Chapter 10

36.2K 733 190
                                    

CHAPTER 10


Nang matapos na akong kumain ay may pumasok na isang babae roon at iniligpit ang pinagkainan namin.


Hanggang ngayon ay hindi parin lumalabas si Priam sa loob ng banyo. Nabahala naman ako dahil pano kung nabagok na pala yung ulo nya sa loob? Wag naman sana.


Lumapit ako sa pinto ng banyo para sana ay katukin sya. Pero natigilan ako nang may marinig akong kung ano sa loob. Nag eavesdropping na ako. Inilapit ko ang tenga ko sa pinto.


"Ahh..Fuck!.. Jia..Ahh.. Shit!"


Napatakip ako ng bibig ko nang makarinig ako ng ungol sa loob. Pusanggala!! Bakit... bakit nya inuungol yung pangalan ko.


Dahil sa sobrang kaba ko ay agad akong lumabas sa opisina sakto namang nasalubong ko roon si Ms. Valdez.


"Andito ka na pala hija. Pwede bang hija nalang ang itawag ko sayo?"


"S-sige po."


"Halika na. At ituturo ko na sayo ang mga dapat mong gawin." Hihilahin sana ako nito papasok sa opisina nang bigla ko syang pinigilan.


"Wag!" Nagulat naman ito sa pagsigaw ko. "Ah a-ano po kasi..." Kumunot naman ang noo nito at hinila na ako papasok sa loob.


Lagot. Baka marinig nya kung anong ginagawa ni Priam sobrang nakakahiya. Nakapikit lang ako nang hilahin ako ni Ms. Valdez.


"Oh, nandito pala si Sir Priam. Sir ituturo ko na kay jia ang mga dapat nyang gawin."


Unti-unti naman akong nagmulat at nakita syang natayo sa gilid ng mesa nya. Wuttt... Ambilis nya naman atang makapag ayos.


Tumingin ito sakin at ako naman ay umiwas lang. Dumiretso na kami ni Ms. Valdez sa table ko at itinuro ang dapat kong gawin. Mabuti naman ay nagets ko ang mga sinabi nya kahit na napaka dami kong iniisip ngayon.


Lumipas ang oras hindi ko namalayan na mag-gagabi na pala. Ang oras nang uwi ko alas siete depende nalang rin kung maraming dapat asikasuhin.


Inayos ko na ang bag ko at chineck kung may naiwan ba ako. Wala roon si Priam marahil ay umalis ito. Hindi ko alam kung paanong pakikitungo ang gagawin ko sa kanya.


Sumakay ko ng elevator pababa. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam kay priam bago umuwi. Pero mas mabuti na yon wala naman sya. Nasa labas na ako nang building nila nang may tumigil na sasakyan sa harap ko. Nagbaba ito ng bintana at tumambad sa akin si priam.


"Sakay. Ihahatid na kita."


"Wag na Sir Priam. Magtataxi nalang ako." Pagtanggi ko sa kanya.


"Sasakay ka o bubuhatin kita papasok rito?" Inis ko namang inirapan ito.


Wala na akong nagawa kundi sumakay at magpahatid sa kanya.


"Why are you avoiding me?" Tanong nito habang nakatingin sa kalsada.


Hindi ako sumagot sa tanong nya.


"Jia tinatanong kita." Tiningnan ko naman ito.


"Ano? Hindi ah. Bakit naman kita iiwasan." Tumingin nalang ako sa labas ng bintana.


Hindi naman ito nagsalitang muli. Nagoatuloy lang ito sa pagmamaneho hanggang marating ang apartment na tinitirhan ko.


"Pano mo nalaman na dito ako nakatira?" Takang tanong ko.


"Stop assuming things jia. I saw it in your application form."


Para nagtatanong lang assuming agad?


"Sige, Salamat sa paghatid."


Bumaba ako sa kanyang kotse at dumiretso sa pinto. Napangiti naman ako nang makakita ng rosas at tsokolate sa harap ng pintuan. Cute.


Pero yung totoo gusto ata nitong masira ang ngipin ko puro chocolates ang ibinibigay sakin.


"Kanino galing yan?" Napalingon naman ako nang magsalita si Priam. Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala sya.


"Ah sir, akala ko po umalis na kayo. Ano po... Hindi ko po talaga alam kung kanino galing 'to eh. Basta palagi nalang may nagpapadala sakin ng ganito araw araw."


"I already told you, cut the sir. Just call me priam. At hindi ka ba natatakot na baka may lason yang mga chocolates na yan? Sabi mo hindi mo alam kung kanino galing yan."


"Hindi naman sir. Buhay pa naman ako hanggang ngayon kaya sure akong walang lason yan. Well, dati natatakot talaga ako kasi hindi ko naman kilala kung sinong nagpapadala ng mga yan at baka may masama pang motibo pero hanggang ngayon naman ay wala syang ginagawang masama at wag sana syang gumawa ng ikakasama ko. Atsaka matagal na ring nagpapadala sa akin ng mga ganang bagay kung sino man yon. "


Binuksan ko ang pinto at niyakag ko si Priam na pumasok sa loob ngunit tumanggi na ito dahil may pupuntahan pa raw sya. Kaya dumiretso nalang ako sa loob ng kwarto ko para magpahinga.



SAJIYANG

Deception Series: Priam Carrius AckerWhere stories live. Discover now