CHAPTER 7: THE FORENSIC

16 11 0
                                    


NAGING PAYAPA ang nagdaang linggo. Nag-aral lang kami at nag-imbestiga. Wala pang bagong biktima. Oo, wala 'pa'. Sa loob ng isang linggo ay paulit-ulit na sinasabi sa'kin ni Tobias na marami pa ang mamamatay kaya tinanggap ko na lamang ang katotohanang iyon kaysa masaktan na naman ako kapag may bago na namang mamatay sa mga kaklase namin.

Pero ayaw kong pati ang mga kaibigan ko ay madamay sa kaguluhang ito. Ayaw ko na may mamaalam sa kanila.

Pagkatapos ng naging usapan namin kasama si Kuya Lucas, napagpasyahan ni Sir Villejo na magpares-pares kami sa pag-iimbestiga para mas mapadali ang aming imbestigasyon.

Nalaman namin ni Wave na binubully pala dati nina Alyana, Camille at Bridgette si Coraline. May her soul rest in peace. At umamin rin ang iba pa naming kaklase na nambu-bully rin sila. Halos lahat sila.

Pero hindi lang naman si Coraline ang nakaranas ng pambu-bully mula sa kanila. Sinabi sa'min ni Roy na nilagyan daw ng lupa ni Bridgette ang bag niya noon. He's not physically hurt but what Bridgette did is still considered as bullying. May mga nabully rin daw sila sa ibang section at maging sa lower grade levels.

Akala ko mababait sila, matitino. Pero masasama rin pala ang ugali nila. Sa ilang taon na nakasama ko sila, akala ko kilala ko na sila pero hindi pa pala. Marami pa rin silang itinatago at hindi inaamin.

Tiningnan ko isa-isa ang mga kaklase ko. Mukha silang mga inosente kagaya ng mga unang biktima. Kung hindi nangyayari ang patayang ito sa amin ngayon, malamang ay iisipin kong napakabait nilang lahat.

I sighed. I can't trust them anymore. Ang pagtitiwala ko sa kanila ay biglang naglaho. Kung hindi kami namatayan ng mga kaklase ay hindi ko pa malalaman na may kasama pala kaming abuser. Ang mga kaibigan ko nalang at si Sir Villejo ang kaya kong pagkatiwalaan sa lugar na ito.

Napatingin ako kay Tobias na walang emosyong nakatingin din sa mga kaklase namin. We're not really close and I also can't say that we're friends, but I trust Tobias. Papatayin ko talaga siya kapag nagtaksil siya sa'kin... sa'min.

Naramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kaniya kaya napatingin din siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Nginitian ko siya at sa hindi ko inaasahan ay nginitian niya rin ako. Isang sinserong ngiti na ngayon niya lang ipinakita. Gwapo rin naman pala siya kapag nakangiti. Magkadugo yata sila ni Wave eh.

Tiningnan ko naman si Wave na nakaupo na ngayon sa tabi ko at tahimik na nagsusulat sa notebook niya. Cold person din si Wave but I already had a glimpse of his soft side. He's also making me feel comfortable around him. Palagi niyang pinaparamdam sa'kin na dapat ko siyang pagkatiwalaan at deserve niya ang tiwala ko. Subukan niya lang talaga na baliin ang tiwala ko sa kaniya, makikita niya si San Pedro nang wala sa oras.

Tumigil si Wave sa pagsusulat at tumingin sa'kin. "Stop chukling, you're creeping me out," he said. Nginitian ko lang siya na siyang ikinasimangot nito. Nagiging komportable na ako kay Wave at hindi na ako nahu-human shock sa kanya HAHAHA. "Is there anything you want to say?"

Humikab ako. "Inaantok ako." Ihihiga ko na sana ang ulo ko sa lamesa pero pinigilan niya ako. Nilagay niya sa lamesa ang nakatupi niyang jacket at pina-ulon ang ulo ko doon. "Thank you." Ngumiti siya at muling nagsulat. I stared at him. Pinapakita niya na rin ang gentlemen side niya.

Muli itong napalingon sa'kin. "Zivienne, are you okay?" he asked and I nodded. Pinatong niya rin ang ulo niya sa lamesa paharap sa'kin. "Tell me what's wrong."

"Nothing's wrong," sagot ko.

"Then why do you keep staring at me?" Kumunot ang noo niya. "What are you thinking?"

"I trust you..." bulong ko na ikinangiti nito.

"I know," agarang sagot niya. "I trust you more."

Umayos na kami nang upo kasi dumating na si Sir Villejo. Monday ngayon at regular class kami. Nababalot pa rin ng takot ang buong Maple High pero kailangan naming mag-aral kaya kahit natatakot pumasok ay pumapasok pa rin kami.

AMONG US IWhere stories live. Discover now