Chapter 7

37K 852 287
                                    

CHAPTER 7


Magkakatabi kaming apat habang katapat naming yung apat na hipokrita. Para kaming highschool students na pinatawag sa guidance office.


Nakatayo si Logan habang galit na nakatingin sa amin. Para syang Professor na pinapagalitan kaming estudyante habang ang tatlong kaibigan nya ay nakatayo rin sa gilid nya.


"Anong dahilan nyo para mag-away sa mismong company ko?!" Lahat kami ay natahimik dahil dumagundong ang boses nito.


Nang tingnan ko si Sai ay parang wala lang sa kanya. Ang apat na hipokrita naman ay nanginginig na sa takot. Maging kami naman nila Amarah at Sav ay natakot rin. Yung boss kasi namin hindi sya yung tipong palabiro, tingnan mo palang matatakot ko na eh.


"Sir, sila naman po ang nanguna. Si sai bigla nalang nya akong sinabunutan." Pagpapa awa ng mukang tukmol na si gina.


Inirapan lang ito ni Sai na parang walang pakielam sa nangyayari ngayon.


"Pinagsasabi mo dyan? E sinabihan mo nga kaming malandi, well totoo naman pero hindi lang talaga namin matanggap na maririnig namin yung mga salitang yon na galing sayo na 10× ang kalandian kesa samin." Ani Amarah.


"Oh bakit? Totoo naman ah. Yan si Savirah, natural na malandi na yan kaya nga namatay yung kapatid nya kasi mas pinairal ang kalandian."


Lumapit si sav dito at binigyan ito ng mag-asawang sampal. Sa sobrang lakas non ay nag echo sa office at lahat ay natahimik. Ni walang sumubok na pigilan. Wala kasi sa amin ang sumusubok na buksan ang topic na yon tungkol sa kapatid nya.


Dahil alam namin na kahit 2 years ago na nangyari yon ay sariwa parin sa kanya lahat ng sakit.


"Ako nang gigigil na sayo! Huwag na huwag mong idadamay ang kapatid ko dito kung gusto mo pang makauwi ng buo sa inyo!"


Inawat sya ni Mr. Angelic. Sinamaan nya ito ng tingin. Pinabalik sya nito sa dati nyang kinakaupuan.


"Kayong apat." Itunuro nito sila gina and the cockroaches. "Ligpitin nyo na ang mga gamit nyo at wag na wag na kayong babalik dito!"


"S-sir..." Usad ni gina.


"Why? Are you against with my decision?" Sabi nito habang naka poker face.


Sa takot nung apat ay dali-dali silang naglakad paalis.


"Kayong apat. Lalo ka na Sai. You guys should face your own consequences."


"Oh bakit? Sesesantihin mo din ako? Edi go." Sagot ni Sai at inirapan si logan.


"Hindi naman ako na informed na basagulera pala ang girlfriend ng kapatid ko." Saad ni Mr. Hottie habang nakatingin kay Amarah.


"Yeah. I don't even know na kaya palang makipagsapakan ng mga anghel." Turan ni Mr. Angelic na nakatingin kay Sav.


Totoo naman. Si sav yung tipong akala mo di makabasag pinggan kasi sobrang amo ng mukha.


"Well, ako di na nag expect. Mukhang basagulera talaga si Ms. Rivera." Turan ni daddy— yung mokong na lalaki. Inirapan ko naman ito.


"By the way, I'm Vlademire Vaughn Mortel." Naglahad naman ito ng kamay kay Amarah.


"Kilala kita, kuya." Binigyang diin nya pa ang salitang 'kuya' na naging dahilan kung bakit nag ngitngit ang panga nito.


"Redmus Ivaylo Caizzo." Pagpapakilala nito ngunit tanging kay Sav lang nakatingin.


"Priam Carrius Acker." Nilahad nito ang kamay sa akin. Tiningnan ko ito ng masama.


"Why are you mad at me, love? As far as I remember ako dapat ang magalit kasi iniwan mo ako sa hotel ng nakatali."


