Chapter 16

32.7K 647 150
                                    

CHAPTER 16


"Mag-iingat kayo don ha." Pagpapaalala ni manang selia.


Ngayong araw ang balik namin ni priam sa maynila.


Muling pinagmasdan ko ang ganda ng tanawin dito. Mamimiss ko 'to.


"Kayo rin ho manang." Sagot ko sa kanya. Tumango naman ito.


Nang makalapit ako sa sasakyan ni priam ay pinagbuksan ako nito ng pinto.


"Careful baka mauntog ka." Sabi nya habang hawak ang ulo ko para protektahan.


Isinara nito ang pinto ng kotse at umikot patungong driver's seat. Binuksan ko ang bintana at muling kumaway kay manang.


Nag-umpisa nang magmaneho si priam. Ang suot ko ay ngayon ay ang damit na sinuot ko papunta rito. Kung bakit ba naman kasi hindi sinabi ni priam na may free vacation pala edi sana nakapaghanda ako.


"You can sleep muna, maaga pa naman. Dalwang oras pa ang byahe." Sabi nito sa akin.


Umiling nalang ako sa kanya bilang pag tanggi dahil hindi naman ako inaantok. Sa halip ay nagpatugtog na lamang ako.


"Matagal na ba kayong magkakakilala nila sai?" Biglang tanong nito.


Nilingon ko ito at tiningnan.


"Uhm, oo mag 3 years narin siguro."


Doon na nagsimula ang topic namin tungkol sa aming magkakaibigan. Sya naman ay nakikinig lang sa mga sinasabi ko. Nagtanong sya ng tungkol sa mga kaibigan ko kaya nagkwento ako sa kanya.


"Si ams naman isang taon na rin siguro sila ni vraxx."


"Ah di naman ganon katagal." Komento nya.


"Matagal na rin yon, hindi biro ang isang taon."


"Paano kung hindi talaga sila? Baka sila talaga ni vlad." Kibit balikat na sabi nito.


"Huh? Hindi yon pwede no, bukod sa kapatid ni vraxx si vlad, mahal na mahal ni ams si vraxx at ganon din sya kay ams. Mahal nila ang isa't-isa kaya malabong maghiwalay yon."


"Gaano ka kasigurado na mahal nila ang isa't-isa?" Kumunot naman ang noo ko sa tanong nya.


"Kasi nakikita ko?" Patanong na saad ko.


"Para silang si sai at logan." Dagdag ko pa.


Tinignan nya ako na parang nagtatanong at nagbalik na rin ng tingin sa kalsada.


"Kasi si logan parang snob eh walang pakielam sa iba, pero tiklop kay sai tsaka sobrang maalaga sya kay sai."


"Yeah right." Sabi nya.


"Eh yung isa mong kaibigan, si sav??" Tanong nya.


Nagtaka naman ako kung bakit panay ang tanong nya tungkol sa mga kaibigan ko lalo na sa mga lovelife nito.


"Si sav... wala namang boyfriend yon pero may gusto don si henron yung kaibigan nyang lalaki, kababata nya kaso masyadong torpe kaya ayun walang ganap sa kanilang dalwa. Pero sobrang malapit sila sa isa't-isa."


"Eh kayo nila red gaano na kayo katagal na magkakaibigan?" Usisa ko.


"Childhood friends. Magkakaibigan din ang pamilya namin dahil sa business kaya ayon."


Yung ang huling topic naming dalwa.


Hinatid nya ako sa apartment ko. Pinapasok ko rin sya sa loob para makapagpahinga muna saglit dahil pagod sya mag drive.


"Ahm.. dito ka lang muna magpapalit lang ako ng damit." Sambit ko sa kanya.


Iniwan ko sya roon sa sala ako naman ay dumiretso sa cr ng kwarto ko para mag half bath.


Nang matapos ako ay lumabas ako ng cr.


"Ay gago!!" Bulalas ko nang makita si Priam na prenteng nakaupo sa kama ko.


"Hoy priam! Anong ginagawa mo rito? Sabi ko hintayin mo ako dun sa baba."


"Nainip ako e." Sagot nya.


"Lumabas ka muna magbibihis ako!"


Pinasadahan nya naman ng tingin ang katawan ko.


"Nakita ko na naman yan."


Tiningnan ko ito ng masama kaya wala na itong nagawa kundi lumabas.


Nang makapag bihis ako ay bumaba na rin ako sa sala dala ang cellphone ko.


"Nagpadeliver na ako ng makakain natin." Ani priam.


Tumango naman ako at umupo rin sa sofa na naroon sa sala. Sya naman ay nanonood lang ng TV.


Kinuha ko ang cellphone ko nang may mag text roon.


From Unknown:
Hi Jia!


Nagtaka naman akk kung sino yon kaya nireplyan ko.


To Unknown:
Hello? Ah, sino ka?


From Unknown:
Ulap.


Si Cloud lang pala... Wait pano nya nalaman number ko? Pinaltan ko ang name nya sa contacts ko


To Cloud:
Uy musta? San mo nakuha number ko?


From Cloud:
Matagal ko nang alam number mo sinabi sakin ni sav, kaso ngayon lang ako nagkaron ng lakas para mag text.


Natawa naman ako sa sinabi nito. Nahihiya? Bakit.


To Cloud:
Baliw.


"Sino yan?" Tiningnan ko si Priam na ngayon ay salubong na ang kilay.


"Kaibigan." Sagot ko at bumaling ulit sa cellphone ko.


Napasinghap naman ako nang bigla nyang agawin ang cellphone ko.


"Priam ano ba?! Ibigay mo sakin yan."


"Kaibigan? Lalaki?" Asik nya.


"Anong masama don?"


"Wag ka nang magreply." Ma-awtoridad na sabi nya.


"At bakit hindi? Anong problema mo ha?!" Inagaw ko ang cellphone ko sa kanya.


"Ang sabi ko wag ka nang mag reply!!" Nagulat ako sa lakas ng boses nya.


Tiningnan ko ito dahil natatakot ako. Natatakot ako sa sobrang lakas ng boses nya.


Siguro ay nakita nyang natakot ako kaya biglang lumambot ang ekspresyon nya.


Agad itong umupo muli at tinabihan ako. Hinawakan nito ang aking mukha.


"Sorry love..." Pagsusumamo nya.


"Wag mo nalang kasi syang replyan hmmm..." Malamlam ang mga mata nyang nakatitig sakin.


Hindi ko alam pero nahabag ako sa ekspresyon na ipinapakita nya. Tumango ako sa kanya at itinabi ang cellphone ko.


"Sorry din, hindi ako nakikinig." Paghingi ko ng tawad.


Ngumiti naman ito at hinaplos ang mukha ko.


"Mamaya pag-uwi ko, magtetext ako sayo kada minuto para ako nalang ang replyan mo hmm, ako nalang ang itext mo wag iba."


Gosh Lord ang swerte ko naman sa lalaking 'to. Sana wag mausog.



SAJIYANG

Deception Series: Priam Carrius AckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon