Special Chapter

27.8K 636 152
                                    

Warning: Spoiler!!



"Jia eto ang cute bilhin natin para kay baby." Excited na utas ni ams sa akin.


Nandito kami ngayon sa loob ng mall dahil bigla siyang nagyaya na mag shopping daw kami.


Lumapit ako sa tinuturo niyang laruan na sasakyan. Cute nga.


"Ams jusko naman di pa nga lumalabas ang anak ko paglalaruin mo agad." Sabi ko kaya napanguso nalang siya.


"Eh kasi.. ang cute kaya. Gusto ko din lalaki ang panganay namin ni vlad kung sakali man." Kinikilig na turan nito.


"Ewan ko sayo, nagtatampo parin ako kasi di ka man lang nagkukwento about sa love life mo. Kaya pala di ka ganon ka affected nung niloko ka kuno ni vraxx."


Inirapan lang ako nito at naglibot ng tingin. Ako naman ay nag focus nalang sa mga gamit na pang baby.


"What the— Jiaaa!!" Sigaw ni ams.


Napalingon naman ako sa pagkalbit at pagtawag nito sakin.


"Si sai yun diba?! Omg si sai yon!!" Di makapaniwalang sabi nito.


Sinundan ko naman ng tingin ang tinuro niya at tama siya, si sai nga!!


May kasama itong lalaki habang naglilibot atsaka.... atsaka bakit may baby bump siyaaaa!!


Agad naman naming nilapitan si sai.


"Sai!!" Sigaw ni ams kaya napalingon si sai. Hindi lang siya kundi karamihan ng tao dito sa mall kasama na ang lalaking kasama nito.


Excited na pinuntahan ni ams si sai at sinugod ito ng yakap ganon din ang ginawa ko. Nang humiwalay kami ng yakap ay agad akong nagtanong sa kanya.


"San ka pumunta? Bakit wala kang paramdam? Buntis ka ba? Sinong ama? At sino siya?" Sunod-sunod na tanong ko.


Awkward namang tumingin si sai doon sa lalaki. Kaya tinanguan siya nito at sinabing hihintayin nalang siya sa kotse.


"Hinay-hinay lang jia. Doon muna tayo." Turo niya sa isang cafe.


Agad naman kaming lumunta doon at naghanap ng pwesto. Nang makaupo na kami ay matalim naming tiningnan si sai.


"Bakit di ka nagparamdam samin ha? Alam mo bang halos mabaliw na si logan kakahanap sayo?" Maging si ams ay nagtanong na rin.


"Mahabang kwento." Pilit na ngiti ang iginawag niya.


"Marami kaming oras." Sagot ko.


"Ako wala, hinihintay na ako ng asawa ko." Sagot nita kaya nagkatinginan kami ni ams.


"Buntis ka? Ilang months na?" Tanong sa kanya ni amarah. Hindi ganoon kalakihan ang tyan niya pero halata na ito.


"Four, eh ikaw?" Sabi ni sai at uminom ng kape na inorder namin.


"Magpipito pero four?? Pero 7 months na ang nakalipas nung umalis ka dito?? Ibig sabihin hindi si logan ang ama?! Sino??" Naguguluhang tanong ko.


Tipid itong ngumiti sa amin at nagsimulang magkwento kung anong nangyari nung umalis siya.


Maging ako ay tutok na tutok sa mga kinukwento niya.


Nang matapos na siyang ikwento lahat at napatigalgal ako. Hindi ako makapaniwala!!


"Pero mahal ka niya." Sabi ko kay sai.


Deception Series: Priam Carrius AckerWhere stories live. Discover now