Chapter 20

31.3K 598 283
                                    

CHAPTER 20


Kinuha ko iyon at sinira. Sinubukan kong gutayin iyon dahil baka may nakatagong camera don pero bigo ako.


Kahit nanginginig ang aking mga kamay ay nagawa kong tawagan si priam dahil sa sobrang takot ko.


"P-priamm... h-help me please..."


"Anong nangyari?! Hintayin mo ako papunta na ako dan."


Pinatay nito ang tawag ako naman ay nagmamadaling bumaba.


Sa sobrang takot ko ay nagtatakbo para sana pumunta sa labas pero habang tumatakbo ako pababa ng hagdan ay nag dire-diretso ako pababa. Tumama ang balakang ko sa kantuhan ng hagdan.


"Ah!!" Sigaw ko sa sobrang sakit.


Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may dugong umaagos sa hita ko.


"T-tangina... ano 'to... aray!!" Namilipit ako sa sakit.


Yun lamang ang huling nasabi ko nago mawalan ng malay.


Nang magmulat ako nang mata ay tumambad sakin ang puting kwarto. Dahan-dahan akong umupo sa kama na hinihigaan ko.


Nakita ko si Priam sa gilid ko na nakaupo habang ang ulo nito ay nakapatong sa kama.


Naramdaman nya sigurong umupo ako kaya dali-dali syang nagmulat ng mata.


"L-love." Tawag nya sa akin.


"Kamusta ang pakiramdam mo. May masakit ba sayo?"


"Priam bakit tayo nandito?"


Nakatitig lamang ito sa akin. Bakas sa mga mata nya ang matinding sakit na nararamdaman.


"Gising ka na pala misis. Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong nung babaeng kakapasok lang sa pintuan.


Naka white coat ito kaya alam kong doktor sya.


"Doc ano pong nangyari... k-kanina nakita kong mag dugong dumadaloy sa hita ko.." Takot na tanong ko.


Nagkatinginan naman sila ni Priam.


"Misis, hindi mo ba alam na you're 5 weeks pregnant?" Tanong ni Doctora.


"P-po? Buntis? Wala naman po akong nararamdamang kakaiba sa katawan ko. Di kagay nung iba diba nagsusuka sila ganon e normal lang naman po ako doc."


"May mga ibang cases talaga na kung saan ay hindi nakakaramdam ng morning sickness ang mga babaeng buntis at marahil ay isa ka don."


Buntis ako?


Nilingon ko naman si Priam na ngayon ay malamlam ang matang nakatingin sakin.


"Buntis ako... Priam buntis ako... Magkakaanak na tayo." Masayang saad ko.


"Priam bakit ka umiiyak? Ayaw mo ba sakin? Ayaw mo ba sa anak natin?"


"Misis may isa pa po akong sasabihin." Napabaling naman ako kay doc.


"I'm sorry to tell you pero wala na po si baby, nung kaninang dinugo ka hindi nya nakayanan. Mahina ang kapit ng sanggol sa sinapupunan mo."


Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa narining ko.


"Mahina talaga ang kapit ng baby kahit nung una palang, nangyari lang na nadulas ka kaya hindi nakayanan ng sanggol."


Tinanguhan ni Priam ang doctor bago lumabas.


Habang ako ay nakatulala habang ang mga luha ko ay isa isang nagbabagsakan.


Niyakap naman ako ni Priam.


"Kasalanan ko 'to." Paninisi nya sa sarili nya.


"P-priam... yung anak natin.." Hagulhol ko.


Mabilis lumipas ang araw na discharge ako sa ospital. Maging si Sai, sav at ams ay dumalaw sa akin don ngunit hindi talaga madaling kalimutan ang nangyari sakin.


Ang fetus ay doon ipinalibing ni priam malapit sa garden nila para raw mabilis lang mapuntahan at madalaw.


Inuwi ako ni Priam sa bahay nya para daw mabantayan nya akk ng maayos. Hindi parin maproseso ng utak ko ang nangyari sa akin.


Bakit kailangang madamay pa ang anak ko. Galit na galit ako kung sino man yung nagpadala sakin ng mga litrato na yon. Sinisisi ko sya kung bakit ako nakunan.


Sa bawat paglipas ng oras at araw ay mas lalong naging hands on sakin si priam. Inalagaan nya ako ng mabuti. Nagpapasalamat ako dahil sa araw-araw na iyon ay unti-unti nang bumubuti ang lagay ko.


Kasalukuyan akong nakaupo sa kama naming dalwa habang sya ay nakayakap mula sa likod ko.


"Priam, thankyou." Saad ko.


"Para saan love?"


"Sa pag-aalaga mo sakin, kasi hindi mo ako sinisisi kung b-bakit nawala satin yung anak natin." Yumuko ako.


"Kung alam mo lang love, ako ang may kasalanan kung abkit nangyari yon." Mahinang saad nito na hindi na umabot sa pandinig ko.


Tumayo ito at dumiretso sa loob ng cr dahil maliligo na sya.


Sa sobrang boring ko ay pinakielaman ko nalang ang cellphone nya.


Pumunta ako sa photos nya. Binuksan ko ang isang album don.


Puno ito ng pictures naming dalwa na magkasama. Napangiti naman ako dahil kinikeep nya yung mga memories naming magkasama.


Inexit ko iyon at nag scroll pa papunta sa ibang album. Naagaw ang paningin ko ng isa sa album don.


Binuksan ko iyon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko. Iniscroll ko pa ang laman ng album na yon...


"H-hindi.... h-hindi si Priam yon..."


Dinampot ko ang cellphone ko at hinanap sa contacts ko ang no. Nung stalker na nagpadala sakin ng litrato.


Dinial ko ang numero nito... Unti-unting tumulo ang mga luha ko nang mag ring ang cellphone ni Priam.


Sya... sya yung nagpadala ng mga litratong yon... sya yung stalker...


Napabaling ang tingin ko kay Priam na ngayon ay kakalabas lang ng banyo.


Napaamang ito dahil nakita nyang hawak ko ang cellphone nya.


"P-priam... pano mo nagawa sakin 'to?" Basag ang boses ko hbang nagsisituluan ang aking luha.



SAJIYANG

Deception Series: Priam Carrius AckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon