Chapter 13

41.7K 768 244
                                    

CHAPTER 13


Kinabukasan ay nagising ako dahil sa mumunting halik na dumadampi sa mukha ko. Pagkamulat ko ng mata ay nakita kong si Priam yon.


Bumalik lahat sa akin ang nangyari kagabi kaya agad akong nagtalukbong ng kumot dahil sa hiya.


"Hey, bakit ka nagtatago dan." Pilit nitong tinatanggal ang kumot sa akin. Nang mapagtagumpayan nyang tanggalin ang kumot sa akin ay hinawakan nito ang magkabila kong pisngi.


"Nahihiya ka ba? Bakit may dapat ka bang ikahiya."


"Eh kasi... Nakakahiya naman talaga." Akma akong babangon sa kama nang mapaigik ako dahil masakit ang nasa gitna ng mga hita ko. Pati ang katawan ko ay parang binugbog.


"Aray!! Ang sakit Priam!!"


"Wag ka munang kumilos ng kumilos." Tinulungan ako nito na makaupo ng maayos at mapasandal sa headboard.


"Kasalanan mo 'to! Bakit kasi ang laki laki nang alaga mo! May pa I'll be gentle ka pang nalalaman!"


Humagikhik naman ito dahil sa sinabi ko. Kinuha nya ang tray na may lamang pagkain sa mini table roon at dinala sa akin.


"Kain ka na, alam kong nagugutom ka na. Hindi tayo nakapag hapunan kagabi."


"E ikaw kasi! Ang hilig hilig mo isipin mo naman nagsimula tayo nang alas siete tapos alas singko mo na ako tinigilan! Sino bang hindi magugutom don!" Inirapan ko ito dahil sa inis.


"Kaya nga kailangan mo nang kumain, luto yan ni Manang selia."


"Huh? Bakit anong oras na ba?"


"Alas dos ng hapon."


"Ha?! Alas dos na?!" Tumango ito.


"Hindi na kita ginising kanina dahil alam kong pagod ka."


Umiwas naman ako nang tingin dahil naaalala ko ang mainit na pinagsaluhan namin kagabi. Ano bang nangyari sakin nasapian ata ako. Binigay ko pa ang V ko e halos ilang linggo palang kaming magkakilala.


Hindi ko na ito pinansin at nagsimula nang kumain. Ni hindi ko ito tinitingnan dahil nahihiya ako. Nakuha nya na ang gusto nya sakin, itatapon nya nalang din ba ako basta-basta? I mean diba ganon naman yung mga mayayaman at gwapong lalaki. Pagkatapos ikama ay papabayaan nalang bigla.


Wala naman akong narinig na balita tungkol sa kanya kung marami ba syang niloko o na ikama na babae dahil wala naman ako sa posisyon para maki usisa. Pagkatapos kong kumain ay uminom na ako ng tubig.


Kinuha nya naman ang pinagkainan ko at dinala ito sa labas. Pinilit ko ang sarili ko na tumayo kahit sobrang kirot ng pagkababae ko. Kumakapit na lang ako sa mga mahahawakan ko para umalalay sa akin. Ngunit hindi pa ako nakakadalwang hakbang ay natumba na ako. Shit kasi ang landi-landi mo jia edi ayan di ka makalakad ngayon.


"Jia!" Tawag ni Priam nang makapasok ito sa kwarto. Nagpanic sya dahil nakita nya ako sa sahig.


Pilit nya akong inalalayan pero tinatanggal ko ang mga kamay nya sa akin. Kaya mo 'yan jia.


"Jia, hayaan mo akong alalayan ka." Hinawakan uli ako nito upang tulungang tumayo pero tinanggal ko ito.


"Bitawan mo ako. Kaya ko ang sarili ko Priam."


Kumapit ako sa may gilid ng kama at pinilit na tumayo pero nabigo ako. Nagulat nalang ako na lumulutang na ako sa ere. Binuhat nya ako ng pa bridal style.


Deception Series: Priam Carrius AckerWhere stories live. Discover now