CHAPTER 3: AS RED AS BLOOD

30 13 0
                                    


NAGLALAKAD na kami ngayon pabalik sa mansyon ng Kapitan pagkatapos naming magkwentuhan sa falls. Nagtulukan pa sina Hazel, Shaun, Donna at Angelo kaya naligo nalang sila doon. Mga abno talaga.

“Kasalanan mo ‘to Shaun eh!” paninisi ni Hazel at binatukan si Shaun. “Papagalitan tayo ni Sir neto. Sinabi niya pa naman na huwag daw muna maliligo.”

“Sabi ni Sir, huwag maligo sa dagat. Hindi niya sinabing huwag maligo sa talon!” dahilan ni Angelo kaya binatukan rin siya ni Donna.

“Yawa ka Angelo! Kasalanan mo rin ‘to!” segunda niya. “Tamo, pag pinagalitan tayo mamaya, lalagutan kita ng hininga.”

“Napakatapang mo ah. Hindi mo naman abot leeg ko HAHAHA.”

Pagdating namin sa mansyon ay agad silang nagbihis para daw hindi mapansin ni Sir na basa sila pero HAHAHA saktong pagdaan namin sa gitnang kwarto ay siya ring paglabas ni Sir mula doon. Kaya ang ending, pinagalitan sila ni Sir Cavalor habang kami naman ni Wave ay nakatingin lang sa kanila. Kaming dalawa lang kasi ang hindi nabasa.

Pagsapit ng alas tres ng hapon ay sabay-sabay na kaming pumunta sa main entrance ng Barangay upang hakutin ang mga karton ng donations na iniwan doon ng bus.

“Ang bibigat naman ng mga kartong ‘to!” reklamo ni Hazel habang buhat-buhat ang isang malaking box. Kinuha naman ito ni Shaun mula sa kanya.

“Huwag ka nang magbuhat ng karton. Baka mapagod ka lang,” anito na ikinapula ng pisnge ni Hazel. Kinantyawan naman namin sila.

“Yieee, sinasabi ko na nga ba,” panunukso ko.

“Concerned lang ako sa kaibigan natin,” Shaun explained. “Alam niyo naman kung gaano katakaw ‘yan kapag pagod, hindi ba? Ayaw ko lang makita na nagiging dugyot siya.”

“Gag* ka talaga, Shaun!” Binatukan siya ni Hazel kaya napatawa nalang kami. Aso’t pusa talaga kahit kailan.

Kinuha ko ang pinakamaliit na box dahil ‘yon nalang ang natira. Ang gaan-gaan naman nito. Ano laman nito? Tatlong damit?

Lalakad na sana ako nang harangan ako ni Miguel.

“Bakit?” kunot-noo kong tanong.

“Ako na magdadala niyan.” Akmang kukunin niya ang box sa kamay ko nang ilayo ko ito.

“Ako na. Hindi naman mabigat eh,” I said and smiled. Nginitian niya rin ako at sasabayan na sana sa paglalakad ngunit tinawag siya ni Sir. Cavalor. Nagpaalam ito sa’kin at lumapit sa guro.

Hinanap ng mga mata ko sina Paris ngunit hindi ko na sila nakita. Nauna na siguro. Hindi man lang ako hinintay ng mga iyon! Parang hindi kaibigan ah.

“Give me your box.” Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Wave sa harap ko. Buhat-buhat niya ang isang medyo may kalakihang box.

“I’m sorry, come again?” I was spaced out kaya hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

“I said, give me your box,” he replied with coldness in his voice. Parang kanina lang napaka-soft niya pero ngayon cold na naman siya. Mood swing ba ‘to?

“No need. Magaan lang naman ‘to eh,” I said.

“Come on. Place it here,” pagpupumilit niya at nginuso ang ibabaw ng box na dinadala niya. Cute mwehehehe.

“Kaya ko na ‘to,” sagot ko. “Kung kukunin mo pa ‘to sakin ay wala na akong dadalhin.”

He sighed. “Okay fine,” pagsuko niya. “Let’s go.”

Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa maliit na court ng Purok Malinlin. Nandoon na ang mga kasama namin at pati na ang mga taong nakatira sa Purok na ito.

AMONG US IWhere stories live. Discover now