Chapter 8

36.8K 794 103
                                    

CHAPTER 8


Nang dahil sa nangyaring gulo ay pinag half day nalang kami ng boss namin para makapag pahinga raw kami. Nauna nang umuwi si Amarah dahil nagkaron daw ng emergency ang dada nya.


"Una ka nang umuwi, jia." Saad ni Sav.


"Huh? Bakit san ka pupunta?"


"Dadalawin ko lang si lira." Malungkot na saad nito.


"Gusto mo bang samahan kita?" Pag-aalala ko.


Umiling ito. "Hindi na, kaya ko na." Nginitian ako nito kahit alam kong puno ng sakit iyon.


Tumawag na ako ng taxi upang magpahatid sa apartment. Papasok na sana ako ng taxi nang may nagtext nanaman sa akin. Binuksan ko ang mensaheng iyon.


'Treat your bruises, love.'


Luminga-linga ako para hanapin baka nandito lang sya palagi. Namataan ko si Cloud na nakatingin sa akin. Nginitian ako nito. Kaya sinuklian ko rin yon.


Sumakay na ako sa taxi. Nagpahatid ako sa apartment na tinitirhan ko. Binuksan ko ang pintuan gamit ang duplicate na susi. Mayroon kaming sariling susi ni Sav.


Kumalam ang sikmura ko. Naalala kong wala pa nga pala akong tanghalian. Nagbihis ako ng pambahay at kinuha ang wallet ko. Bibili na lamang ako sa karinderya dan sa labas.


May nag doorbell. Nagtaka naman ako kung sino yon. Dahil si sav naman ay nasa sementeryo. Ipinagkibit balikat ko nalang ito at binuksan ang pinto.


Walang taong tumambad sakin ngunit may supot sa harap ng pinto namin. Supot yon ng jollibee ah. Kinuha ko naman ito. May nakadikit dito na sticky note. Binasa ko naman iyon.


'Eatwell, love. Alam kong di ka pa kumakain.'


Wow menos gastos ako ah. Bait naman ng stalker ko. Sana walang lason. Napangiti na lamang ako at kinuha ang supot. Tiningnan ko ang cellphone ko at tinext ko kung sino man yon.


'Thankyou.' Sinend ko iyon sa kanya. Wala pang isang minuto ay nag reply agad ito.


'I love the way you smile, love. You should eat na, it's already 1 pm.'


Hinayaan ko na iyon dahil gutom na talaga ako. Nilantakan ko naman ang pagkain na iyon. Nang matapos akong kumain ay niligpitan ko ang mga plato na ginamit namin ni sav kaninang umaga.


Salamat naman at walang lason yung pagkain. Buhay na buhay pa ako oh. Ewan ko ba sa stalker na yun. Pwede naman syang magpakilala. Di ko pa nga sya kilala 'love' na agad ang endearment. Hokage yarn.


Pero syempre an appreciate ko naman yung pagbibigay nya ng kung ano-ano sakin. Pati yung mga pagtetext nya kung okay lang ako ganon. Wow. Tapos daig ko pa may bodyguard halos 24/7 na nakabantay. O diba atleast alam kong safe ako.


Nang matapos kong ligpitan ang mga plato ay dumating na rin si sav. Tiningnan ko ito. Halata sa kanya na galing sya sa pag-iyak. Nilapitan ko ito at niyakap.


"Hushh... Tahan na sav." Pag-aalo ko sa kanya habang umiiyak.


"Kumain ka na ba? May fast food dan. Ihahanda ko lang ang pagkain mo ha." Hinawakan ko ito paupo sa upuan.


Mabuti na lang ay dalwang order ang ibinili sakin ni Mr. Stalker. Pinaghandaan ko sya ng pagkain at tubig.


"Kain ka na sav, sige ka malulungkot si Lira kapag nagpalipas ka ng gutom." Tumango naman ito at nag-umpisang kumain.


Dahil sa imapaktitang gina na yan kaya nanumbalik lahat ng sakit. Bwiset kasi e. Pinaalala pa, nandamay pa ng nananahimik na tao pag talaga nabadtrip ako dan gigripuhan ko yan sa tagiliran.


Nang matapos si Sav ay pinainom ko na ito ng tubig.


"Ako na ang magliligpit nito, magpahinga ka nalang sa kwarto mo."


"Salamat jia." Dumiretso na ito sa kanyang kwarto sa taas. Habang ako ay niligpit ang pinagkainan nya.


Napagpasayahan ko na rin na dumiretso sa kwarto. Kinuha ko ang ointment na kasama sa supot. Ipinahid ko iyon sa mga sugat ko.


Sakit ng katawan ko. Akalain mo yon nakakapagod pala makipag bugbugan. Kinakabahan na ako para bukas dahil panigurado kaming tatlo ay malalagot. Syempre dahil sa ginawa namin kaya may kaakibat na parusa yon. Pero nagpapasalamat parin ako dahil hindi kami tinanggal sa trabaho. Laki pa naman ng sahod dun.


Hinila na ako ng antok. Hindi ko namalayan na napahaba na pala ang tulog ko. Nang tingnan ko ang oras sa cellphone ko ay alas siete na ng gabi!


Dali-dali akong bumaba. Wala pa kaming sinaing lagot. Ngunit pagbaba ko naman ay nagluluto na si sav ng ulam.


"Sorry, sav napahaba ata ang tulog ko."


"Okay lang, nakapagluto na ako ng kanin hintayin nalang natin 'tong ulam. Malapit na 'to."


Tumango naman ako sa kanya. Pumunta muna ako sa may sala at binuksan ang tv. Pero maya-maya ay pinatay ko rin. Ang boring ng palabas puro kabitan.


Tinawag na ako ni sav para kumain. Gaya ng palagi naming ginagawa. Pagkatapos kumain ay magliligpit tapos balik nanaman kami sa kwarto.


Binuksan ko ang cellphone ko dahil nagchat si Ams sa gc.


Amarah alexynne:
Kinakabahan ako para bukas, baka sesantihin tayo😭

Sajiax Preal:
Same, kanina ko pa nga yan iniisip.

Arriesta Savirah:
Sai... baka naman.

Crizsaina Medusa:
Don't worry guys, ako ang bahala. Pag sinesante kayo hindi ko sya papatulugin sa kwarto. Dun sya sa guest room.😏

Sajiax Preal:
Sira, anyare kila gina? Tanggal na talaga? As in babush na?

Crizsaina Medusa:
Yup.

Amarah Alexynne:
Desurv bitch.

Arriesta Savirah:
Mga gago HAHAHAHA. Agree.




SAJIYANG

Deception Series: Priam Carrius AckerWhere stories live. Discover now