Chapter 14

37.3K 728 232
                                    

CHAPTER 14


Pagkagising ko ay wala na si Priam sa tabi ko. Kaya dahan-dahan akong tumayo papuntang banyo upang maghilamos at mag toothbrush.


Hindi na ganoon kasakit hindi tulad kahapobkaya nakakalakad na ako. Paika-ika nga lang. Bwiset kasi yung anaconda ni Priam napaka laki. Mas malaki pa sa trust issue ko.


Nanglakad ako pababa para hanapin si Priam. Wala ito sa sala kaya pumunta ako sa kusina. Ngunit si Manang selia lang ang naroon.


"Goodmorning po manang selia."


"Magandang umaga din hija. Oh bakit ganyan ka maglakad?"


Pinamulahan naman ako ng mukha sa tanong nya. Gusto kong sabihin na 'natuklaw po kasi ako ng anaconda, hindi lang tinuklaw pinasukan pa.'


"Morning." Biglang sulpot ni Priam at niyakap ako mula sa likod. Hinalikan ako nito sa pisngi.


"Hindi na ba masakit yan?" Tanong nito.


Aba! Hindi ba sya nahihiya. Nasa harapan kami ni Manag selia noh.


"Ah, mukhang alam ko na kung bakit." Humagikhik naman ang matanda.


"Nakarami ba hija? Kasi di ka naman ganan maglakad kung naka isa lang."


"Manang naman.." Nahihiyang wika ko.


Tumawa lang ito maging si Priam ay ganoon din. Sabay-sabay kaming nag-umagahan di kalaunan ay sinabi ko kay manang selia na ako nalang ang magluluto ng pang hapunan namin kaya pang tanghailan namin ang niluto nya.


Umakyat muli ako sa kwarto dahil tinatamad akong lumabas kasi mainit. Nakasunod sa akin si Priam.


Hinawakan nito ang kamay ko at may inilagay na bracelet sa akin. Tiningnan ko naman ito.


"Ang ganda priam! Saan mo 'to nakuha?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang bracelet na ibinigay nya sa akin. Shells ito na ipinagkabit-kabit.


"Ginawa ko yan para sayo, wala kasi akong makitang bulaklak kanina kaya ginawan nalang kita nan. Ano pasado na ba ako bilang manliligaw mo?" Tanong nya.


"Huh? Nanliligaw ka? Akala ko joke lang yon."


"Mukha ba akong nagbibiro? Hayaan mo pagbalik natin sa manila hindi lang yan ang ibibigay ko sayo."


"Baliw, ang ganda nito promise." Humarap ako sa kanya at binigyan ito ng halik sa pisngi. "Thankyou." Wika ko.


Habang pinagmamasdan ko ang poselas na bigay nya ay ibinaon nya ang kanyang mukha sa aking leeg habang niyayakap ang aking bewang. Ilang segundo pa bago ito magsalita.


"Jia... Nahuhulog na ata ako." Mahinang usal nya.


Nang magtanghalian na ay nagpaalam na si manang selia kami naman ni Priam ay kumain na. Lumabas kaming dalwa dahil mahangin daw roon.


Dinala nya ako sa may mga puno. Nakakita kami ng duyan. Nakatali ito sa dalwang puno ng niyog. Malamig din ang simoy ng hangin at maririnig mo ang bawat hampas ng alon kaya sobrang nakakarelax.


Umupo ako sa duyan ganoon din si Priam. Nung una ay sinabi kong baka hindi kami kayanin pero pinagsawalang bahala nya lang ito dahil matibay naman daw.


Ngayon ay nakasandal ang aking ulo sa kanyang balikat.


"Ganito parin kaya tayo kapag bumalik tayo sa manila?" Tanong ko.


Deception Series: Priam Carrius AckerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora