nag gagwapuhang lalaki.


Omg lord. Kukunin mo na ba ako? Bakit may mga anghel sa harap ko.


Nanlaki ang mata ko nang mapadako sa isang lalaking nandon.


Pag minamalas ka nga naman. Parang gusto ko nalang na lamunin ako ng lupa ngayon din.


Ngumiti ito na naging dahilan ng pagtayo ng balahibo ko. WaaAaaHhH pisteng yawa talaga. Sya yung lalaking tinali ko sa kama. Huhuhu.



SAJIYANG

Deception Series: Priam Carrius AckerWhere stories live. Discover now