Chapter 6

36.5K 824 112
                                    

CHAPTER 6


Ang tigas ng pader. Nag-angat ako ng mukha para makita kung san ako bumangga. Hay bakit kasi may pader dito e daanan to.


Nang sulyapan ko kung ano iyon ay tumambad sa akin ang lalaking ayaw ko nang makita. Hinilot ko ang aking noo dahil masakit iyon.


Hinawakan nito ang kamay ko na nasa aking noo. Tinanggal nya iyon at ang mga kamay nya naman ang pinalit.


"Fuck! Masakit ba?" Balisang tanong nya.


Baliw ba sya? Malamang masakit e katigas-tigas ng dibdib nya e. Feeling ko kapag hinawakan ko yon ano— haha joke lang. Pero syempre para hindi na humaba ang usapan tsaka pogi naman sya, okay lang.


"Hindi, okay lang. Sige una na po ako."


Naks diba. Syempre ka sosyo sa negosyo yan ng boss namin e baka siraan ako edi mapapatalsik ako sa trabaho.


Lalampasan ko na sana sya nang makita ko na kasama nya si Mr. Hottie at si Mr. Angelic. Omg talaga bakit ang gwapo nilaaaa!!!


"Jia." Lumingon ako sa likod ko. Si amarah.


Agad ko naman hinila ito.


"Ah, sige po mga sir mauna na kami."


Akmang aalis na kami nang may tumawag naman saming dalwa. Ano ba 'to. Nakita namin si sai kasama si sav.


Inenjoy na ata ni sai ang pagdalaw sa kanyang darling ah.


"Wow tingnan nyo nga naman. Apat na magkakaibigang malandi." Sabi ni Gina.


Napakunot naman ang noo ko nang magsalita ang hipokrita naming ka trabaho kasama rin ang tatlo nyang alipores.


"Problema mo?" Tanong ko.


"Andito pala si sai, wow akalain mo yon. Dating pokpok na empleyado lang noon, asawa na ng CEO ngayon." Dagdag pa nito na ikinatawa ng mga impaktang alipores nya.


Duh hindi ba sila nahihiya? Nasa likod lang namin yung mga kaibigan ng boss namin. Tss.


"Hoy! Gago ka ah!" Sigaw ni Amarah. Pinigilan ni Sai ito.


Humarap si Sai sa mga hipokritang kala mo kung sino.


"Naiinggit ka ba?" Tanong si Sai.


"Ano naman kakainggitan sayo Sai? Yang kapokpokan mo?" Tawa ni Gina.


"Well, sabi mo nga pokpok ako. Naiinggit ka ba kasi ako umasenso, samantalang ikaw pokpok na nga mahirap pa?"


Natawa kaming tatlo sa sinabi nya.


"Mukha ka kasing pera! Pineperahan mo lang si boss!" Asik nito.


"Eh ikaw nga mukhang tanga nagreklamo ba ako?"


Sa sobrang inis ni gina ay sinugod nya si sai. Nagsabunutan yung dalwa. Hindi naman nagpatalo si sai at dinag-anan ito.


Maging kaming tatlo ay umawat na. Inawat ko sila pero hinila ko rin yung buhok ni gina.


Sa ginawa kong yon ay may humila rin sa akin sa likod. Isa yon sa impaktita na kasama ni gina. Syempre hindi ako nagpatalo. Sinikmuraan ko yung babae. Agad naman na napa igik ito.


Madami nang mga empleyado doon na nanonood samin. Wow ano 'to live show. Si sav at amarah ay nakikipagbakbakan na din.


Inaawat naman kami nung mga kaibigan ni boss.


"Ano ba! Bitawan mo ako, tatadyakan kita dan tingnan mo!" Asik ni sav kay Mr. Angelic dahil inaawat sya nito.


Ako naman ay di na makawala sa pagkahawak sakin nitong mokong na 'to. Sinubukan kong kagatin ito kaya natanggal ang pagkakapit nito sakin. Binalikan ko yung babaeng humablot sakin at sinapak ko sa muka.


Nang tingnan ko kung nasan si Amarah ay sinipa nito ang paa ni Mr. Hottie. Binalikan nya yung kaaway nya at kinaladkad.


Habang si Saina naman ay hinila patayo si Gina at inumpog sa pader. Shutaaaaa!! Go frenny!! Wooohhh kaibigan ko yan!!


"Anong kaguluhan 'to."


Pare-parehas kami napatigil nang marinig ang boses ni boss. Halaaaa!!!


"Fuck!" Sigaw ni logan at nagmamadaling nilapitan si Sai. Wow katamis naman.


"Anong nagyari dito?!" Galit na tanong ni logan.


"Sir, Sila saina po ang nanguna bigla nalang nyang hinablot yung buhok ko." Sabi ni gina. Ampota hindi pa nadala nung iumpog sya sa pader, gumagawa pa talaga ng kwento.


"Hoy! Ikaw impaktita manahimik ka dan kung ayaw mong tapyasin ko yang bunganga mo!" Sigaw ni Amarah.


"Tama na yan. Sumunod kayo sa office ko ngayon din." Nag dire-diretso na itong naglakad kasama si sai.


Habang ang tatlong kaibigan naman ni boss ay nakahawak sa braso namin nila ams at sav.



"Bitaw." Naiinis na saad ko.




SAJIYANG

Deception Series: Priam Carrius AckerWhere stories live. Discover now