Pinanlakihan ko ito ng mata. Padabog kong kinamayan ito. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko na ngayon ay nang-uusisa ang mga mata.


Pangalan palang nila amoy expensive na. Ang hirap ma reach. Nung nagpasabog ng kagwapuhan at kakisigan ang kalangitan feeling ko nag-alarm sila. Kaya ganon na lamang ang kagwapuhang taglay nila. Full package na. Walang tapon lahat subo—hehe joke lang.


"Why did you do that?" Napadako ang tingin naman sa boss namin. Tinatanong nito si Sai.


Habang si Sai naman ay prenteng nakaupo at naka krus ang mga braso.


"Ang alin?"


"Stop being sarcastic, Wife. We both know what I'm talking about." Napahilot ito sa kanyang ulo dahil mukhang stress na sya.


"Eh nakakainis sya e! Anong gusto mong gawin ko hayaan ko lang sya na laiitin ako? Pwes di ako papayag. Kulang pa nga sa kanya yon dapat pala inumpog ko uli ng tatlong beses para matauhan." Asik ni Sai.


"Crizsaina!" Dumagundong ang boses ni logan.


"Wag mo akong sisigawan!" Galit na sabi pabalik ni Sai.


"Girls, I think we should go now. Let's give them time to talk." Saad ni Mr. Angelic na Redmus pala ang pangalan.


Kami namang tatlo ay tumayo na rin. Sinenyasan ni Mr. Hottie na si Vlademire si Boss logan na lalabas kami.


Sighed. "Let's just talk about this later. Mamaya na kayo umalis. Gamutin nyo muna yang mga galos nyo." Pagsuko ni logan.


Ipinatawag ni logan ang kanyang secretary para kumuha ng first aid kit. May mga kaunting galos din kami dahil sa mga kalmot ng mga babaeng yon. Dinaig pa ang aswang kahaba-haba ng mga kuko.


Nang madala na ang first aid kit ay kanya-kanyang pwesto ang mga ito.


Si Redmus ang gumagamot kay Sav. Si Vlademire naman ay kay Amarah. Si boss Logan ay pilit na ginagamot si Sai. Habang eto namang si Priam ang gumagamot sa galos ko.


'Ako na.' Halos pare-pareho naming turan sa mga lalaking ito. Pero nagpupumilit parin sila.


Tiningnan ko naman si Priam na hawak-hawak ang aking braso dahil ginagamot ang mga kalmot ng aswang na yon kanina.


"Ako na, baka masakit." Ani ko.


"Kung dan palang ay nasasaktan ka na, pano pa kaya kapag..." Hindi na nito tinuloy ang sinasabi.


"Kuya, ako na. Kaya ko na yan." Saad ni Ams kay Vlad.


"Wala akong pake. Wag mo akong tawaging kuya hindi kita kapatid." Kunot-noong sabi nito.


"Syempre, kuya ka ng boyfriend ko kaya dapat lang na tawagin din kitang ganon."


"Hindi pa naman kayo kasal kaya hindi mo ako brother in law. At hindi kayo ikakasal." Mahinang saad nito.


"Are you okay?" Tanong ni Redmus kay Sav.


Tumango naman ito bilang sagot.


"Wife, yung kabilang braso mo patingin." Saad ni Logan.


Hindi ito pinansin ni Sai.


"Wife... I'm sorry na. I don't want you to get hurt kaya ayokong makipag-away ka ulit." Puno ng paglalambing ang boses nitong sinasabi kay Sai.


"Dafowkk dude." Ani Priam. Marahil ay nagulat ito sa pag-iba bigla ng tono ni Logan.


"Shut up!" Inis na sambit ni Logan at nagpatuloy sa paglalambing kay Sai. 


Napangiti nalang ako dahil dito. Na kahit cold at snob yang boss namin, maalaga sya kay sai. Masaya ako dahil nakatagpo na si Sai ng taong makakasama nya.




SAJIYANG

Deception Series: Priam Carrius AckerWhere stories live. Discover now