Chapter 21

30.5K 579 49
                                    

CHAPTER 21


"Love..."


"Wag mo akong tawagin nan! Tangina Priam... All along ikaw lang pala?!"


"Let me explain love.." pagsusumamo nya.


Lumapit ito sakin at hinawakan ang kamay ko.


"Then explain priam, explain everything." Malamig na tonong saad ko.


Hinintay ko syang magsalita ngunit walang ni isa ang lumabas sa kanyang bibig.


"Akala ko ba mag eexplain ka priam? Bakit hindi ka makapagsalita ha?!"


Ibinuka nito ang kanyang bibig upang magsimulang magsalita.


"I first saw you on logan's wedding, at first akala ko na attract lang ako, I thought it was a simple infatuation but then I found out na hindi lang yon simpleng pagkagusto. So I started to stalk you, nagpapadala na rin ako ng kung ano-ano. I'm such a coward, kasi di ko magawang magpakilala sayo. Then I met you on logan's party so I approached you. Sobrang saya ko non kasi nakasama kita..."


"...H-hanggang sa naging tayo... ang saya ko non kasi nakuha na kita. P-pero di ako nakuntento... gusto kitang makasama sa iisang bahay lang kasi mahal na mahal kita kay—"


"Tanginang pagmamahal yan!" Pagputol ko sa sinabi nya.


"Kaya ano? Sinend mo sakin yang mga lintek na pictures na yan?! Napaka gahaman mo! Napaka makasarili mo priam." Saad ko habang umiiyak.


"Priam hindi mo alam kung gaano ako takot na takot sa ginawa mo! N-nang dahil sayo... nang dahil sa lintek na pagmamahal yan nawala yung anak natin!"


Dali-dali kong kinuha ang cellphone at wallet ko para umalis.


Paalis na ako nang niyakap nya ang binti ko. Lumuhod ito sa harap ko habang nagmamakaawa.


"Patawarin mo ako jia... parang awa mo na wag mo akong iwan.."


"Bakit? Sakin ba naawa ka? Siguro tuwang-tuwa ka habang pinaglalaruan ako!"


"Dahil lang sa kagustuhan mong tumira ako kasama ka ginawa mo yon. Masaya ka na ba? Masaya ka na, na magkasama tayong dalwa? Tangina ang babaw ng rason mo!"


"H-hindi ko alam na mangyayari yon... Alam kong di ka papayag pag sinabi kong gusto kong tumira kasama ka." Sambit nya.


"Natural hindi ako papayag. Nagsisimula palang tayo priam eh. Tinanggap kita kahit alam kong nililinlang mo ako gamit yang mga emosyon mo na yan. Minamanipula mo ako gamit yang mga emosyon mo para sa dulo pumayag ako, para sa huli ikaw yung susundin ko..."


Kung dati ay ipinagsasawalang bahala ko ang mga ginagawa nya na yon. Na umaarte sya para ako ang maguilty at pagkatapos non ay hihingi ako ng tawad sa kanya, o para sundin ko sya.


He's lowkey manipulating me.


"Nakatira nga ako kasama mo, anak naman natin yung naging kapalit, anak naman natin yung nawala." Saad ko.


"P-please jia.. wag naman ganito... wag mo akong iwan. Babaguhin ko yung pag-uugali kong ganon... hahayaan kitang magdesisyon o gawin lahat ng gusto mo.. basta wag mo lang akong iwan jia please.." Pagsusumamo nya hbang nakayakap parin sa mga binti ko.


"Kung ganon, hayaan mo ako priam. You need to learn your lessons. Hindi tamang minamanipula mo ang lahat para lang makuha ang gusto mo."


Iniwan ko syang nakaluhod at umiiyak doon. Sobrang gulo ng isip ko. Kailangan ko munang makapag isip-isip


Nagpahatid ako sa apartment  na inuupahan namin ni sav dati. Nandito parin ang iba kong gamit. Si sav ay hindi natuloy sa pagbalik rito.


Agad akong pumasok sa loob at umakyat papunta sa kwarto. Hinalughog ko lahat ng gamit na naroon.


Nakita ko na parang may umilaw. Tiningnan ko iyon. Isa itong maliit na device. Ito ba yon?


Kinuha ko yon at sinira. Inapak-apakan ko pa ito para masigurong di na ito gagana.


Kinuha ko ang cellphone ko at nag chat sa gc naming apat. Nagreply naman si ams at sav.


Si sai ang pagkakaalam ko ay umuwi muna itong probinsya sa pamilya nya. Para siguro makaiwas muna kay logan.


Maya-maya pa ay dumating na ang dalwa. Kinamusta nila ako at tinanong kung bakit namamaga ang mga mata ko.


Ikinuwento ko sa kanila ang lahat lahat.


"Anong plano mo ngayon? Gusto mo ba samahan muna kita dito?" Sambit ni Sav.


"Hindi sa kinakampihan ko si priam ha,  pero do you think it's too much to blame him for what happened to your baby? I mean hindi nyo alam pareho na buntis ka nung time na yon at sinabi na rin ng doktor na mahina talaga ang kapit nung bata na kahit hindi ka mahulog sa hagdan nung time na yon hindi parin kakayanin nung bata." Ani Ams.


"Alam ko.. na carried away lang ako kanina. Nagsisisi ako na sinabi ko iyon sa kanya masyado lang akong nagpadala sa galit." Saad ko.


"Tama na muna yan, magpahinga ka muna jia. Pag maayos ka na tsaka nalang ulit kayong mag-usap." Sabi ni sav.


Tumango naman ako. Nang sumapit na ang hapon ay pinauwi ko sa silang dalwa.


"Kaya ko na 'to, lakad na umuwi na kayo. Salamat." Sabi ko.


"Sigurado ka?" Tanong ni sav.


Tumango naman ako. Nang makaalis na ang dalwa ay pumasok naman ako sa loob.


SAJIYANG

Deception Series: Priam Carrius AckerWhere stories live. Discover now