Chapter 11

37K 782 144
                                    

CHAPTER 11


Isang buwan na ang nakalipas buhat nang mapalipat kami ng trabaho. Mag isa na lamang akong naninirahan dito sa apartment dahil wala na si Sav.


"Kailangan mo ba talagang umalis?" Tanong ko kay Sav.


Inaayos nito ang mga gamit nya dahil kailangan nya nang umalis dito sa apartment ni hindi nya sinasabi kung anong dahilan.


"Kailangan talaga jia eh, pero wag kang mag-alala magkikita naman tayo. Lilipat lang ako ng bahay. Dun sa boss ko. Di naman tayo magkakalayo."


"Bakit ba kasi kailangan mo pang tumira kasama si Redmus?"


"Diba secretary nya ako. Minsan kasi sa bahay sya nagtatrabaho kaya ako ang nag-aassist sa kanya. Nag desisyon kami na dun nalang muna sa bahay nya ako tumuloy. May malaking partnership kasi syang inaasikaso e." Tumango nalang ako.


"Basta kapag minaltrato ka ni Mr. Angelic dun ha wag kang magdadalwang isip na tadyakan sya." Tumawa naman kaming dalwa.


Nagpaalam na ito sa akin dahil naghihintay sa kanya si redmus sa labas.


Sa nakalipas na isang buwan ay naging maayos naman ang lahat. Minsan ay naiilang ako sa presensya nya. Dahil hanggang ngayon ay sariwang sariwa pa sa akin ang mga narinig ko.


Mabuti na lang ay linggo ngayon. Akala ko walang day off e. Buti nalang may natitira pang kabaitan sa katawan ni Priam. Akala ko kasi puro katarantaduhan lang ang alam nya.


Prente akong nakaupo habang nanonood ng Tv. Nang may mag doorbell.


Tumayo ako upang buksan ang pinto. Nakita ko si Priam na nakatayo sa harap ng pintuan ko. Anong ginagawa nitong lalaking 'to dito.


"P-priam? Ano pala... pasok ka." Nilkihan ko ng bukas ang pinto at pinapasok ito.


"Anong sadya mo?" Tanong ko rito.


"Change you clothes, May pupuntahan tayo." Asik nito.


Kunot-noo na tiningnan ko ito.


"Huh? Rest day ko ngayon a?"


"Wag ka nang magtanong. Magbihis ka nalang o baka gusto mong ako pa ang magbihis sayo." Pinasadahan nito ng tingin ang katawan ko.


Agad naman akong tumakbo papuntang kwarto. Nagbihis lang ako ng hanging blouse at maong na short. Okay na yan.


"What kind of clothes is that?" Tanong nito habang nakatingin sa damit ko.


"Look at your blouse it's too revealing and your shorts is too short."


"May short bang mahaba? Kaya nga short e. At anong revealing ka dyan, porque kita ang tyan." Inirapan ko ito.


"Magpalit ka." Ani Priam.


"Edi wag nalang tayong umalis. Nagrereklamo ka sa suot ko eh hindi naman ikaw ng bumibili ng damit ko. Umalis ka na nga!" Inis na sambit ko.


Napahawak ito sa kanyang sintido habang hinihilot ito.


"Fine, Let's go." Hinila nito ang kamay ko palabas ng bahay.


Isinara ko ang pintuan ng apartment namin at nilock iyon. Dumiretso na kami sa loob ng kotse nya.


Nang makaupo ako sa shotgun seat hindi ko maayos ang seat belt ko. Siguro dahil nauna ang inis ko sa kanya. Inilapit nito ang mukha nya sa leeg ko na ikinagulat ko naman. Ramdam ko ang hininga nya na tumatama sa aking balat.


Inayos nya at sya na mismo ang nagkabit ng seatbelt sa akin. Ngumiti ito at inilayo ang mukha nya.


"I'm addicted to your smell, love." Nag iwas naman ako nang tingin na ikinatawa nya.


Habang nasa byahe ay tahimik lang kaming nakikinig ng music.


"San ba kasi tayo pupunta?"


Hindi parin ito umiimik kaya nagpasya nalang akong matulog. Nagising ako nang parang kinakapos ako ng hininga. Nang magmulat ako ng mata ay nakita kong hinahalikan ako ni Priam. He kissed me torridly, so just like what he did, I kissed him back.


Parehas kaming hinihingal nang maghiwalay ang labi naming dalwa.


"We're here." Matamis itong ngumiti.


Lumabas ito ng kotse nya at umikot para pagbuksan ako ng pinto.


Nang lumabas ako ay tumambad sa akin ang napaka gandang tanawin.


"Nagustuhan mo ba?" Tanong nya.


"Ang ganda. Ang ganda dito Priam. Anong resort 'to?"


"I owned it. This is my private resort."


Ang ganda ang aliwalas ng hangin tapos ang linis pa ng tubig dagat may mga malalaking bato rin don.


Dinala ako nito sa isang bahay roon. Dalwang palapag ito. Nang pumasok kami sa loob ay nadatnan namin ang isang babae. Medyo ma edad na ito.


"Andito ka na pala hijo. Sino yang kasama mo."


"Manang selia this is Jia, my wife. Jia this is manang Selia she's the caretaker of this house."


"Hello po."


"Aba'y kaganda mo namang hija. Hindi man lang sinabi nitong batang 'to na ikinasal na pala sya." Tukoy nya kay Priam.


"Hindi---"


"Sorry manang delia, biglaan din kasi yung pagpapakasal naming dalwa." Pinutol ni Priam ang sasabihin ko at inakbayan ako.


"Oh sya sige. Nag handa na ako ng pagkain nyo jan. Hanggang hapunan nyo na iyan. Dahil alas dos na rin naman. Babalik na kamang ako bukas ng umaga." Sabi nito at umalis na.


Tinadyakan ko ang binti ni Priam. Napaihik naman ito sa sakit.


"Hoy! Anong sinasabi mo dan na kasal tayo ha! Ang kapal mo!" Asik ko.


"Bakit ayaw mo ba nang nagkukunwari lang? Sabihin mo lang handa naman kitang pakasalan." Pilyong sabi nito.


"Ewan ko sayo! Bahala ka dan kakain na ako." Iniwan ko na ito sa sala at dumiretso sa kusina.


Naghain ako ng pagkain naming dalwa. Syempre kahit naman nakakainis yung lalaking yon di ko parin natitiis.


Sumunod naman ito sa kusina. Umupo na ako para makapag umpisang kumain. Naghila naman sya ng upuan sa tabi ko.


"Anong oras pala tayo uuwi?" Tanong ko habang kumakain.


"We're staying here for two weeks."


"Ano?! May trabaho pa tayo anong stay-stay ka dyan."


"Isipin mo nalang na nasa bakasyon ka tsaka hindi naman babagsak akong company ko kung mawawala ako for 2 weeks."


"Baliw ka ba?! Wala akong dalang damit. Basta-basta ka nalang kasi punta sa bahay tas dadalhin mo ako dito. Nasan ba tayo?"


"Batangas. Don't worry about your clothes, you can use mine. Okay lang din naman sakin kung hindi ka na magdadamit."


"Gago." Tanging sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain.



SAJIYANG

Deception Series: Priam Carrius AckerWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu