Chapter 5

38.2K 800 246
                                    


CHAPTER 5


Agad kong tinakbo ang pagitan papunta sa harap ng pinto namin. Mukang naalarma ito at biglang tumakbo.


Pero dahil malapit na ako sa kanya ay hindi ito nakalayo nang higitin ko ang damit nya.


Pinapahirapan mo pa ako ha.


Nagtaas ito ng dalwang kamay na para bang ipinapakitang suko na sya.


"Sino ka?" Tanong ko. Habang hawak-hawak ang kwelyuhan ng damit nito.


Nanatili itong tahimik at hindi umiimik.


"Magsasalita ka o bibigwasan kita?" Inis na saad ko.


"Ma'am sorry po napag utusan lang."


Kumunot ang noo ko at tinanggal ang cap nito at ipinaharap sa akin. May kaedaran na itong lalaking ito siguro nasa 40's.


"Anong ginagawa mo sa harap ng pinto namin ha?!"


"Ma'am maniwala po kayo napag utusan lang akong ilagay yang mga rosas at tsokolate sa harap ng pinto nyo."


"At bakit naman ako maniniwala sayo ha? Malay ko bang baka ikaw yang nagpapadala ng nga yan."


"Ma'am pamilyadong tao na po ako, kaya malabo po yang sinasabi mo."


"Kung ganon––sinong nag utos sayo?"


"Ah hehe ma'am, yun lang po di ko po kilala e. Hindi po sya nagpakita ng mukha sakin."


"Pinaglololoko mo ba ako ha?!"


Tumunog ang cellphone ko at naka recieve ng text.


'Wag mo nang subukang alamin kung sino ako love, mapapagod ka lang. I don't want you to waste your energy. Just rest love, I know you're tired from work.'


Sa sobrang irita ko ay binitawan ko ang lalaki at sumigaw.


"Bwiset ka!! Sino ka ba kasi!! Pag talaga nahagip kita sasakalin kita nonstop!"


Inis na nagpapapadyak ako pabalik sa apartment namin. Nakakabadtrip! Dagdag pa sya sa iisipin ko! Padabog kong kinuha ang mga rosas at tsokolate, Sayang rin yon.


"Sav!" Pagtawag ko rito.


"Oy? Nandito ako sa kwarto beb, kain ka nalang dan." Sagot nito.


Nagpasya muna akong kumain bago magbihis. Habang kumakain ay para akong timang. Bakit kasi nagsabay sabay pa yung mga iniisip ko. Wala na nga akong utak eh.


Nang matapos akong kumain ay niligpitan ko na ang mga plato at umakyat na sa taas.


Nag stress eating muna ako. Kinain ko yung mga chocolates na binigay sakin. Pasalamat nalang talaga ako at walang lason to kundi matagal na akong pinaglalamayan sa katakawan ko.


Nang magsawa at mauta ako sa sobrang tamis ay tsaka nalang ako naglinis ng katawan at nagsipilyo. Nabihis na rin ako ng pantulog.


Humiga muna ako at nag scroll sa fb. Nang mabored ako ay napalipat ako sa tiktok. Hanggang sa hilahin na ako ng antok ko. Nag alarm muna ako bago tuluyang makatulog.


Naramdaman kong may humalik sa noo ko.


"Goodnight love." Yun ang huling narinig ko.


Maaga akong nagising dahil ako ang magluluto ng almusal namin ngayon. Nagprito lang ako ng itlog at hotdog. Sinangag ko rin yung tirang kanin kagabi.


Pagkatapos kong magluto ay dumiretso na ako sa banyo para maligo at magbihis ng uniform sa trabaho. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Ang ganda ng panaginip ko may humalik daw sakin sa noo. Huhu sana lang hindi sya maligno.


Nagkakakanta pa ako habang naliligo. Nang lumabas ako ng banyo ay nagbihis na ako at pinatuyo ang basa kong buhok.


Bumaba na ako papuntang kusina saktong kasabay ko si Sav. Kumain na kaming dalwa. Nang matapos kami ay ibinabad muna namin ang mga plato sa maliit na planggana na may tubig dahil mamaya pa namin ito liligpitan pag uwi.


Nagsuklay ako ng aking buhok ganon din si sav. Nag lagay lang rin ako ng konting lipstick, ayan ayos na.


Sabay kaming pumasok at nagtawag ng taxi. Dumiretso na kami sa kanya kanya naming cubicle.


Panibagong araw, panibagong trabahong nag-aabang. Bumili muna ako ng kape para naman may pampa gana kumbaga. Umupo muna ako sa cafeteria habang umiinom ng kape.


"Uhm, miss pwedeng makiupo?" Natawag naman ang aking pansin ng isang lalaki sa harap ko.


Hindi sya pamilyar siguro ay baguhan pero baka di ko lang talaga sya nakikita.


"Ok lang naman." Umupo na ito sa katapat na upuan.


"By the way, I'm ian." Naglahad ito ng kamay sa akin at tinanggap ko naman.


"Jia." Nginitian ko ito.


Sa saglit na oras na pagkikita namin ay nagkraon din kami ng kwentuhan tungkol sa ibang bagay.


Dinampot ko ang cellphone kk nang mag vibrate ito.


'Stay away from that man love, you don't know how much I hate it.'


Luminga-linga naman ako sa paligid. Hanggang dito ba naman nakasunod sya?


Napadako ang tingin ko kay Cloud. Hindi ko alam kung namalik mata lang ako pero nakita kong masama ang titig nito sa amin. Ngunit mabilis din itong nawala at ngumiti.


Naglakad sya papunta sa direksyon namin. At masayng bumati.


"Goodmorning Jia." Bati nito sa akin.


"Morning."


"May iba ka palang kasama dito ah." Sarkastikong sabi nya.


"Ah oo, si ian. Ian si cloud, dito rin sya nagtatrabaho pero sa ibang department. Cloud si Ian, bago lang sya dito."


Tumingin ako sa relo ko. Hindi ko namalayan yung oras shems.


"Mauuna na pala ako, may gagawin pa ako eh. Sige dan na kayo."


Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila dahil nagmamadali na ako.


Lakad takbo ang ginawa ko hanggang mabangga ako sa pader. Pader nga ba?



SAJIYANG

Deception Series: Priam Carrius AckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon