CHAPTER 1: ABOUT TO BEGIN

51 14 0
                                    


ZIVIENNE

“GOOD MORNING, our pretty Zi!” salubong na bati ni Shaun nang makalabas ako sa gate ng bahay namin. He’s with Hazel.

“Morning. Kanina pa kayo?” I asked.

“Kararating lang. Ito kasing si Shaun nakikain na naman sa bahay namin!” naiinis na sagot ni Hazel.

“Bakit ka naiinis? Bawal bang makikain sa bahay niyo?” tanong naman sa kaniya ni Shaun.

“Bawal talaga! Hindi ko na naman naabutan ang kuya ni Zivienne dahil sa katakawan mo! Hindi ka naman tumataba!” bulyaw sa kanya ni Hazel.

“Enough already. Dadaanan pa natin sina Paris at Donna, remember? Baka ma-late tayo,” pag-awat ko sa kanila. Sinabunutan pa ni Hazel si Shaun kaya napailing nalang ako at nauna nang maglakad. Malayo pa lang ay natanaw na namin si Paris na nakatayo sa harap ng bahay nila.

“Morning Paris!” masiglang bati ko. Nilingon naman niya kami at ngumiti.

“Morning din. Let’s go?” aya niya at sumabay sa amin.

“Akala ko makikikain ka rin kina Paris,” natatawang saad ni Hazel kay Shaun. Oh men, here we go again.

“Hindi ‘no. Nasa labas na kasi siya,” sagot naman ng huli.

“Eh nasa labas na rin naman ako kanina ah,” reklamo ni Hazel. “Pero pumasok ka pa rin at kumain.”

Patuloy lang sa pag bangayan ang dalawa sa gilid namin at paminsan-minsan ay hinahampas ni Hazel si Shaun na tinatawanan lang ng huli.

“When are they planning to stop?” medyo natatawang tanong ni Paris.

“Never,” sagot ko at mahinang tumawa.

“They’re always like that,” komento nito. “I think magkakatuluyan sila.”

“Feel ko rin,” pagsang-ayon ko at pareho kaming napatawa na ikinakunot naman ng noo ng dalawa. Tumigil sila sa paglalakad at hinarap kami.

“Why are you laughing?” magkasabay nilang tanong.

Pumwesto ako sa gitna nila at inakbayan silang dalawa. “You know what? Sabi sa’kin ni mama, diyan din daw sila nagsimula ni papa. Bardagulan now, ligawan later.” Pagkatapos kong sabihin iyon ay hinila ko si Paris at kumaripas kami ng takbo, leaving those two behind.

“YAWA KAYO!!! HINTAYIN NIYO AKO MGA BEBOT!!” sigaw ni Hazel at hinabol kami. Humihingal kami nang tumigil sa harap ng bahay nina Donna. Pinindot ni Paris ang doorbell at naupo sa malaking bato. Ilang minuto lang ay dumating na rin sina Hazel at Shaun na hinihingal na rin. Hahampasin sana ako ni Hazel ngunit hinarang ni Paris ang sarili niya kaya sa kaniya tumama ang mga hampas ni Hazel.

“Mga Bebot kayo!”

“Anong mali sa sinabi ni Zi?” natatawang tanong ni Paris habang hinahampas ni Hazel ang braso niya. “You and Shaun look good together.”

“Paris!” Padabog na sinipa ni Hazel ang tuhod ni Shaun. Napadaing naman ito at tiningnan ng masama ang isa.

“Bakit ako ang sinipa mo?” tanong nito. “Si Paris dapat iyon eh!”

AMONG US IWhere stories live. Discover now