Chapter 4

38.6K 866 229
                                    

CHAPTER 4


Ngumisi ang isa sa kanila at lumapit sakin. Nanlaki ang mga mata ko nang akbayan ako nito.


"Madigal hindi mo naman sinabi na may maganda ka palang empleyado dito." Sabi nito gamit ang baritonong boses.


Tiningnan ko ito. May tattoo ito sa braso pati sa leeg nya. Ang hot grabe. Bakit hindi nila sinabi na pwede palang maging ganto ka hot ang datingan ng may tattoo.


Nang lingunin ko ang mga kasama nya ay tumatawa lamang ang isa don. Mukha syang anghel literal. Mukhang di makabasag pinggan yung lalaking yon tapos yung mga ngiti nya grabe talaga.


Tiningnan ko naman si daddy-- este yung lalaki. Gago mukhang nasasanay na akong tawaging daddy itong mokong na ito ah.


Madilim ang ekspresyon nitong tumingin dito ko Mr. Hottie.


"Back off, Mortel." May diin na boses nito.


Tumawa lang si Mr. Hottie at inalis ang pagka akbay sa akin.


"A-ah sir, sige po mauna na ako." Naiilang na sabi ko.


"Where do you think you're going?" Sabi nito na ikinatigil namin. Maging si Sai ay tiningnan ako nang para bang nagtatanong.


"Magtatrabaho malamang, anong gagawin ko dito mag coconcert." Sarkastikong sabi ko.


Agad nanlaki ang mata ko nang walang prenong sabihin iyon.


"Pwede naman, may alam akong mic na pwede mong gamitin." Pagkausap nito sa akin na para bang kami lang ang tao don.


"Huh?"


Tumawa ang mga kaibigan nya habang ako naman ay gulong-gulo.


Tumingin naman ito sa pants nya. Pusang kinalbo?? Ibig sabihin yung ano nya gagawin kong mic? Agad na nag-init ang pisngi ko dahil don.


"Ang bastos mo! Sana pala hinigpitan ko nang pagkakatali yang mga kamay mo dun sa kama para di ka na nakawala!" Inis na sabi ko.


"Damn. So ikaw pala yung nagtali sa kanya?" Tanong ni Mr. Angelic. Mukha kasi syang anghel e tapos mag glasses din sobrang gwapo.


"HAHAHAHA naaalala ko pa yung itsura ni Priam habang nakatali sa kama." Pag tawa naman ni Mr. Hottie.


Sa sobrang hiya ko ay nagdire-diretso ako papuntang pinto. Hinigit nito ang kamay ko.


"Nabitin ako kagabi alam mo ba yon?" Sabi nito habang may naglalarong ngiti sa labi.


"May kamay ka naman. Bakit hindi yan yung gamitin mo. Nabitin ka pala edi magsarili ka."


Pagkatapos non ay dire-diretso na akong umalis. Anak ng tokwa sigurado akong uusisain ako ni Sai nang dahil don.


"Oh san ka galing. Bakit para kang pinagsakluban ng langit at lupa." Pang aasar ni Amarah.


"Gaga, kung pwede nga lang umakyat ng langit ginawa ko na."


"As if naman tatanggapin ka don?" Sabat ni sav.


"True, baka pabalikin ka lang ni San Pedro dito sa lupa."


"Ewan ko sa inyo." Pinagsawalang bahala ko nalang ang mga sinabi nila.


Bumalik na ulit ako sa pagtatrabaho at inabala ang sarili para makalimutan ang nangyari kanina.


Hay buhay bakit kasi nakita ko pa sya. Ang tanga ko lang kasi bakit ko pa pinakita yung mukha ko sa kanya kagabi. Malay ko bang magkikita ulit kami.


Isipin nyo yon kung gaano kalaking kahihiyan para sa akin. Dapat pala nilimis ko na ng unan yung lalaking yon. Sana lang talaga ay wag akong siraan non sa boss namin dahil lagot talaga ako. Hindi ko alam kung san ako pupulutin at baka ang malala pa ay sisantihin ako non. Magkakaibigan pa naman sila.


Pero infairness ang gwapo nya talaga. Gwapo din naman yung mga kaibigan nya pero iba kasi yung dating nya sakin e. Parang kapag titingnan mo sya masaya na yung araw mo. Argh ano ba jia umayos ka nga. You must stay focus jia, Stay focus.


Ilang beses kong isinantabi ang pag-iisip ko dun kay daddy—I mean sa mokong na lalaki na yon pero paulit-ulit nagrereplay sa utak ko yung mga kagagahan ko.


Napababa ang tingin ko sa dibdib ko. Nag init ang mukha ko nang maalala na ipinasubo ko pala sa kanya yon.


Mygosh wala nga akong anak pero may dumedede naman sa suso ko. Giatay talaga. Tapos.. tapos... yung ano pa shit. Kiniskis ko pa yung ano ko. AaaAhhHh! nakakahiya talaga.


Siguro doppelganger ko lang yon. Hindi ako yon. Pangungumbinsi ko sa sarili ko. Eh kasi naman bakit ang hina ko naman humiling. Dapat ba akong mag wish sa balon para di ko na ulit sya makita.


Maghapon akong lutang dahil sa mga iniisip ko. Namalayan ko nalang na uwian na pala. Ganon na lang ba talaga ang epekto sakin ng lalaking yon.


Ni ngayon ko nga lang na realize na nagpa-alam na sakin si Sav na mauuna na syang umuwi. As in ngayon lang nag sink in sa utak ko.


Tumayo na ako at niligpit ang mga gamit ko. Pinatay ko na rin ang computer ko. Kinuha ko ang shoulder bag ko.


Pumara ako ng taxi. Nang makasakay ako roon ay napatitig ako sa cellphone ko dahil nag text nanaman ang pisteng stalker ko.


'Goodnight love, have a safe ride..'


Ano ba 'to dumadagdag pa sa sakit ng ulo ko. Kaka stress ha. Ano ba kasing trip nito at naisipan na maging stalker ko. Daig pa nagkakatol e.


Nang makarating na ako malapit sa amin ay nagbayad na rin ako kay manong driver.


Inaayos ko ang shoulder bag ko nang may maabutan akong lalaki sa tapat ng pintuan namin.


Huli ka sakin.




SAJIYANG

Deception Series: Priam Carrius AckerWhere stories live. Discover now